Chapter 5
Habang pauwi na ay sinusundan ni Casey si Marco patungong parking lot. Gusto niya sanang kausapin ito tungol sa activity nila next week ngunit sadyang walang paki-alam si Marco tungkol dito. Pinagtitinginan naman sila ng mga estudyanteng nadadaanan ngunit walang silang paki-alam pareho. Nag-aalala naman si Casey para sa sarili dahil baka lalong magalit sa kanya si sheena ngunit hindi niya iyon pinansin dahil wala naman siyang ginagawang masama at tungkol lamang sa activity ang pakay niya.
"Marco sandali lang, pag-usapan naman natin yung sa activity natin next week" ngunit hindi parin siya nito pinapansin at nagpatuloy lamang sa paglalakad.
"Marco please, sandal lang to" dedma
"o sige, pahingi nalang akong number mo itetext nalang kita tungkol sa part mo. Wag kang mag-alala idedelete ko pagkatapos. Hindi ka naman nakiki cooperate e. Mag-usap nalang kasi tay-"
hindi paman siya tapos magsalita ay pumasok na si marco sa kotse niya at pinaharurut ito. Naiwan namang nakanganga si Casey, hindi siya makapaniwala na ganito kabastos kausap ang ka partner niya.Samantala, napapailing nalang si Marco habang nagmamaneho dahil naalala niya ang pagsunod sa kanya ni Casey. Di naman talaga niya ginustong di makipag-usap sa dalaga ngunit ayaw niya lang talaga ng issue dahil mabilis siyang maireta, knowing gossip people? Ang bilis pa kumalat ng balita kahit gawagawa lang.
"grabe naman yong lalaking yon. Tss"
"aking munting prinsesa!! Annyeong! Oh? Bat ganyan ang itsura ng bunsoy ko?"
"daddy, anjan kana pala. Yung kapartner ko po kasi sa activity walang paki. Tsk. Uwi na po tayo dad."
nauna na itong sumakay nang kotse. Nagtataka namang napakamot sa ulo ang ama habang sinundan narin sa sasakyan ang anak."kuwentuhan mo naman si daddy sa first day mo dito bunsoy dali " excited pa nitong pangangalabit sa anak na nakapikit ang mga mata.
"dad, di niyo na po ako kailangan sunduin palagi ha? Lalo na po pag busy kayo. Kay manong Bernard nalang po ako magpapasundo sa susunod." Oo halatang change topic siya, sino bang gustong magkwento ng unang araw niya sa iskwela? Ayaw niyang mag alala ang ama kaya change topic muna
"aigoo, ayaw naba sa akin ng bunsoy ko? Di mo na ata ako gustong makasama e. Buti pa driver natin. tsk nakakatampo ka naman e." Sabay nguso nito na tila nagtatampo sa anak. Na konsensya naman si Casey kaya naman niyakap ng mahigpit ang ama at hinalikan sa pisngi.
"daddy hindi kaya. Wag kana magtampo please... pagluluto nalang kita ng adobong manok, yun lang alam kong ulam na lutuin aside sa mga prito e.. okay na ba yun daddy?"
Tatango-tango naman si Anthony sa anak at niyakap narin ito at hinalikan ang toktok ng ulo. Gusto niya sana hanggat maari ay makabawi sa anak dahil sa mga panahong wala siya sa tabi nito..
"nga pala daddy. Bakit may halong Korean yang mga sinasabi mo minsan? Adik ka?"
"kurongga aniya. Pampalipas oras ko kasi yang panunuod ng Korean. Nahawa kasi ako sa mama mo nung nasa hospital pa siya. Yun yung mga pinapanood niya kaya ito, pinagpatuloy ko. Nakyukyutan kasi ako sa lingwahe nila kaya minsan ginagaya ko hehehe"
sabay tawa pa niya ngunit may halo parin itong lungkot dahil sa naalala niya ang mga sandaling kasama pa ang misis sa panonood ng koreanovela. Napansin naman iyon ni casey kaya niyakap muli ang ama at nagsimulang magkwento.
"dad, may kaibigan napo pala ako sa school si Carla, ang bait niya po kaso pang nerdy po yung glasses niya, maganda po siya kagaya ko"
pasimulang kwento niya sa ama, syempre hindi niya isasali sa kwento yung mga di kachika chika dahil ayaw niyang mag-alala ang ama. Paulit-ulit tayo e.
"talaga anak? E bakit isa lang?""e sa siya lang po yung gusto ko e" kahit ang totoo ay karamihan sa mga kaklase ayaw sa kanya.
"ganun ba? Papunta mo siya sa bahay minsan ha? Para makilala ko rin yang kaibigan mo. Yaay. Buti naman may kaibigan kana kagad dun." Nakangiti pa nitong hinarap ang anak.
"wala namang nagpaparamdam sayo dun?"
"po? May multo po ba sa paaralan na'yun?" natawa nalang si Anthony sa tanong ng anak
"hindi yun ang ibig kong sabihin bunsoy, what i mean is may Humingi ba ng number? Nagbigay ng bulaklak, chocolate, teddy bear o ano sayo? For short, may nanliligaw na ba?"
Nagulat naman si casey sa tanong ng ama kaya di niya sinasadyang napalo sa braso ang ama, dedma lang din naman si Anthony dahil inaasar niya lang talaga ang anak na dalaga
"daaad! Wala kaya. Yuck" at namumula pa ang pisngi nitong iniwas ang tingin sa ama
"sus. Kikirengking ka din pag di nagtagal no. Anak talaga, di naman strict si daddy basta ayoko muna ng manugang at apo. Hahahaha ikaw lang muna ang baby ko yiiee-" at sinundot pa nito ang tagiliran ng anak. Napapailing nalang si Casey sa pinagsasabi ng ama niya. Napapangiti nlang din ang driver nilang si mang Bernard sa kakulitan ng amo niya sa anak nito.
---
(BESSYYYYYYYY!!!! kriminal ka! 'Bat hindi ka man lang tumawag? ambilis mo namang makalimot hmp!) sabay irap nito sa pinsan matapos ang tatlong araw na hindi pagtawag. Sinusuklay lang ni Casey ang mahabang buhok at nakaharap sa laptop na ka video call ang pinsang si Jessa"tampo ka na niyan? Pssh.. arte mo na ha. Jet lag ako first day, nag pasa ako ng requirements on the second day, sama mo pa yung pag-iikot ko sa buong campus kasama si daddy at naglibot narin ng mall pagkatapos bumili ng bago kong uniforms, what do you expect? Knock out ako after. Lastly, may klase na ako. Tsk. Why am i explaining myself to you? kaloka ka talaga."
(of course! You owe me that, i deserve an explanation. And speakin' of, how's your school? Is it nice there? What about your classmates? May umaaway na naman ba sayo? Nako! Knowing you? Err you dont know how to defend yourself and if so, you dont even know how to Throw a fit and just fight back. )napapailing nalang si casey sa mga sinabi ng pinsan, malakas talaga ang radar nito pag dating sa mga taong maaaring umapi sa kanya. Natigil lang ang mga bullies sa kanya ng naging kaklase na niya si Jc, at simula nun, palagi na silang magkaklase para maprotektahan siya nito.
"bes, don't worry, i can manage" with assurance pang sabi nito
(neknek mo Casey. Manage ka jan. Pag may nang-away sayo lumaban ka! Mata sa mata ngipin sa ngipin! Kung anong ginawa sayo, gawin mo din sa kanila nang di ka inaapi naintindihan mo?!)
"ang mean mo talaga, di ba nga may kasabihan na pag binato ka ng bato, batuhin mo rin ng tinapay. I know you're smart enough to understand the logic behind that."
(che! Ang sabihin mo walang matigas na tinapay sa mainit na kape! Kaloka, ano bang topic natin kung ano ano ng mga sinasabi e.)
napatawa nalang si Casey sa pinsan, itinuring na niya itong tunay na kapatid at ito lang din ang best friend niya. Wala na siyang ibang kaibigang mapagkakatiwalaan kundi si jessa, nagkakaibigan lang siya pag may kaibigang pinakilala sa kanya ang pinsan kaya nagiging kaibigan niya narin ang mga ito. Bihira lang silang umalis ng bahay dahil kahit silang dalawa lang ang magkasama sapat na. Namiss niya tuloy ito kahit kaharap lang ito sa laptop.
"i miss you bes."
(alam mo para kang timang. Pero miss din kaya kita. Jan nadin kaya ako mag aral? What do you think? Mabilis naman kausap si mommy e basta ba backer ko si dad.)
"gustuhin ko man Jc pero na kay tita parin ang huling halakhak. Nga pala, may friend na ako dito si Carla, papakilala ko siya sayo sooner or later hehehe, ang bait niya bes pramis"
(talaga lang ha? Pero dapat kaya ka niyang ipagtanggol bago siya pumasa sa'kin)
"ang o.a nito. Basta mabait yun trust me."
(di ko kailangan ng mabait no, mabait kana tapos mabait din siya e sino nang magtatanggol sayo?! Ang loser mo pa naman pagdating sa away. Psh)
"aray ha, nakaka-offend kana. May kukwento sana ako sayo pero magdidinner na kami ni dad. Bye muna bessy.. promise tatawag na ako sayo."
Matapos niyang maturn-off ang laptop ay bumaba na ito para kumain. Bukas niya nalang proproblemahin ang activity nila next week. Mag-iisip nalang muna siya ng paraan kung paano maka-usap si Marco ng hindi siya iniiwasan nito. Aba! Nakasalalay din dito ang magiging grado niya kaya di niya iyon pwedeng pabayaan nalang.
YOU ARE READING
Worth my Love
Teen Fictionthis story is about a daughter who always think of what's best for everyone around her. at early age, she'd been through so much but despite all that, someone will come into her life and will change it, that even if the world hates you, someone will...