EOH-05

1.2K 44 75
                                    

After one year.....

"Sarah? Anak, gising na. Tanghali na. Sabi mo....Anak! Umiiyak ka na naman?"

Napasukan siya ng mommy niya na nakaupo sa sahig at nakasandal sa may kama habang yakap ang uma ni Lloydie at hawak sa kabilang kamay ang engagement ring.

"Sarah, hija! Tama na, please!" alo sa kanya ng ina nang lumapit ito sa kanya at niyakap siya.

"Ang hirap mommy! Ang hirap-hirap! Hanggang ngayon hindi ko pa rin tuluyang matanggap na wala na siya! Bakit siya pa?!"

"Anak, tama na!"

"Hanggang kailan ako magtatanong para ko makuha ang sagot?! Ang sakit mommy! Ang sakit-sakit dito!" sabi niya sabay hampas sa dibdib.

"Alam ko, anak! Alam ko!"

Lalo siyang humagulhol ng iyak.

She woke up crying earlier. Napanaginipan na naman niya si Lloydie. She could clearly see his face as he kept saying goodbye. But unlike her, masaya ito sa panaginip. He kept walking away from her at siya naman pilit na hinahabol ang lalake pero hindi niya ito maabutan.

"We may part but I will find you for I will always love you."

Sa tuwina, iyon ang binabanggit ng lalake. And then he'd walk away slowly, waving at her, showing her his infamous grin smile. He wouldn't heed when she called him to come back. She would stretch her arms to reach him, kept running to go to him pero hindi niya maabutan ito. Their distance kept getting farther and farther. He would shake his head when she begged him to come back, mouthing a "No" to her until he fades away from her sight.

Minsan naman, makikita niya itong literal na ibinibigay ang puso sa isang lalake na hindi niya maaninag ang mukha, pagkatapos ay ngingiti sa kanya saka lalakad nang palayo sa kanya.

At minsan naman, naglalakad sila na magkahawak-kamay. Sa una, masaya sila, nagtatawanan, mahigpit ang hawak sa isa't isa. Maya-maya, may lalapit na isang lalaking walang mukha, at iaabot ni Lloydie ang kamay niya sa lalake, hahalikan siya sa noo saka biglang mawawala. At kahit anong pilit niyang alisin ang kanyang kamay mula sa nakangiting lalakeng walang mukha, hindi niya magawa. Parang may glue na kung ano at kapag tiningnan niya ang kamay nila, parang iisa lang yon.

Marami pa. Iba't ibang panaginip. Iba-ibang scenario pero iisa ang tema. Iiwan siya ni Lloydie at ipauubaya sa isang lalakeng walang mukha.

But this morning, mas klaro ang pamamaalam ni Lloydie. Paulit-ulit na tumatakbo sa utak niya ang panaginip kanina.

"Let me go 'tart."

"Ayoko! Ayoko 'tart, ayoko!"

"But you have to! And that doesn't mean you don't love me anymore. Enough of the time that you mourned for me. It's time for you be happy again. It's time to return that smile in your face, time to open your heart again to someone."

"Never! Ikaw lang ang mahal ko 'tart! Ikaw lang!"

"Alam ko. Sa ngayon, oo, ako lang ang mahal mo. Pero magmamahal ka ulit. At kahit magmahal ka ng iba, mananatili ako diyan sa puso mo. I know how much you love me 'tart, but its time to say goodbye. That's why I left my heart for you. Remember what I told you? My heart will find you. He will find you."

"A...anong ibig mong sabihin?"

"In time, 'tart, in time. But for now, you have to let me go."

"'Tart, no!"

"Goodbye 'tart. Remember, I love you. I will always love you."

And she woke up soaked in tears and shouting his name silently.

Exchange of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon