True Love.........
Lahat ng bagay ay magagawa mo pagdating at kung para sa pag-ibig, lahat gagawin mo para lang mapasayo sya, gagawin mo lahat para maging masaya kayo, gagawin mo ang lahat para hindi sya mawala sayo. Hindi naman masama kung gagawin mo yun.
Pero hindi ba dapat lahat ng gagawin mo ay makakabuti sainyo, sa lahat. Di gaya ni Dr. Dalton, pano nalang kung dadalhin pala sya ng pag-ibig sa hukay,nadadalin pala siya sa maling daan, ang masama ay hindi lang sya dahil lahat ng taong nakapaligid sakanya ay madadamay, literal na nakapaligid sakanya.
Gagawin nya ang lahat para lang mabuhay ang kanyang pinakamamahal na asawa na magiging dahilan ng napakalalang sitwasyon sa napakaligid sakanila.
Zombies............
Totoo nga bang nageexist ang mga zombies? Siguro dahil sa tinatawag na "pagmamahal" at "wagas na pag-ibig" ay magkakatotoo ito, dahil sa kemikal na hindi dapat maitapon ay magkakaron ng buhay ang isang tao, ngunit hindi normal na tao na ito dahil maaaring maging zombie.
Isang klase ng zombies na kapag ika'y nakagat ka ay maaari ka ring maging isa sakanila. Na kapag nakagat ka ay maaari mo ring kagatin ang mahal mo sa buhay
Maraming buhay, kaanak, mga walang muwang, mga walang alam, hindi karapat dapat ang mapahamak o mawawalan ng buhay.
Kakayanin mo kayang mawalan ng mahal sa buhay dahil nakagat na sila at isa na sila sa inyong tinatakasan?
Mas gugustuhin mo bang maging isa sakanila kesa mabuhay pa ng wala sila?
Kakayanin mo kayang patayin ang isang zombie na ang itsura nya ay ang iyong mahal sa buhay?
Kakayanin mo kayang mabuhay o mas pipiliin mo nalang mamatay?
Kakayanin mo kayang makasurvive sa loob ng isang malaking barko na puno ng mga zombies?
Kakayanin mo bang pumatay o ipahamak ang iyong kasama para makaligtas ka lang?
Kakayanin mo kayang magsakripisyo para maligtas mo ang kasama mo o mahal mo sa buhay?
Hanggang kailan ka makakatagal sa isang lugar na wala kang ibang mapupuntahan at takbo ka lang ng takbo para makaligtas?
Kakayanin mo bang ......
Magtiis.
Maghintay
Magtiwala.
Magsakripisyo.
Sasakay ka pa ba sa......
DEADSHIP.
--------
Whahahaha libre po lait push natin yan hahaha.
Magustuhan nyo sana hahaha
Written by: jaydexperior
BINABASA MO ANG
Dead Ship [ON HOLD]
HorrorTotoo nga bang nageexist ang mga ZOMBIES sa mundo natin tulad nalang ng mga napapanood natin? Kagaya nalang nitong nangyari sa isang barko na nagkaroon ng isang napaka lagim na pangyayari. Nagsimula ng lahat dahil sa isang pagkakamali at naghudyat n...