Kabanata 20 Crowded

14 2 0
                                    

"CROWDEaD"

EDD

Nabigla kami sa nakita namin dahil hindi lang lima o sampu ang nakakalat na Zombie sa terrace nito kundi napakarami talaga.

"WHAAAAAT THEEEE F.......

Muntik pa mapamura si Xes sa nakita niya dahil nakakagulat naman talaga. Hindi lang sa labas meron kundi may mga nakalutang rin na mga bangkay sa dagat. Siguro sinubukan nilang makatakas pero sila ay nabigo. Naawa ako bigla sa mga namatay dahil sa delubyong nangyayari ngayon.

"Edd ano nanggagawin natin ngayon?

Tanong sakin ni Rose na natatakot dahil sa nakita niya.

"Kaya nga Edd!

Sabi ng kambal sa akin. Nagisip ako ng gagawin para hindi sila mabahala sa nakita nila, nakita ko yung parang microphone ng barkong ito at sinubukan ko kung gumagawa, chineck ko at hindi naman ako binigo dahil gumana siya, malakas siya at sigurado akong maririnig ito ng mga taong buhay na nagtatago pa, sigurado rin akong maririnig ito nila Josh.

"Sa nakaririnig nitong sinasabi ko kung sino man ang buhay pa dyan ay magingat kayo, huwag kayong lumabas sa mga pinagtataguan niyo pansamantala dahil maraming nagkalat ng Zombie, Zombie nga pala ang tawag namin sa mga nangangain ng kapwa tao, magiingat po kayo.

Ibinaba ko na at sinabi ko na rin sa mga kasama ko na huwag silang mag alala dahil lahat ng ito ay masusulusyunan namin.

"Xes kunin mo yung walkytalky nung gamit nila, nakita kong meron sila kanina habang pinapatay natin dila.

Agad kinuha ni Xes ang pinakuha ko at agad niyang ipinatong sa maliit na lamesa.

"Edd marunong ka bang gumamit nito?

Agad na tanong sa akin ni Xes, hindi ko rin alam kung paano ba paganahin yun pero alamin namang namin.

"Xes alamin nalang natin madali lang naman ata yan pero bago muna eh tignan mo muna kung ayos pa ba.

Lumapit na rin ako sa lamesa upang makita kung gumagana pa ba.

Habang kinakalikot namin ni Xes yung nakuha namin nakita ko nanaman yung maraming Zombie na nakapaligid sa labas

"GUYSSS!!!! Ganito nalang, unti untiin nalang nating patayin sila kapag dumating na yung tatlo pa naming kasama na nasa baba pa nito, alam naman nila na ditokami pupunta sa itaas.

"Hanggang kailan naman tayo maghihintay, paano kung patay na rin sila paano kung isa na rin sila sa mga Zombie.

Nagaalalang tanong sakin ni Rose.

"Hindi basta basta mamamatay o makakagat yung tatlo pa naming kasama, matalino sila at gusto rin nilang makaligtas sa delubyong ito kaya Rose huwag kang magalala makakaligtas tayo dito

"Ate Louisse nagugutom na po ako.

Sabi ni Rish dahil nagugutom na raw siya

Agad namang binigyan ni Louisse ng pagkain ang batang kasama namin.

"Edd paano naman din yung kasama namin dun sa Theater Room marami pa ring tao dun paano sila makakaligtas

Tanong uli sakin nitong si Mike

Dead Ship [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon