EOH-01

2.1K 48 13
                                    

"Basta tatandaan mo, tayo pa rin hanggang sa huli," habilin niya sa dose anyos na babae.

"Eh kasi naman bakit ka aalis? Bakit kayo aalis? Di ba, you promised me hindi tayo maghihiwalay? Di ba bestfriends tayo forever? Pero bakit mo ako iiwan? Bakit kayo pupunta sa states? Hindi na ba kayo masaya dito sa neighborhood? Ayaw mo na ba akong maging kaibigan? Ayaw mo na ba sa akin? At saka bakit ngayon mo lang sinabi sa akin ito kung kelan aalis na kayo? Kelan mo pa ito alam? Kelan ka pa nagki-keep ng secret sa akin? Ang daya mo naman eh! You're unfair!"

Natatawa, naiiyak at may kasama na ring inis ang nararamdaman niya sa kausap. Kahit kailan, talaga, madaldal ang bestfriend niya. Masama na ang loob at lahat sa kanya, wala pa ring tigil sa katatanong.

"Ano Bebe? Ayaw mo na ba sa akin? Ayaw mo na ba akong kaibigan kaya aalis ka na? Kaya iiwanan mo ako?"

Bebe ang tawagan nilang dalawa since they met five years ago. Siya, kasama ang daddy at lola niya, ay kalilipat lang noon sa isang lugar kung saan matagal nang nakatira ang pamilya ng kaibigan niya. At the time they were transferring, minsan lumabas siya nang bahay nang ma-bore habang nag-aayos ng gamit ang mga kasamahan niya. Sa paglalakad niya nakarating siya sa isang hindi kalakihang lawa. And there he found her talking to a duck.



"Ikaw, bebe, kainin mo ito, dali!" narinig niyang sinabi nito sa isag bibe habang tinatapunan ng durog na tinapay sa harapan ng ibon.

"It's "bibe" hindi "bebe"," hindi niya napigilang magsalita dito.

"Ay palaka!" nagulat nitong turan, dahilan para mabitawan nito ang hawak na tinapay. Naglapitan na ang iba pang mga bibe sa harap nito at pinagkaguluhan ang natapong tinapay.

""Bibe" sila, hindi "bebe" at lalong hindi sila palaka," ulit niya.

Kunot ang noo, singkit ang mga matang humarap sa kanya ang batang babae.

At sa murang edad na sampung taon, parang alam na niya ang ibig sabihin ng "love at first sight".

"You!" duro sa kanya ng batang babae, "bakit mo ako ginulat ha? Yan tuloy, natapon ang tinapay!"

"But at least you won't have difficulty feeding them anymore," depensa niya sa sarili.

Inirapan lang siya ng batang babae sabay talikod dito. "Hmp!" sabi nito sabay padyak nang paa.

He's not sure why, but for him, she looked so cute with her pouting lips. Nagmukha na rin itong bibe sa paningin niya dahil sa mahabang nguso nito. Hindi niya tuloy naiwasang biruin pa ulit ito.

"Bebe, sorry na. Promise I won't do it next time."

Muli siyang hinarap ng babae na nakanguso pa rin ang mga labi. "Anong bebe? Hindi ako bebe!"

"Correction, "bibe" ang tawag sa kanila, hindi "bebe". But you'll look like one if you keep pouting your lips like that."

Sukat doon, biglang umiyak ang batang babae. "Waaaah! Isusumbong kita sa mommy ko! Mommy! Mommy!" iyak nito habang kinukusot ang mga mata.

Bigla niyang nilapitan ito at hinawakan sa magkabilang balikat. "Hey, sorry na! Sorry na! Okay, okay! Hindi na kita bibiruin! Please stop crying! Sorry na please!" nagpapanic niyang hingi ng tawad sa bata. Ayaw na ayaw pa man din niyang nakakarinig ng umiiyak lalo na kapag siya ang may dahilan. "Sorry na! Sorry na, please!"

Bigla naman itong tumigil sa pag-iyak sabay bukas ng mga mata. "Gotcha!" She stuck her tongue out at him. "Bleh! Akala mo mapapaiyak mo ako nang ganun-ganun lang?"

Nagulat siya sa ginawa nito kaya bigla siyang napaurong.

Bigla itong tumawa. Tawang punung-puno ng saya. "Tsk! Tsk! Tsk! Mukha kang ewan! Masama sigurong ginugulat ka ano? Ikaw kasi!" sisi pa nito sa kanya bago tumalikod ulit at naupo sa lupa at magiliw na pinanood ang mga bibeng tumutuka ng tinapay.

He literally held his breath when he heard her laugh. And his young heart knew who will be the owner of it when he grows up.

Lumapit siya dito at walang paalam na naupo sa tabi nito at iniaabot ang kamay. "Gerald Randolph Anderson Jr." pakilala niya dito.

Tinitigan muna ng babae ang kamay niya saka iyon inabot at nagpakilala rin sa kanya. "Sarah Asher Geronimo. Amerikano ka? How old are you? Are you also living here? Since when? Why..."

"Hey, isa-isa lang, okay? Mahina ang kalaban. Half-American, half-Filipino. I'm ten and yes, I'm going to live in this place from now on. You?"

"Purong Pilipino, seven years old and I was born in this place, sabi ni mommy. So, kuya pala kita kung ganoon."

"Yeah, you can call me that and I'll call you Bebe."

"I'm not bebe nga! Do I look like a duck to you?" her eyes started to get chinky again, which he started to like so much. Not including her perky nose, her upturned lips, her chubby cheeks na namumula-mula kahit morena ito.

"I didn't say you're a bibe. I said "Bebe", like a baby. I'm your kuya and you're my baby girl, but instead of calling you that, I'll call you Bebe. Remembrance na rin on how we'd met. So, how's that? You can call me Bebe too instead of kuya. Mas gusto ko yon."

"Oh! Okay!" sang-ayon na lang nito sa kanya.

Exchange of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon