"PULL UP"
Josh
Nang makalabas na kami nakita naming ang isang katerbang mga Zombie sa swimming pool na tila parang nagtatampisaw pa."Frank......Hans..... ano nang gagawin natin mamamatay na ata tayo dito mas marami ang nandito na Zombie kesa sa loob.
"Dito!!! Dito!!!!
Tinawag kami ni Hans dahil may nakita siyang kwarto
"Tara pasok pasok dalian niyo!!!
Natatarantang sabi niya sa amin at agad kaming pumasok. Sinara agad ni Hans ang pinto para hindi na kami makita.
"Mabuti nalang nakakita ka ng kwarto...kwarto ba to? Anong lugar to? Parang katulad to sa ilalim ng barko ah.
Sabi ko sa kanila at biglang sumingit si Frank
"Kaya nga parang budega to.
Naupo muna ako para medyo makapag pahinga saglit ng may parinig akong ingay.
"Narinig niyo ba yun?Parang may tao na naguusap sa taas.
Tanong ko sa kanila at may mukhang pagtataka pa.
"Wala naman kaming narinig. Pagod ka lang Josh kaya marami kang naiisip kaya akala mo totoo. Ganyan din ako dati eh HINDI KO NAMAMALAYAN PAGOD NA PALA AKKkkkk.....
*plook*
Biglang binatukan ni Frank si Hans dahil humuhugot nanaman.
"Ano huhugot ka pa?
Nakangiting tanong ni Frank na tila gusto niyang patayin si Hans. Natawa nalang ako sa kanila dahil kahit sa ganitong sitwasyon nakuha pa nilang magbiruan.
"Guys libutin ko lang to ah baka may magamit pa tayo dito mukhang dito nila nilalagay mga gamit nila eh.
Sabi nalang samin ni Hans habang kumakamot sa kanyang ulo dahil sa pagkakabatok sa kanya ni Frank.
Umalis na si Hans at kami naman ni Frank ay naguusap kung ano na ang gagawin namin.
"Frank ano na gagawin natin nandito na tayo sa taas pero wala parin sila Edd?
"Huwag kang mag alala baka nagtatago rin sila kagaya natin. Nakita mo ba yung mga Zombie sa labas malamang hindi nila hahayaang dumugin sila nun marami yun diba.
Paglilinaw sa akin ni Frank at tama nga siya kaya medyo napanatag ang loob ko sa sinabi niya.
*"pahingi naman ako niyan"*
"Narinig mo yun Frank?
Napatingin nalang din sa akin si Frank ng may narinig kaming nagsalita na galing sa taas.
"Parang boses ni Xes yun ah!
"Sabi sayo Frank may narinig ako kaninang nagsasalita eh ayaw mo lang maniwala sa akin. Hindi pa naman ako baliw no.
Nabuhayan muli ang aking diwa dahil sa narinig namin mula sa itaas at parang boses pa ni Xes ang narinig namin.
"Tawagin na natin si Hans para makapag plano na tayo.
BINABASA MO ANG
Dead Ship [ON HOLD]
HorrorTotoo nga bang nageexist ang mga ZOMBIES sa mundo natin tulad nalang ng mga napapanood natin? Kagaya nalang nitong nangyari sa isang barko na nagkaroon ng isang napaka lagim na pangyayari. Nagsimula ng lahat dahil sa isang pagkakamali at naghudyat n...