Kabanata 11 Rish

64 10 0
                                    

"RISH"

JOSH

Habang  pinapaikot ikot ko yung  boteng nasa lamesa hindi ko sinasadyang maihulog ang bote sa lapag kaya nabasag pero nagulat ako sa nakita ko, nakita ko si Xes, Oo si Xes nga! Kayakap yung zombie na babae grabe di sya nandiri ewan ko dito siguro di rin niya alam kasi tulog siya ehhh pero grabe kung ako yun baka nasukahan ko yung zombie hahahaa!



Ilang oras narin akong nagmumuni muni at pinagmamasdan ang paligid, napagisip isip ko kung makaaligtas ba kami rito ohhh magiging kagaya narin ng mga zombie, ayoko namng maging zombie gusto ko pang makauwi balak ko lng naman lumayo muna pero di sa ganitong paraan na susubukin ako o kami.



Ipinatong ko sa lamesa ang dalawa kong kamay at ipinatong ko ang ulo ko,Ipinikit ko ang dalawa kong mata para makapag pahinga na, hindi ko nalang muna inisip yung mga problemang dumarating ngayon.



LOUISSE



"Gaile! Ano nang gagawin natin? Dito alang tayo magdamag?



Tanong ko sa kanya habang chinicheck yung labas ng kwarto para makita kung meron pa bang mga baliw.



"Ano ba gusto mo? Umalis dito ehh kanina pa nga lang takot na takot ka na paano pa kaya kapag mga nasaharapan na talaga natin sila baka makain lang tayong dalawa



Sagot ni gaile na walang kaemoemosyon, kaya ako naman tong natauhan sa sinabi niya.



"Pero kung ayan ang gusto mo edi tara alis tayo rito amboring dito tsaka baka si papa hinihintay ako dun sa room namin.



Tumayo siya at pumunta sa pintuan at sinilip muna kung walang mga baliw sa labas.



"Tara na Louisse habang wala sila!



Pangaaya niya sakin pero ako namang to na biglang natakot,ewan ko ba kanina gusto ko nang lumabas pero ngayon parang naduduwag na talaga ako.



"Hoy ano! Kanina gusto mo na umalis dito ahhh.



Lumapit siya sakin at hinatak ako para makaalis na, tinanong ko siya kung saan kami pupunta at sinabi niya lang sa 4thfloor



Kinuha niya yung walis at agad na kaming umalis,nasa harapan ko siya na parang hindi natatakot at ako namang eto nahawak sa kaliwang kamay niya.



"Bitawan mo muna ako Louisse paano yan kapag biglang may sumugod edi parehas tayong patay.



Binitawan ko agad baka kasi mangyari yung sinabi niya,ako naman tong kanina pa hindi makapagsalita.



Habang naglalakad kami biglang tumigil si Gaile, sinilip niya yung kanang daanan at sabi niya marami sila, ako namang si takot na takot nangangatog nanaman ang tuhod



"Huwag kang matakot basta wag tayong maingay.



Pabulong niyang sinabi saakin, tumingin ako sa likod namin at ayon may papuntang isa saamin



"Gaile meron sa likod natin papunta na malapit na satin!



Napalakas ang pagkasabi ko kaya imposibleng hindi marinig ng mga nasa kanan yung boses ko kaya agad na akong hinila ni Gaile para tumakbo, habang tumatakbo kami lumingon ako sa likod at paika ika silang lumalakad pero mabilis, hindi ko namalayan na perong katawan na bulagta habang tumatakbo kami kaya nadapa ako



Dead Ship [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon