Chapter 8
.it's been a week simula ng makabalik si Marco galing training . Simula non ay Hindi na siya pinapansin ni Casey, well Hindi naman talaga sila nagpapansinan from the start Pero ang pinagkaiba lang ay Hindi talaga siya tinitignan ni Casey kahit isang sigundo lang, para bang Hindi siya nag iexist kahit magkatabi lang sila.
Hindi na pinapresent sa kanila ang research paper at pinasubmit nalang ito dahil may siminar na kailangan umattend ng kanilang guro. Habang naglelecture ang English teacher ay may napansin itong band aid sa binti nito at pasa sa braso at kunting galos sa siko sa dalaga. Gusto niya sanang magtanong ngunit nagbell na at oras na para sa lunch. Nagmamadali namang umalis si Casey kasama si Carla. Nagtataka man siya sa inakto ng dalaga ay hinayaan nalang ito.. Pero bago umalis ay may sinuksok muna siya sa libro ng dalaga.
---
"So case, Hindi ka ba nahihirapan sa pag iwas sa kanya? I mean, katabi mo lang siya, may possibility talaga na magka-usap kayo. Tsaka malay Natin mag kapartner ulit kayo sa iba pa nating subjects."
Tanong nito sa kaibigan habang kumakain ng fries sa canteen.
" I have to, and it's for my sake. Ayaw ko ng gulo. Tsaka Hindi ko naman masisisi sa Sheena Kung gusto niya talaga ang lalaking yun. Ayaw ko ng mag-alala ang daddy ko pag makikakita na naman siya ng pasa sa katawan ko." Napangalumbaba nalang ito ng maalala ang pag-alala ng ama ng makita ang mga sugat niya.
"Yea~ that you really made an effort magsinungaling sa papa mo. Tss, so ano na?. Paapi ka nalang? Ganun?"
"Bahala na.."
Samantala, nakatingin lang si Marco sa kanilang direksyon. Di niya mapigilan ang pag-iisip kung bakit siya iniiwasan ng dalaga at kung bakit may sugat ito. Habang malalim ang iniisip ay sinundan lang ng mga kasama niya Kung saan ito nakatingin."Bro. In love ka na niyan?"
Usisa ng mga kaibigan nya sa varsity. Nagpipigil lang din ng tawa ang ibang kasama at nakangiti ang iba ng mapang-asar."Bro.. Hindi ka pa pinansin.. pfft. Bingi-bingihan." At nagtawanan nanga sila. Nagtaka naman si Marco Kung bakit tumatawa ang mga kasama niya. Nakakunot ang noo nitong pinadaanan lahat ng kasama ng tingin.
" What's funny?" Nakakunot noong tanong niya
"First time dude, gusto mo ba yung transferee? Bakit di mo pa pinopormahan? Natitipohan pa naman din yun ni Jiro." Sabay tingin ng grupo sa direksyon ng kaibigang si Jiro.
" Sira ulo! Dinamay mo pa ako loko." At tinaponan ng tissue paper si Kenneth. Nasalo naman niya iyon bago tamaan ang mukha. Napapa-iling nalang si Marco sa kalokohan ng barkada.
Hindi paman nasasagot ang tanong ng kaibigan ay nakita niyang papa-alis na ng cafeteria ang dalaga, wala sa sariling tumayo ito at sinundan ang dalaga. Narinig pa niya ang kaibigan na inaasar siya.
"Whoah!.... Bro , magpapa-score na ang shooter Natin! Ahahahaha" at nag-apiran pa sila.
Hindi na niya nilingon ang mga ito at nagpatuloy lang sa paglakad. Ng malapit na sa dalaga ay hinigit niya ang ang wrist nito at hinatak sa ibang direksyon.Nagulat naman si Casey sa pagkahatak sa kanya. Di niya makilala ang lalaking nahigit sa kanya. Ayaw niya mang sumama E what to do? Mas malakas ito kaysa sa kanya.
