Krisha’s POV
“Kuya ilan pa po ba ang nagpriprint?”
“Uh. Anim nalang po.”
Haa 3 na pero hindi pa ako nakakapunta kina Kent. Sana naman wag siyang umuwi agad.
Inayos ko na ang mga crepe papers na kanina ko pa ginagawa. Bute habang hinihintay ko ang pagprint ng pictures ay nakagawa na ako. Para mamaya magdidikit nalang ako.
Pagkatapos na pagkatapos ng print ay agad na akong nagpunta sa bahay nila Kent. Pinayagan naman ako nina Tita dahil sa gusto rin naman nilang magbalikan kami. Nagpasorry narin ako sakanila dahil sa nangyare.
“Uhm sis may kailangan kaba?”
“Nako ate Nhey ok lang ako nalang kaya ko to :))” sabi ko saka ko dinidikit ang mga pictures namin ni Kent sa pader.
“Ang swerte naman ni Kent. Nako kayo pag hindi pa kayo nagkaayos pagkatapos niyan paguuntugin ko na kayo!”
“Hay. Sana nga umubra ito.”
“Osya iwan na muna kita diyan hah. Senyasan nalang kita pag parating na si Kent.”
“Salamat ate.”
Ayan. Ok na ako sa pictures. Mukha naman ng heart shape. Hmm. Ay wait! Kinuha ko mga crepe papers saka ko dinikitan ng mga heart papers sa dulo at idinikit ko narin sa ceiling. Bute nalang at nakapaghiram ako ng hagdanan. Hehe
Hmm. Ano paba? Ah! Kinuha ko ang cartolina saka ako nagsulat
“Will you be my boyfriend again?”
Ayan! Teka saan ko ididikit to? Hmm. Ah! Dito nalang sa salamin sa tapat ng kama niya! ^O^
Ok naba? Yung petals nalang. Ikakalat ka sa buong kwarto.
5pm na at wala parin si Kent. Nasaan na kaya yun? Ah siguro natagalan dahil sa umuulan. Oo yun yon. Baka padating na rin siya. Nagtago na ako sa gilid ng kama saka napatingin ulit sa cellphone ko.
“Sana umubra ito. Iloveyou” sabi ko sa picture ni Kent sa cellphone ko saka ko hinalikan.
Nagulat ako nang biglang nagring ito.
Kevin calling....
‘Hello Krisha?’
“Oh Kevin napatawag ka? Nga pala kasama mo ba si Kent?”
‘Ah eh yun na nga eh kaya ako tumawag.. Si Kent kasi..’
“Ano?”
‘Nandito kami sa bar nila Marius.’
“Hah? Ano ginagawa niyo diyan? Kevin diretsuhin mo na nga ako!”
‘Nagkayayaan kami. Alam mo namang lumipat kase si Marius ng school diba. Ah eh kasi si Kent. Inom ng inom ayaw magpaawat. Baka sakaling ika---‘
“WHAT THE! SANDALE HINTAYIN NIYO AKO DIYAN!”
Agad agad kong binaba ang phone saka tumakbo na palabas.
“Oh Krisha saan ka pupunta?” Tanong saakin ni tita.
“Ah mamaya ko na po sasabihin tita bye muna po.”
Sabi ko saka na tumakbo. Pero sht. Umuulan pala! Naman oh! Nabasa na ako. Pero hayaan na. Ang kailangan kong puntahan ngayon ay si Kent.
“Si Kent?!”
BINABASA MO ANG
I was born to love you (editing)
Teen Fiction"Im so stupid that I fell inlove with my bestfriend. Akala ko mahal niya din talaga ako tulad ng pagmamahal ko sakanya. Pero iniwan niya ako. Ang mas masaklap. I don't have an idea where is he. All I know is. I still love him. And he's still in my h...