"ITAK"
EDD
"Ahh Roseeeeeeee...... Pwede pahingi pa ako? Tinapay naman.
Naubos ko na kasi yung kinakain ko at hindi parin yun sapat para sa kumakalam kalam na sikmura ko.
"Ohh ito ohh last nayan, meron pang hindi kumakain kailangan pa natin to.
Akala ko hindi na ako bibigyan ng pagkain eh, ayun nilantakan ko na ang binigay sa akin. Sakto naman na nagising na si Louisse at ganun parin kahit kakagising palang maganda parin, napangiti nalang ako ng makita ko nanaman ang maganda niyang mukha.
"Louisse saluhin mo!
Agad namang binigyan ni Rose ng pagkain si Louisse. Pero hindi niya ito nasalo kaya natamaan sa mukha itong si Xes. Nagkatinginan kaming tatlo at ayun na nga ang inaasahan namin nagising si Xes na tulo laway pa. "Hoy Xes tulo laway ka hahaahaha. Nagtawanan kami pati narin si Rish nakitawa narin kasi naman tong si Xes anlaki laki na tulo laway parin ayan nakita pa tuloy siya ni Louisse na tulo laway siya bawas points siya ay wala nga palang ibaawas hahahaha.
"Huy Xes akin nayang tinapay nayan hahaha.
Agad namamg iniabot ito ni Xes at binigyan narin si Xes ng pagkain ni Rose.
Habang kumakain kami hindi namin mapigilang tumawa lalo na kapag nagkakatinginan kaming tatlo. Hanggang sa naalala ko yung pinagusapan namin na pumunta sa
7th floor nitong barkong ito, nasa 5th floor na kami bali 2 nalang at malapit pa kami sa hagdanan hindi na kami mahihirapan.
"Guys ah hindi lang naman ako ang gustong habang buhay tayo nandiro diba?
Tanong ko agad sa kanila habang kumakain.
"Bakit ano bang balak mo? Tanong ni Louisse.
"Kaya nga mas ligtas tayo rito kaya dumito lang tayo
Sagot naman ni Rose.
"Ahh kasi hindi tayo pwedeng nandito lang baka mamaya dumugin na tayo dito at masira na ang pintuan nayan, kailangan nating makaalis dito.
Pagpapaliwanag ko sa kanila pero hindi ko alam kung maiintindihan ako ng daawang to, si Xes di na nakikinig kasi alam naman na niya yung plano kaya patuloy lang siya sa pagkain.
"Kung hindi tayo pwede dito eh saan naman tayo pupunta?
Ayun ang tanong na pinakahihintay ko sa kanilang dalawa.
"Sa 7thfoor nito. Doon sa makakahingi tayo ng tulong at lugar na pwede tayong makaligtas.
"Paano tayo maliligtas dun baka marami ring mga Zombie dun.
Tanong agad no Rose.
"Ganito yan, napagplanuhan naming magkakaibigan na pumunta dun sa nasabi ko at ang balak namin dun mamalagi at kapag nakapunta na kami dun ay lilinisin namin lahat ng zombie na nakapaligid dun sa taas at pagkatapos nun isasara namin lahat ng daanan at maglalagay ng mga magbabantay sa bawat daanan para masabihan lahat na kung merong paparating na Zombie.
BINABASA MO ANG
Dead Ship [ON HOLD]
TerrorTotoo nga bang nageexist ang mga ZOMBIES sa mundo natin tulad nalang ng mga napapanood natin? Kagaya nalang nitong nangyari sa isang barko na nagkaroon ng isang napaka lagim na pangyayari. Nagsimula ng lahat dahil sa isang pagkakamali at naghudyat n...