"Ano ba? Bitawan mo nga ako di kita kilala.." pilit na pagpupumiglas niya. Hindi rin siya nilingon at patuloy lang sa paglakad.
"Sino ka ba? Tsaka San mo ba ako dadalhin? Teka, kikidnapin mo ba ako?" Nag-alala na ang itsura niya para sa sarili. Ngunit mas nagpumiglas na talaga siya nang pumasok sa isip niya na baka dalhin siya nito sa raging lugar at gahasain. Di paman nakakasigaw ay binitawan na ni marco ang kamay nito ng makarating sila sa isang parte ng garden Kung saan sila lang ang nandoon.
"M-marco?" Tanong nito ng makita ang mukha nito. Nakita nanga nagtanong pa.
"What do you think?" Sarkastikong tanong din nito. Hindi niya man talaga ginustong sundan ito ngunit Hindi niya mapigilan ang kyuryusidad na tanongin ito. Di lubos maisip Kung bakit siya nakaramdam ng nag-alala ng makita ang pasa at sugat nito.
"Bakit mo ako iniiwasan?"
" H-ha? B-bat naman kita iiwasan? Tsaka kailangan ba na magpansinan tayo?" Natameme naman si Marco sa sinagot ni Casey sa kanya. Sagot na patanong. Ewan. Ngayon lang ata naging sagot ang tanong sa isa pang tanong. Nakakaloka.
Napa-iwas ng tingin si Marco dun. Oo nga naman, di naman nila kailangan magpansinan. Ayaw niya nga naman ng issue at lalong-lalo Hindi sila close. Pero naisip niyang muli ang pasa nito. Hinawakan niya ang braso ng dalaga."What happened to this?" Seryoso nitong tinititigan ang Mata ng dalaga dahilan para bitawan niya ang pagkakahawak niya at tumingin sa ibang direksyon.
Nagtataka man si Casey sa inaakto ni marco sa kanya ngunit sinagot niya lang ang ito ng makabalik na siya ng classroom
"What happened to me is none of your concern." Prangkang sagot nito. Bago umalis ay may pahabol pa siya.
"And marco, please. Don't approach me especially if it's not related in class." Ayaw niya mang sabihin iyon sa kanya ay ayaw niya talaga ng gulo lalo pa't itong lalaking ito ang dahilan Kung bakit siya inaaway ng siraulong si Sheena.
Wala naring nagawa si Marco ng umalis na si Casey sa harap niya. Ano nga namang paki-alam niya? Napailing nalang siya nang narealize niya yung ginawa niya. Bat ba siya nag-alala lalo ng makita niya ang sugat ng dalaga? Nababaliw na ata ako e, isip niya.
"Case, Anyare? Bat ka hinila ni marco? Anong pinag-usapan niyo?" Usisa ni Carla ng makarating ng classroom si Casey.
"Shhh.. hinaan mo nga yang boses mo may makarinig pa sayo lagot na naman ako Kay Sheena" ngunit Hindi nila alam na narinig nga sila ng isa sa mga 5 tails ni Sheena.
"Wala naman yun. May tinanong lang. Hindi na importante yun." Sabay pilit na ngiti nito
"Ganun? Bat may pahila-hila pa?" Pang usisa ulit nito. Di naman masyadong halata na usi si Carla no? Parte na ng sistema niya yun.
Di na nag abalang sumagot si Casey dahil dumating na ang physics teacher nila na kasunod ng pagpasok ni marco. Nag focus nalang siya sa lecture ng guro habang sumusulyap si marco sa direksyon ng dalaga.
Nag iinit na ang dugo ni Sheena ng ilang beses na nitong nakikita si Marco na tinitingnan ang katabi nito. May nabubuo na namang masamang Plano sa utak nito at Hindi na makapaghintay na maisagawa ito.

YOU ARE READING
Worth my Love
Teen Fictionthis story is about a daughter who always think of what's best for everyone around her. at early age, she'd been through so much but despite all that, someone will come into her life and will change it, that even if the world hates you, someone will...