"KUSINA"
JOSH
Nang paakyat na kami papuntang 4th floor wala kaming nakitang kahit isang zombie sa paligid,nakikita lang namin na mga bukas na pinto at mga gamit na nagsikalat at mga dugo,napaisip kaming lahat kung ano nangyari dito kung bakit ba walang zombie kaya nagmadali alang rin kaming nagsihubaran ng mga damit para palitan, grabe naman kasi yung amoy nito, amoy bulok yung dugo isama pa yung mga laman loob na nakasabit sa leeg namin edi lalong masangsang yung amoy kaya tumakbo kami at pumunta sa isang bukas na kwarto at naghanap ng damit na pwede naming ipamalit.
Si Edd nakakuha agad ng damit na maganda, si Frank naman kumuha nalang ng sando na nakasampay, si Hans naman kumuha na lang rin ng sando pero medyo malaki sa kanya kasi medyo payat siya, si Xes naman naghahanap sa mga pambabae na damit kaya lahat kami napatingin sa kanya.
"Hoy Xes umamin ka nga bakla ka ba?
Seryosong tanong ni Frank kay Xes na halata mo sa mukha ni Xes na nagulat siya.
"Huh! Ako? Bakla? Grabe ka naman sakin Frank porket dito ako naghahanap sa pambabae bakla agad?
Natigilan kaming lahat sa paghahanap dahil sa sagot ni Xes, napaisip din ako kung ano nga yung hinahanap nya doon sa pambabae, bigla namang sumagot itong si Frank.
"Ehhh ano bang hinahanap mo diyan?
Tanong uli ni Frank kay Xes.
"Ito ohhh nakikita niyo?
Nagulat kaming lahat sa itinaas niya sira ulo talaga tong si Xes, pinakita niya yung mga panty ng babae.
Natawa kaming lahat na parang walang pakialam sa nangyayari kahit kailan talaga kasi tong si Xes lokoloko.
"Bwiset ka Xes kaya naman pala.
Natatawang sabi ni Frank kay Xes nang biglang may pumasok na lalaki na pagod na pagod at sinara ng malakas yung pinto.
Agad naming pinagkukuha yung mga armas namin at tinanong siya kung sino siya.
"Ako yung nakaano dito sa kwarto na to.
Agad kaming natameme sa sinabi niya
"Hinahabol kasi ako ng mga baliw mabuti nalang hindi ako nakagat, hinahanap ko kasi yung anak kong babae na maybinili lang pero ilang oras na nakalipas wala parin hanagang s nagkagulo na dito sa labas at nagkakainan na wala parinsiya.
Napatingin kami kay Xes na hawak ang isang panty na Red, kita rin namin ang pagbulsa niya rito kaya hindi namin naiwasang mapangiti.
"Kuya maaari pong patay na yung anak niyo o hindi kaya naging Zombie narin siya tulad ng mga nangangain ng tao, kasi kapag nakagat ka nun pwede ka ring matulad sa kanila.
Paliwanag naman nitong si Frank at tinanong kung anong pangalan ng lalaki.
"Ahh ako nga pala si Leroy at yung anak ko na hinahanap ko si Rose yun alam kong buhay pa yun matalinong bata yun kaya naniniwala akong buhay pa talaga siya ehhh kayo saan nga ba kayo pupunta? Yung barko ng pala na sinasakyan natin huminto na siguro naging zoombig ba yun yung sabi nyo?
"ZOMBIE PO
"Basta ayun tapos nakita ko na maramaming nagsitalunan sa tubig ehh napakalamig ng tubig kaya mamamatay din sila, sinubukan ko ring humingi ng tulong gamit itong cellphone ko pero nawalan ng signal dito kaya bali wala rin.
Habang pinapaliwanag ni Kuya Leroy yung mga nangyari hinanap ko sa mapa nitong 4thfloor kung saan yung kusina.
Mga limang kwarto lang ang layo ng kusina kaya sa tingin ko hindi kami mahihirapan.
"Guys malapit lang yung kusina rito puntahan na natin.
Pagkasabi ko sa kanila sinuot ko na yung nakita kong tshirt, agad tinignan ni Edd yung labas para makumpirma na makakapunta kami ng maayos.
"Guys meron akong nakitang tatlong babaeng Zombie sa pangatlong kwarto tara na baka dumami pa sila.
