EOH-03

1.2K 33 8
                                    

"Sigurado kang ayaw mong sumama?"

"Hindi nga pwede 'tart, di ba? Kahit gustuhin ko, hindi puwede sa dami ng pending works. Aalis ka na nga, aalis pa ako, may mga kasama pa tayo sa grupo na nakabakasyon din, sino na lang matitira?"

"Oo na, oo na. Asus, ang haba ng sinabi ni Mrs. Cruz, oo o hindi lang naman ang sagot."

" 'Tart, wag ka nang magtampo, please."

"Eh puwede naman kasing mag-leave ka muna. Maiintindihan naman nila yon eh. For once, I could use my influence in this company."

"No, don't do that!"

Kapatid kasi ng mommy nito ang may-ari ng kompanyang pinapasukan nila.

Kung tutuusin, puwede itong hindi na magtrabaho. Lloydie came from an old rich family at kahit hindi ito magtrabaho buong buhay nito, hindi ito gugutumin. Pero hindi ganoon ang lalake. Para dito, hindi nito yaman ang kung ano ang meron ang pamilya nito. May sarili itong diskarte sa buhay, ika nga, at nagsusumikap yumaman tulad ng mga magulang.

It's one of the traits she loved most about him. Hindi ito mayabang, bagkus mapagkumbaba ito. Halos hindi na rin niya mabilang sa daliri kung ilang foundations ang tinutulungan nito, bukod pa sa libreng pagtuturo na ginagawa nito sa mga batang-kalye. Walang ka ere-ere sa katawan, napakasimple sa pamumuhay, a perfect sample of a very down-to-earth person. Matagal na nga itong niyayaya ng pamilya nito na manirahan kasama ng mga ito sa Amerika, lamang, ay ayaw nito. Mas gusto daw nitong manirahan sa Pilipinas kung saan makakatulong ito sa mga nangangailangan. Ilan na lang sa ka mag-anak nito ang nasa Pilipinas, isa na doon ang uncle nito na may-ari ng kompanya kung saan sila nagtatrabaho.

" 'Tart, ano?"

"Sorry, 'tart pero nakakahiya sa kompanya kung gagamitin mo impluwensya mo."

"But I want us to go together. They're expecting us, you know."

"Then send my apologies kay tito at tita. Hihintayin ko na lang pagbabalik ninyo. At habang hinihintay ko pagbabalik ninyo, magsisimula na akong mag-prepare para sa kasal natin."

He pouted his lips.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito. " 'Tart, please understand. You know how demanding our work is. At saka, we'll have our three months vacation naman for our wedding and our honeymoon. Ilang weeks na lang naman ipagtitiis natin in exchange of our lifetime together, so wag ka nang magtampo, please?"

Hinapit siya nito at hinalikan sa noo. "As you wish 'Tart. Alam mo naman ako, basta ikaw na ang umapela, wala akong ibang gagawin kundi sumang-ayon sa 'yo. Ganoon kita kamahal."

"I love you too."

"Hoy, bawal dito sa opisina ang PDA! Ma-disciplinary action pa kayo sige kayo!" kantiyaw sa kanila ng isa sa mga katrabaho nila sa opisina. "At kayo po ay nasa pantry, wala sa motel kaya hala, lumayo kayo sa isa't isa," kunwaring saway nito sa kanila.

"Ang sabihin mo, inggit ka lang at wala kang Sarah Geronimo," ganting kantiyaw ni Lloydie.

"Sige, inggitin mo pa ako sir JL. Kapag yang si Sarah natauhan, ewan ko lang."

"Ewan ko rin lang kapag wala kang imbitasyon sa kasal namin."

"At ako po ay nagbibiro lamang. Peace!" hehehe, suko ng kaopisina nila.

"Hehe!" ngisi naman ni Lloydie.

Hinintay lang ng lalake na mawala sa paningin nila ang katuksuhan saka siya hinapit ulit at binigyan ng mabilis na halik sa labi.

"Lloydie!" hampas niya sa may dibdib nito.

"What? They should get used to us."

"Maski na! Nakakahiya!" sagot niya habang nakasiksik ang ulo sa may leeg nito.

Exchange of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon