Kabanata 7 The Plan

73 11 6
                                    

"THE PLAN"

EDD

Habang naglalakad kami ay sinilip ko ang isa sa mga pinto at nakakita ako ng tatlong zombie.

Sinenyasan ko yung mga kasama ko at pinatingin ko sa kanila. Grabe yung ginagawa nila yung tiyan ng lalaki winakwak nila ito at pinunit na parang papel. Ang isa naman ay pinag piyestahan ang binti ng binata at ang isa pa ay kinain ang mga lamang loob nito.

"Grabe naman yan" pabulong na sabi ni Xes.

Si Josh lang ang hindi ko nakitang sumilip sa loob kaya agad ko siyang tinapik para tignan niya.

"Huy wag ka ng mandiri tignan mo, tsaka para aware ka na rin sa mangyayari sayo kapag nakain ka nila."

Nang masilip ni Josh ang loob ay bigla nalang siyang namutla, tila bumaligtad ang sikmura ng binata at di napigilang sumuka sa kaharap na si Xes.

"BUUUUSSSSSEEEEEEET KA JOSH!!!!

Napasigaw si Xes sa sobrang inis at nandidiring tinignan ang kanyang damit na ngayon ay napuno na ng suka ng kaibigan.

Dahil sa nalikhang ingay ni Xes ay kabadong napatingin sa isa't isa ang mga ito. Imposibleng hindi sila marinig ng mga zombie!

Pasimple akong sumilip sa pinto at halos mapatalon ako sa gulat ng makita ang batalyon sa mga ito na papunta sa amin.

"Oppsss wag muna kayong tatakbo nakasara naman yung pinto siguro naman wala ng mga isip yan."

Hinintay namin kung mabubuksan nga ba yung pinto pero hindi nila binuksan.

Kung tama nga ang hinala ni Frank, ang mga zombie na 'to ay walang isip. Pinanood namin sila habang kinakalampag ang salamin at nakatingin sa amin.

Napatingin kami kay Xes ng bigla nitong inilapit ang kamay sa salamin na tila ba inaasar ang mga halimaw sa kabila ng salamin. Akma namang sasakmalin ito ng zombie ngunit nauntog lamang ito sa salamin na labis na nagpatawa sa amin.

"Guys mamaya na kayo magtawanan maraming zombie dun ohhh baka pumunta sila dito."

Pabulong na sabi ni Hans samin, pero di namin siya narinig kasi tawa kami ng tawa sa ginagawa ni Xes sa zombie.

"Guys wag kayong maingay nandiyan lang sila ohh!"

Nagulat kami dahil bigla kaming pinagbabatukan ni Hans.

"Hoy ano bang problema mo kita mong nagsasaya kami eh"

Sagot nitong si Xes kay Hans na parang galit pa.

"Gusto niyo bang makain din ayun sila ohhh andami!"

Tinuro niya yung mga zombie, nakita kong nanlaki yung mga mata ni Xes kaya nanahimik kaming lahat.

"G-guys... a-ang dami nga nila... mas.. mas marami sa atin"

Pautal utal na sinabi samin ni Xes kaya't agad sinilip ni Frank kung totoo nga.

"WAAAAH ANG DAMI NGA!!"

Gulat siya sa nakita niya kaya tinignan narin namin ni Josh, magkakapatong nanaman ang mga ulo namin sa pag silip sa mga Zombie.

"Paano tayo makakadaan diyan? Dyan din kasi yung daanan para makapunta sa 4th floor"

Tila ba problemado na si Josh kaya naisipan naming bumuo ng plano kung paano makakadaan sa tumpok ng mga zombie na papunta sa amin.

"May naisip ako! Diba hindi nila kinakain mga katulad nila? Edi baka bumabase nalang sila sa nakikita nila o naaamoy."

Sani Hans sa amin, kaya't tinanong ko siya kung ano ang gusto niyang gawin.

"Eh baka pwedeng yung laman loob nitong mga to o mga dugo ipahid natin sa katawan natin tsaka tayo dumaan, wag na muna nating isipin yung diri kailangan nating makaligtas."

Nagulat kami sa sinabi ni Hans at halata saamin na ayaw naming gawin yung gusto niya, may kutob ako na si Josh ang unang aangal sa naisip ni Hans at tama nga ako si Josh ang unang umangal.

"Hans seryoso ka?"

Tanong niya kay Hans at sumagot naman si Hans pero pahugot nanaman.

"OO SERYOSO NAMAN TALAGA AKO, HINDI KO NAMAN GINAGAWANG BIRO ANG LAHAT, SIYA LANG TALAGA ANG NAGIISIP NA HINDI AKO SERYOSO."

Akma na namin siyang babatukan pero nilagay niya agad yung kamay niya sa ulo niya.

"Ang layo na naman ng sagot mong baliw ka!"

Angal nitong si Xes, pero napaisip din ako na baka siguro nga tama si Hans na baka pwede yung naisip niya na makakadaan kami ng walang kahirap hirap at dala ang mga gamit namin.

"Oo nga baka nga tama siya pwede naman subukan ng isa sa atin yung naisip niya o kaya may sasama rin sa kanya para makadaan o kaya lahat na tayo para walang iwanan."

Pange-epal ko sa kanila, nakita ko nanaman yung reaksyon ni Josh kaya napangiti ako.

"Hoy ano ka ba Josh okay lang yan wag ka ng mandiri sa dugo naku kanina ka pa nga nakakita eh masanay ka na."

Pagkasabi ko sa kanya tinignan niya ako sabay binatukan ako, bwiset tong Josh na to siya na nga pinapalakas loob nambatok pa.

"Okay sige subukan natin pero kailangan pag nagkataon na mali ang naisip natin takbo na agad tayo ayoko paring mamatay"

Sang ayon si Frank sa naisip ni Hans kagaya ko kaya wala nang magagawa pa yung dalawang maarte na to kasi tatlo na kaming sangayon kay Hans.

"Pero saan tayo hahanap ng Zombie?"

Tanong nitong si Josh na parang napipilitang sumang-ayon.

"Saan pa ba edi diyan sa loob ng kwarto nayan tutal tatlo lang sila"

Sagot ni Frank kay Josh na maarte.

"Paano natin magagawa yun kung tatlo sila diyan sa loob baka di natin kayanin."

"Baliw ka talaga Josh lahat nalang ng mga kaduwagan mo edi syempre sapalaran na to! Okay sige ako ang mauuna itutulak ko sila gamit tong shield sa electric fan kaya sumunod agad kayo sa akin, maliwanag ba?

Nanahimik kaming apat sa plano nitong si Frank, dahil kapwa natakot kaming lahat sa gusto niyang mangyari kesa dun sa naisip ni Hans.

"Eto na ah bubuksan ko na sumunod kayo ahh 1.... 2..... 3...."

Pagkabukas niya ng pinto agad niyang tinulak gamit yung Shield ng Electric fan yung tatlong Zombie grabe ang lakas talaga nito kaya pumasok na rin kami at pinagtulungan yung mga Zombie na yun.

Pinagbabaril ni Josh sa ulo yung babaeng zombie at napatay niya agad ito.

Kami namang dalawa ni Xes sa isang pang zombie, pinagpapalo ko sa ulo gamit yung walis na dala ko at si Xes naman binato niya ng Bola ng Billiard sa ulo hanggang sa madurog na namin yung ulo ng zombie.

Si Frank naman ginawa niya sa isa sinubukan niyang hiwain gamit yung bakal na elisi ng electric fan pero waang talab kaya tinawag niya si Hans at pinasaksak sa ulo ang zombie, nagulat kami sa ginawa ni Hans sa Zombie pinagsasaksak niya sa mukha hanggang sa lumabas na pati yung utak nito kaya napa nganga nalang kami sa ginawa niya kasi hindi kami sanay na ganun siya kanina kasi ang duwag niya.

"Huy Hans tama nayan patay na yan."

Pigil nitong si Frank kay Hans at nakinig naman siya,

"Tara na gawin na natin kung gagana ba yung naisip ko, ipaligo nanatin yung mga laman at dugo nito."

------



CHAPTER 7 THE PLAN

VOTE AND COMMENT <3

DEADSHIP

Dead Ship [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon