Kabanata 19 Twin Brothers

28 2 0
                                    

"TWIN BROTHERS"

EDD



Nakita namin ang kambal na lalaki na kasing kaedad lang namin at tumatakbo dahil hinahabol ng dalawang Zombie.



"Tulong po!



Nakita kami ng isa at nanghingi saamin ng tulong. Kitang kita ko sa kanila na pagod na pagod na sila at halata mong kanina pa sila uhaw na uhaw.



Nang palapit na sila nagpatuloy na kami sa kanila dahil kung hindi namin sila tutulungan ay konsensiya na namin yun, kailangan narin namin silang tulungan dahil ayun narin ang napag usapan namin.



Hinawakan kong muli ng mahigpit ang hawak kong itak at tinanguan ko si Rose na tulungan niya ako, agad naman niyang nakuha ang gusto kong mangyari. Naglakad kami at nang makalapit na saamin ang kambal pumunta sila sa likod namin.



Malapit na ang Zombie at inasinta ko agad ang uko nito. Sakto ang pag itak ko dito at natumba agad siya at ang isa naman ay sinalag ni Rose at sinakal gamit ang pamalo niya, idinikit niya sa dingding.



"Rose ulo mo!



Pinausog ko ang ulo ni Rose para di siya matamaan. Inasinta ko muli at initak ko na agad ang ulo nito. Napatay na namin ang dalawang Zombie at bumalik na kila Louisse at Xes pero biglang nagsalita ang magkapatid na kambal.



"Salamat sa pagtulong niyo sa amin. May utang na loob kami sa inyo.



Napalingon kaming apat sa dalawang magkapatid.



"Wala yun sa susunod magingat nalang kayo. Sumama nalang kayo sa amin para mas ligtas tayo.



Pangaaya ko sa kanila.



"Kaya nga sumama nalang kayo sa amin pupunta kami sa terrace nitong barko para dun mamalagi.



Sambit naman ni Xes sa amin.



Hindi na nagdalawang isip pa ang magkapatid na kambal at pumunta na sa amin at sinabing. "Sige sasama nalang kami sa inyo.



"Teka may nakita pa ba kayong buhay pa at ligtas?



Tanong agad ni Rose sa magkapatid.



"Oo marami pa kaming nakaligtas at nandun sila lahat sa theater room.



Nabuhayan kami dahil kahit papaano marami pang nakaligtas sa mga nangyayari  dito sa barko.



"Sigesige kailangan muna nating pumunta sa terrace nito para makaligtas muna tayo at pagkatapos nun ay ililigtas na natin sila.



Sagot ko sa kanila at agad naman silang nagpakilala saamin.



"Ako nga pala si Mikey at siya si Mike. Para masmadali niyong malaman kung sino saamin si Mikey o Mike, tignan niyo lang ang balat sa kamay namin. Kapag walang balat ako yun si Mikey at kapag meron si Mike yun.



Tinignan namin at tama nga may balat si Mike. Nalito ako kanina akala ko naduduling lang ako dahil pareho na sila ng damit magkamukhang magkamukha pa. Napailing alang ako.



"Tara na habang wala pang Zombie. Mamaya na tayo magpakilala.



Sabi saamin ni Louisse na natatakot narin.



Nanguna na ako paakyat sa 7th floor kung saan terrace nitong barko. Pero angkaroon ng problema dahil sa sarado ang parang gate nito. Bago pa kasi mabuksan ang pinto ay mayroon pang bakal na parang gate na dapat buksan pero hindi namin mabuksan dahil wala namang lock na pwede naming sirain. Pero sinubukan parin naming buksan. Apat kami nila Xes,Mike at Mikey na pilit binubuksan pero bigo kaming mabuksan.



Dead Ship [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon