Kabanata 4 Zombie

119 13 1
                                    

"ZOMBIE"

EDD



Hindi ba talaga masasaktan yan si Kenn? Edi kung ganun bugbugin nalang natin,hindi naman na ata siya yan kasi hindi naman ganyan si Kenn kanina,tsaka nasa loob rin yung kwintas na ipinangako ko sa nanay ko kailangan kong makuha yun.


"Kaya nga pagtulungan nalang natin si Kenn tutal muntik ka na niyang masaktan. Sabi ni Frank kay Xes.


Pagkatingin ko sa pinto nakita kong muli ang itsura ni Kenn, tinitignan ko sa harap ng salamin ng pinto at ng itapat ko ang kamay ko sa bibig niya ay akma niya itong kakagatin,


"Gutom na gutom tong si Kenn at baka tayo ay kainin rin kaya magingat tayo.


Pagkatingin kong muli sa pinto ay nakita kong bumangon si Hans sa kanyang pag ka tulog.


"Aarrrghh ang ingay niyo naman ano ba meron!


Biglang lumingon sa likod si Kenn at pinuntahan si Hans kayat nagkagulo kami.


"HAAAAANSSS WAG KANG BABABA!


"WAG KANG AALIS DYAN!


Paulit ulit naming mabuti nalang at narinig niya.


"Ano bang nangyayari dito! Bakit nagkakaganyan si Kenn.

 
Natatakot na tanong ni Hans saamin,
Pinagsisipa niya ito at binato ng unan niya pero hindi parin nagpapatinag si Kenn.


"Ganito gagawin natin kapag binuksan ko yung pinto pagtulungan na...


Hindi ko pa man natatapos ang pagsasalita ko binuksan na agad ito ni Frank at tinadyakan nya ito ng malakas,agad akong sumunod para kunin ang kwintas sa bag ko.


"Ano pang hinihintay mo bumaba ka na diyan.


Sa sobrang taranta ni Hans ay nagkamali siya ng tapak at nahulog siya sa sahig, kahit na nasa ganun kaming sitwasyon ehh natawa pa rin kaming lahat sa kapalpakan nito ni Hans.


"Tara na iwan na natin si Kenn dyan baka mapano pa tayo dyan.


Agad kaming nagtakbuhan palabas ng pinto at isinara ang pinto.


"Grabe si Kenn anong nangyari sa kanya kanina naman hindi siya ganyan.pagtataka ni Hans


"Tara iwan na natin muna siya dyan at humingi tayo ng tulong sa nagbabantay dito. Singit naman ni Josh.

Habang naglalakad kami di namin maiwasan magtaka kung bakit biglang umingay sa itaas.


"Guys naririnig nyo ba yun? Mga nag sisigawan. Tanong ni Xes saamin.


"Tara tignan natin! Singit ko pa sa kanila ng biglang..


"TULONG! SAKLOLO!


Pagtingin namin sa kanan namin ay may pinagpipyestahan na katawan ng mga katulad ni Kenn.


"GUYS KAILANGAN ATA NATING TUMAKBO ANDAMI NILA AT PAPUNTA NA SAATIN.


Natatakot kong sabi sa kanila kayat tumakbo kami pabalik.


"Bilisan niyo nasa likod na natin sila! Hinahabol tayo!


"DITO DITO!!!

 

Dead Ship [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon