EOH-02

1.3K 40 22
                                    

"Yes."

"Yes?"

"Yes!"

"Are you sure?"

"Yes! Yes! Yes!"

He hugged her tight! "Oh God! Akala ko..."

"Akala mo ano?"

"Basta! Thank you! Thank you! I love you!"

"I love you too."

"This is the happiest day of my life 'tart! Thank you for accepting my offer," he said habang yakap-yakap pa rin siya nang mahigpit.

"And this is my happiest day too, 'tart! Thank you for offering."

He kissed her on the lips. Marahan, walang pagmamadali, punung-puno ng pagmamahal. Ramdam na ramdam niya how much he really loves her.

And she kissed him back. Hindi man sanay, she tried her best to make him feel how much she loves him too.

Ang lalake ang unang bumitaw sa ginagawa nila. When she looked at him, nakita niya kung gaanong pagpipigil ang ginawa nito na hindi na lumalim pa ang namagitan sa kanila kani-kanina lang.

"It's not that I don't desire you, 'tart, but a promise is a promise. Kung alam mo lang kung gaanong pagpipigil ang gina...."

"I know 'tart, I know."

"You do?"

"Oo. Namamawis ang noo mo kahit ang lamig-lamig dito sa Tagaytay. Lapad kasi ng noo mo!" biro niya para mawala ang pagkailang nila sa sitwasyon.

"Pero in fairness love na love mo naman ang noong ito," sakay nito sa biro niya sabay kibot ng noo. "Paki-kiss nga ng noo ko, nasaktan ego niya sa 'yo eh."

And she did just that, kissing him on the forehead. Gawain niya yon lalo na noong unang buwan pa lang sila bilang magkasintahan.

She's never been kissed by a man, si Lloydie pa lang. Ito ang unang boyfriend niya at ngayon ay mapapangasawa niya.

"Just so you know, I'm okay if we do it tutal doon din naman ang punta natin di ba? Not that I'm eager to do it, but just to let you know, okay lang sa akin. I love you and if doing it proves how much I love you, then I'll show it to you."

Niyakap ulit siya ng lalake. "I love you so much, 'tart! And thank you for trusting me. But let's wait. Nangako ako sa 'yo at sa mommy mo, kaya ko pang panindigan yon hanggang sa maikasal tayo. And now that you said yes, what is one month more of waiting?"

"One month? Are you telling me...?"

"Yes, I want us to get married as soon as possible. One month is enough for the preparation."

"Are you sure about this Mr. Cruz?"

"Yes, Mrs. Cruz."

"Wow! I'm going to be Mrs. Cruz! Sarah Asher Geronimo-Cruz. Sounds nice," nakangiti niyang turan dito.

"Aren't you excited to be called Mrs.Cruz?"

"Oo naman. Could't wait for it." Yumakap ulit siya sa lalake. "Thank you, 'tart! Thank you for loving me," madamdamin niyang sambit sa lalake.

"I should be the one thanking you, 'tart because you allowed me to be a part of your life."

Tama ito. Ito lang ang lalakeng nakapasok sa nakakadena niyang puso.

After her experience with Gerald, nawalan siya ng amor sa mga lalake. At a young age, naging ilag siya sa pakikitungo sa opposite sex. Lumaki siyang walang ama, at ang mommy naman niya ay hindi na nag-asawa pa. Nakuntento na ito sa pag-aalaga sa kanya at sa negosyo nitong buy and sell. Kaya silang dalawa lang ang magkasama sa bahay at sa buhay.

She's not bitter towards men in general. Sa katunayan, marami siyang kaopisinang lalake sa pinagtatrabahuhang kompanya bilang auditor. Marami din siyang mga kaibigang lalake mula pa high-school at maging nung nag-college. Lamang, iwas ang puso niya sa mga manliligaw niya. Maagang na-trauma ang puso niya sa pag-ibig kung kaya't iwas na iwas siyang pumasok doon.

Until John Lloyd Cruz came along. Naging senior auditor ito ng grupo nila. Na-promote na kasi ang naka-assign sa kanila and he was assigned as a replacement. Noon niya lang ito nakita dahil na rin sa ibang department ito naka-assign, bukod pa sa ibang floor ang opisina nito. Though she heard so much about the guy, hindi siya naging interesado dito. And then she saw him and his "always grinning" smile. For the first time after Gerald, tumibok ang puso niya ng mas mabilis kesa sa normal.

But still, she guarded her heart against falling for him. Pero kahit anong pilit niyang pigilan ang puso, kusang tumibok iyon para sa lalake. Bakit hindi? Lloydie is an exact example of a perfect gentleman. Bukod sa napakaguwapo, napakabait pa nito. Hindi marunong magalit. Palaging positive ang outlook sa buhay. Matulungin, masayahin, marespeto sa tao lalo na sa mga babae at higit sa lahat, mahal na mahal siya. Since day one that they saw each other, nagpakita agad ito ng interes sa kanya. Hindi naman siya nayabangan dito, bagkus nabuhay pa ang interes niya sa lalake.

Hindi rin naman agad siya niligawan nito. Kinaibigan muna siya, pati ang mommy niya. They became friends muna and out of respect of her wish na huwag siyang ligawan, hindi nga siya niligawan nito. After a year, he tried courting her. Dahil may lihim na din siyang pagtingin dito, dangan nga lamang at itinatago niya, ilang buwan lang at sinagot na rin niya ang panliligaw ng lalake.

At ngayon, inalok siya nito ng kasal at hindi naman siya nag-alinlangang sumagot ng oo. Dahil ang totoo, gusto na rin niyang makasama ito bilang asawa. Her husband-to-be is too good to be true, natatakot siyang baka mawala pa ito sa buhay niya tulad ni Gerald. She didn't know what she did but God gave her someone who is perfect as a man could ever be. Wala na siyang mahihiling pa kundi sana, habang buhay na nasa piling niya ang lalake. At matutupad iyon dahil magiging mag-asawa na sila.

"May iniisip ka na naman, 'tart. I hope it's me," pukaw nito sa kanyang atensyon.

"Bakit sa tingin mo meron pang iba?"

"I don't know. Baka kasi siya ang iniisip mo."

Alam nito ang tungkol kay Gerald. Somehow, she had to explain bakit ganoon ang naging attitude niya sa mga lalake. She told him about her experience but she didn't tell him how deeply she was in love with her bestfriend before.

She realized she fell hard with Gerald after a year the guy left. Kung hindi pa ipinaliwanag sa kanya ng bestfriend niyang si Rachel, hindi niya maiintindihan na malalim na pala ang pagmamahal niya sa lalake.

For a month after he left, he tried to contact her, pero sa sobrang sama ng loob niya, hindi siya nakipagkomunikasyon dito. Natauhan lang siya nang minsang mag-email ito sa kanya at sinabing baka iyon na ang huling pakikipag-komunikasyon sa kanya ng binata. Nataranta siya dahilan para bigla niya itong tawagan at mag-sorry. After that incident, naging maayos na ulit silang dalawa, pero ni minsan, hindi nito binanggit sa kanya ang tungkol sa sulat na iniwan nito. Hindi rin naman niya ini-open ang topic tungkol doon dahil nahihiya siya. Ang akala niya tuluy-tuloy na ang pagkakaibigan nilang dalawa ng lalake hanggang sa bumagal at tuluyang nawala ang komunikasyon nila. She sent him emails, sent him messages in Yahoo pati na rin sa alam niyang celfone number nito, pero wala siyang nakuhang sagot. When she asked her mother kung may contact pa ito sa mga Anderson, hindi rin ang naging sagot ng kanyang ina. Ang lola nitong naiwan sa bahay ay umuwi na rin sa probinsya kung saan naroroon ang ibang kamag-anak nito.

Parang bula, biglang wala na siyang alam tungkol kay Gerald. Inulit nito sa ikalawang pagkakataon ang biglang pag-iwan nito sa kanya sa ere, tulad nang ginawa nitong pag-alis nung una.

At doon nagsimula ang pagiging aloof niya sa mga lalake. Pero kahit ilag siya, marami pa ring mga lahi ni Adan ang nagtangkang ligawan siya pero lahat sila hindi pumasa sa kung anumang panuntunang kanyang sinusunod. Palaging may kulang, palaging may mali, palaging may sobra, palaging may hindi tama. Hanggang ipaliwanag sa kanya ng kaibigan niya na hindi ang mga manliligaw niya ang kulang o mali o sobra o hindi tama kundi siya. Hinahanap daw niya sa mga ito ang taong nang-iwan sa kanya. Ginawa niyang pamantayan si Gerald sa kung paano niya pakikitunguhan ang mga lalake at kung sino ang gugustuhin niya. Sa madaling salita, nakakulong daw siya alaala ng lalake.

She tried her best to get him out of her system at tuluyan na ngang nawala ito sa puso niya ng makilala niya si John Lloyd. Hindi pinilit kundi kusang tumibok ulit ang puso niya sa ikalawang pagkakataon. At kung papipiliin siya ngayon kung sino sa dalawa ang gusto niyang makasama habang buhay, walang kakurap-kurap niyang pipiliin ang taong kaharap niya ngayon.

"Selos na talaga ako," muli na namang pukaw sa kanya ng lalake.

"Ha?"

"Ang sabi ko nagseselos na talaga ako. Ako ang kaharap mo pero nasa iba ang isip mo. Siya pa rin ba ang iniisip mo?"

Hindi naman niya itinanggi iyon. " 'Tart, I admit I was thinking about him..."

"Aray ko!" hinawakan nito ang dibdib at kunwaring nasaktan.

"But! But and but, it's only because I am thinking how lucky I am to have you. Siguro, tinakda ng Diyos na masaktan ako ng ganoon para makilala kita. Let's face it, kung hindi dahil sa kanya, hindi tayo magkakakilala, di ba? Somehow, siya ang dahilan bakit nandito ka ngayon sa harap ko at ako sa harap mo. So silently, I was thanking him."

"Talaga?"

"Hindi ka naniniwala?"

"Naniniwala, kaya lang...."

Hinapit niya ito sa kuwelyo. "Kaya lang, wala ka nang dahilan para magselos. I love you at kung nandito siya ngayon sa harapan natin at bigyan ako ng pagkakataong mamili sa inyong dalawa, siya pipiliin ko."

"'Tart!"

"Ay, ikaw pala! "

" 'Tart naman eh!"

Tumingkayad siya at hinalikan ang noo nito. "Joke lang po! Ikaw naman hindi ka na mabiro."

"Eh kasi naman."

Inalis niya ang pahkakahawak sa kuwelyo nito at saka niya ipinulupot ang braso sa leeg ng lalake. "Seriously 'tart, wala ni katiting na pag-aalinlangan, ikaw ang pipiliin ko. I love you very very much, tatandaan mo yan palagi. You had healed my broken heart so good I felt I was falling in love for the first time. And believe me when I say I always prayed to be Mrs. Cruz simula nang maging tayo. You're my gift from Heaven and no way I will not treat you right. Ikaw ang totoong pinangarap ko sa buhay and I'll be forever thankful to Him for giving you to me. I love you 'tart, so please make me your wife." At hinalikan niya ito sa labi.

Nagulat man sa naging kapangahasan niya, tumugon na rin ang lalake. And as expected, ito rin ang unang umayaw. Ibanaling siya patalikod dito saka siya niyakap ng mahigpit, his right arms wrapped around her shoulder and his left around her waist. "I love you, too 'tart! Ang saya-saya ko. Can you feel my heartbeat? It's going to explode anytime sa sobrang saya."

Exchange of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon