Chapter 2
Ilang araw na silang palaging nagkikita sa playground. Palagi silang naglalaro kahit sila lang dalawa. Wala naring umaapi kay Cj dahil sa pinsan niya at kay Jm na handing ipagtanggol siya. Magkaklase narin sila ng kanyang pinsan dahil pinaki-usapan nito ang ina ngunit hindi nito sinasabi ang tunay na dahilan dahil narin sa paki-usap sa kanya ni Cj. Sa tuwing uwian ay palaging excited na maka-uwi si cj at palaging nagmamadaling makarating ng bahay dahil gusto na nitong makalaro ang kaisa-isang kaibigang lalaki.“’bat palaging maaga ka dito?”
“eh ikaw rin kaya.”
Sabay naman silang nag-iwas ng tingin. Bago pa sila magkailangan ay hinigit na Jm ang kamay ni Cj patungo sa lugar na kanilang paglalaruan. Nagtaka naman si Cj kung bakit siya dinala ni Jm sa mapunong lugar malapit sa playground.“dito tayo maglalaro ng Hide and Seek. Andaya mo e, palagi mo akung nahahanap. Mas maganda dito maraming punong pweding pagtaguan.”
Napakamot naman sa ulo si Cj sa sinabi ni Jm. Palagi niya itong nahahanap dahil sa tuwing nakatago na ito ay sumisigaw pa na nakatago na siya. Kaya ang ginagawa niya ay ang sundan ang pinagmulan ng boses.
“sige. Mahahanap naman kita kahit ano pang gawin mong pagtago.”“ikaw taya. Bilang ka ng sampo. Wag na wag kang titingin babatokan kita.”
“oo na. Hanggang salita kalang naman e.” Pabulong na sabi niya sa huling linya at tumalikod na. Nagsimula na siyang magbilang habang nakapikit pa ang mata.
Pagkatapos ay dahan-dahan niyang nilingon ang likod at nakitang wala na dun si Jm kaya naman nagsimula na siyang maghanap. Hindi pa siya nakakalayo ay bigla nalang siyang natapilok at nadapa sa isang sanga na kanyang naapakan. Nagmadali namang tumakbo si Jm sa direksyon niya at tinulungan siya sa pagtayo.
“ano ka ba?! Bat di ka tumitingin sa mga dinadaanan mo? Ayan tuloy nadapa kapa.” Utas niya habang pinapagpagan ang damit ni cj. Napangiwi naman siya ng makita ang sugat sa tuhod nito.
“e pano kita mahahanap kung sa dinadaanan ko ako nakatingin?” sabay pout pa ng kanyang bibig at niyuko ang ulo na para bang pinapagalitan ng magulang sa katangahan niya. Nagtaka siya ng bigla nalang tumalikod si Jm at umupo.
“sakay kana sa likod ko, gamutin natin yang sugat mo” kahit kaya pa niyang maglakad eh wala na siyang nagawa dahil humahapdi na yung sugat niya. Nakasakay lang siya likod ni Jm pero hindi niya mapigilan ang sarili na mapangiti. Iniisip niyang maswerte siya sa kaibigan niya dahil kahit mabilis itong maireta e maalagain naman.
“san ka ba kasi nagtago? Buti nalang hindi ako nawala.” Tanong niya habang buhat parin siya nito
“e ang tanga mo kasi. Dun lang naman ako nagtago sa punong sinandalan mo habang nakapikit kang nagbibilang. Eh tumalikod ko at dumiretsu kaya ayan, di mo ako nakita.”
Nang ilapag na niya si Cj sa isang bench ay bigla nalang kumaripas ng takbo si Jc sa kanila. Nag-aalala nitong hinawakan ang pinsan dahil medyo malaki rin ang sugat sa tuhod nito. Aalis na sana si Jm para kumuha ng first aid kit ngunit dumating naman si Justin dahil napadaan ito sa lugar galing sa skwela. Agad naman nitong binuhat ang kapatid at inuwi sa kanila. Naiwan nalang si Jm na nakatayo at nakatingin sa papalayong si Cj sa kanya.
Habang buhat-buhat ng kanyang kuya, nakaramdam naman si Cj ng mabilog na bagay sa bulsa ng kanyang damit. Kinuha niya ito at nakakunot ang noong tinititigan ito. Isa itong Key chain na gawa sa kahoy na kinulayan ng sky blue na may nakaukit na JMD sa bandang dulo. Itinago nalang niya ito at ibinalik sa kanyang bulsa dahil hindi niya naman alam kung kanino iyon at saan nanggaling.“ano ba kasing nangyari sayo Casey? Hindi ka ba nag-iingat?” tanong sa kanya ng kanyang kuya habang binababa siya sa sofa.
“nadapa lang naman ako kuya e.” Nayukong sagot niya. Hindi naman siya natatakot sa kuya niya kaya lang ayaw niyang mag-alala ang kuya niya sa kanya.
“nadapa? Baka naman may umaapi na naman sayo?” napaangat naman siya ng ulo bigla dahil sa sinabi ng kuya niya at tinignan ang pinsan, umiling naman ito na nagsasabing wala siyang sinabi at hindi siya nagsumbong. Nakita naman iyon ng kanyang kuya pero hindi lang ito nagpahalata. Mas matanda siya sa kanila kaya alam na niya ang mga gawaing bata.
“akala mo di ko alam? Bat hindi ka nagsusumbong sa akin? Dapat pinagtatanggol kita dahil kuya mo ako. Wala dapat manakit sayo tandaan mo yan. Pag may nanakit at umaway sayo isumbong mo sa akin. Hindi naman bad si kuya para awayin din sila ah. Kakausapin ko lang naiintindihan mo ba yun? Ha Casey?”
pinagsasabihan niya lang ang nakababatang kapatid habang abala ito sa paglilinis ng sugat nito. Nakayuko lamang si Cj habang pinapakinggan ang kuya at nilalaro ang mga kuko sa kamay.
“hindi kana maglilihim sa’kin okay?” inangat nito ang ulo ng kapatid pagkatapus linisan at gamotin ang sugat upang makita ang mukha nito. Tumango lamang si Cj bilang pagtugon sa kanyang kuya at niyakap ito. Ayaw niya mang makadagdag sa problema e ayaw niya namang maglihim sa kuya niya at sa iba pa niyang pamilya.
Pagkapasok nito sa kwarto ay kinuha niya kagad ang key chain sa bulsa. Hindi niya alam kung saan ito nanggaling dahil sa pagkakatanda niya ay wala ito sa kanyang bulsa kanina. Hindi niya rin alam kung sino ang nagbigay nito sa kanya. Tinanong na niya lahat kung kanino iyon pero wala ni isa sa kanila ang may-ari o umangkin man lang. Isa lang pumasok sa isip niya at yun ay si Jm. Itinago niya nalang iyon sa kanyang drawer at natulog na. Bukas niya nalang itatanong iyon kay Jm pag nagkita silang muli sa Playground. Ipipikit na sana niya ang kanyang mga mata ng usisain siya ng pinsan.“hoy Casey Jen Bartolome. Magsabi ka sakin ng totoo. Bakit ka masaya pag kasama si Jm? Crush mo siya no? Ayiieeh----“ sinusundot pa nito ang tagiliran ng pinsan at tumabi sa pagkakahiga ng pinsan.
“hoy rin Jessa Coleen Hernandez, hindi kaya. Friends lang kami no. Baka ikaw.” Iniwas niya naman ang tingin sa pinsan ngunit hindi parin ito tumigil sa kakukulit sa kanya at sa kakasundot kaya naman napaamin siya ng wala sa oras. Di niya alam kung bakit niya yun nasabi siguro dahil narin sa kakulitan ng pinsan niya.
“Jc ano ba yang crush na’yan? Jowa jowa na ba yan?” tanong niya sa pinsan na nagsusuklay na ng buhok. Nasabi niya man sa pinsan na may crush siya kay Jm eh hindi niya naman talaga alam ang ibig sabihin nun.
“bakit? Jowa naba kayo ni Jm?”
Napabangon naman siya sa pagkakahiga dahil sa narinig“HINDI AH! Grabe ka naman. Nagtanong lang naman e. Tsaka hindi pa tayo pwede jan di ba? 9 palang tayo, bawal pa.”
Tumigil naman sa pagsuklay si Jc at hinarap ang pinsan mula sa pagkakatalikod nito.“hindi ko rin alam e, pero normal ata yun pag gwapo. Kasi si ate Jessica pag nakakita ng gwapo crush na niya kagad e. Kawawa naman mga panget, walang nagka-crush sa kanila. Ang unfair talaga ng mundo.” Napapatango na lang si Cj bilang pagsang-ayon sa sinabi ng pinsan.
“pero Jc kung nagwagwapohan ka din kay Jm ibig sabihin crush mo din siya?”
“ha? Hindi rin. Tinanong ko si ate niyan e, sabi niya sa akin paghanga lang daw yun. Hinahangaan mo naman siya so crush mo siya.” Naputol ang kanilang pag-uusap ng nagbukas ang pintuan at bumungad sa kanila ang ina ni Jc. Wala na silang nagawa dahil pinapatulog na sila at pinatay na ang ilaw. Nakaramdam narin naman sila ng antok kaya minabuti nilang matulog na at bukas na magpatuloy.
“good night JC.’’
“good night din CJ”
‘good night Jm’
bulong na sabi niya at tuluyan ng ipinikit ang mga mata.

YOU ARE READING
Worth my Love
Teen Fictionthis story is about a daughter who always think of what's best for everyone around her. at early age, she'd been through so much but despite all that, someone will come into her life and will change it, that even if the world hates you, someone will...