Agad na binuksan ni Edd yung pinto at lumabas na agad sila ni Frank, sumunod na rin sila Xes at Hans pero nang paalis na ako nakita kong nakaupo lang si Kuya Leroy.
"Kuya tara na kaya kami pupunta dun para makakain na tsaka para makakuha ng magagamit.
Tumayo siya at sumama na rin saamin, pinauna ko si Kuya Leroy at nang tumatakbo kami papunta kila Frank bigla akong nilusob ng isang zombie.
"Kuya Leroy tulong!
Napahiga ako dahil hindi ko naman inaasahan na may zombie duon sa kwarto na yun kaya nabitawan ko yung hawak kong Nailgun, hindi ko alam ang gagawin ko dahil sadyang masmalaki saakin yung nakadagan sakin, hanggang sa zobrang lapit na ng mukha niya at konti nalang makakagat na ako.
"TULOOOOOOOONG!!!!!!
Sinipa ni kuya Leroy ang ulo ng Zombie kaya't napugot ito pero tumalsik sa mukha ko ang dugo nito,
"Salamat kuya!
inabot niya yung kamay niya at pinulot ko na agad yung nail gun na dala ko para makatayo.
"Sa susunod maging alisto ka.
Binalikan ko yung ulo na tumalsik at binaril ko agad para mamatay na, tumakbo na ako para makapunta sa kanila at nakita ko na nakahandusay na yung mga sinabi ni Edd na tatling babaeng Zombie, kaya't pumunta na kami sa kusina pero pagpasok namin nagulat kami ng kanya kanya na silang kumakain, grabe pala tong mga kumag nato, napangiti nalang ako sa nakita ko kasi para rin silang mga zombie na napaka siba sa pagkain kaya nakisalo narin ako.
Kinuha ko yung alimasag na nakalagay dun sa mga nakahilerang mga order ata, habang kumakain ako nakita kong parang malungkot si kuya leroy pero siguro nagaalala lang siya sa anak niya kaya hinayaan ko nalang muna siya at kumain nalang ako.
Masaya kaming kumakain nang biglang may zombie na punasok doon sa parang kwarto na freezer, kinuha muna ni kuya leroy yung kutsilyo ni Hans at punagsasaksak sa tyan yung uang zombie pero di nya ito mapatay hanggang sa malaglag yung mga lamang loob nito, muntik na akobg masuka sa nakita ko ewan ko ba kung bakit hindi parin ako masanay na ganito na ang mga nangyayari.
"Kuya sa ulo nyo po saksakin!
Sigaw ni Edd kay kuya leroy at agad na niyang napatay yung una sa kanila. Nang papalapit na yung pangalawa nilapitan niya ito at tinulak sa kumukulong ma tika at tinusok ang ulo ng kutsilyong nakalapag at yung pangatlong zombie naman grabe yung ginawa niya binato niya ng kutsilyo ba itinusok niya sa pangalawang zombie na napatay niya, grabe asintado pala tong tatay na to kaya na panganga kaming lahat dagil ganun pala siya.
Nagpalakpakan kami sa nakita namin kasi para siyang yung mga action star na napapanood namin.
"Galing mo pala kuya ehh.
Puri ni Frank kay Kuya Leroy,
Nawalan na rin ako nang ganang kumain dahil sa nakita kong mga bituka na nagsilaglagan kaya naghanap nalang ako ng mga delatang pwedeng makain namin s oras na magutom ma kami.
Naghanap hanap ako hanggang makita ko yung lagayan nila, kaya tinawag ko sila, kanya kanya kaming kuha at mga 17 piraso yung nakuha namin.
"Saan natin to ilalagay? At paano yung inumin natin? Pati yung pakay natin dito na mga gamit na panlaban sa zombie.
Paalala nitong si Hans sa amin kaya kanya kamya uli kaming kalasan para makahanap ng lalagyan at mga kagamitan panlaban.
END OF CHAPTER 9
VOTE AND COMMEMT
DEADSHIP
BINABASA MO ANG
Dead Ship [ON HOLD]
HorrorTotoo nga bang nageexist ang mga ZOMBIES sa mundo natin tulad nalang ng mga napapanood natin? Kagaya nalang nitong nangyari sa isang barko na nagkaroon ng isang napaka lagim na pangyayari. Nagsimula ng lahat dahil sa isang pagkakamali at naghudyat n...