Chapter 1

1.5K 17 2
                                        

Krisha's POV

Anog lugar ito? Bakit ice cream ang lupa? Bakit chocolates ang mga bahay? Bakit umuulan ng sprinkles? Naalala ko tuloy ang movie na Cloudy with a chance of meatballs.

Pwede bang tumikim? Edible naman siguro ito diba? Kumuha na ako ng ice cream gamit ang kamay ko. Isusubo ko na sana nang biglang may sumigaw ng pangalan ko.

 

“Ate Venice!” Ano ba naman yan istorbo. Ang sarap panaman ng panaginip ko

“5 minutes!” reklamo ko at sinubukang matulog ulit para matikman ang ice cream na iyon

“Anong 5 minutes?! Oras na hoy! Malelate tayo sa klase! First day panaman!” Ano banaman etong si Travis nakakairita! Sigaw ng sigaw. No choice na talaga ako kaya bumangon na ako.

“Eto na babangon na KUYA” inemphasize ko talaga ang kuya. Akala mo naman kase kung umasta eh mas matanda pa sakin. Ts.

“Oh and Trav” pahabol ko nang palabas na siya sa kwarto ko. “Don’t call me Venice again ok?” pasalamat siya good mood ako kaya hindi ko siya inaway.

Dali dali ko nang pinaliguan sexy kong katawan. Well sabi nila sexy ako eh edi sexy nga ako. Saka ko sinipilyo ang aking mapuputing ngipin. Dali dali ko rin pinatuyo ang aking mahabang na buhok at nagponytail. Inayos ayos ko narin ang full bangs ko na bumabagay sa mukha ko.

"Good morning mama! Si Papa?” bungad ko kay mama na nakaupo ngayon sa dining table.

“Agad nagpunta sa hotel. Nagkaproblema daw kasi tungkol sa partnership” sabi niya at humigop sa kanyang kape

“Is it bad?” umupo ako sa tabi niya at nagsimulang kumain.

“Not that bad. Don’t worry.” Nginitian naman niya ako. “Oh so how’s Manila for you?”

“Great. Konting adjust pa nga lang. Saka eto first time kong lalabas netong village na ako lang kaya kinakabahan ako”

“Ok lang yan paphatid sundo ko naman kayo kay mang Tisoy. Oonga pala kayong dalawa ni Travis. Sabihin niyo kaagad saakin kung may problem sa new school niyo ah?”

“Sige ma. Sana magustuhan ko dun”

“Sus kunware pa si ate. Bakit hindi mo sabihing gusto mo ng bumalik sa Bulacan para makasama si--- ARAY!” sigaw niya ng bigla ko siyang apakan mula sa ilalim ng table

“Oh no ok ka lang lil bro?!” sarcastic kong tanong sakanya

“Mama hindi na po pala ako kakain hah nabusog na ako sa hot choco. See you later” Dali dali niyang sabi at hinalikan si mama sa pisngi

“Oy ate bilisan mo!” Aba! Grabe nag ate pa siya sakin!

“Osha mama bye na”

“Ingat kayo hah” Sabi niya saka ko siya hinalikan sa pisngi.

 

Bute naman at hindi na tinuloy ni Travis ang kanyang sasabihin. Kahit kailan talaga yung batang yun! Pahamak. Edi sana na buking nako ni mama na may boyfriend ako nako magagalit yun panigurado. Baka hindi na niya ko payagang pumasyal sa Bulacan ever. One week palang kami dito sa Manila. Dinala nila kami dito dahil sa bussines nila. Para daw hindi nila kami mamiss eh eto sinama nila kame.

I was born to love you (editing)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon