EOH-06

1.2K 52 12
                                    

"Hi Bebe."

Kumunot lang ang noo ng kaharap niya.

"Kumusta ka?"

"Gerald?"

"Yes."

Her furrowed forehead was immediately replaced by an angry stare diretso iwas sa kanya when he tried reaching for her.

"Sarah?"

"Anong ginagawa mo dito?"

"I wanted to see you."

"Paano mo nalaman kung nasaan ako?"

"Your mom. How are you?"

Maikling naikuwento sa kanya ng mama nito ang nangyari noong isang taon.

"Are you okay?"

"Why do you have to know? You never cared."

Bigla siyang tinalikuran ng babae at naglakad papalayo sa kanya.

"Sarah, wait!"

Hindi siya pinakinggan ni Sarah at tuluy-tuloy lang itong naglakad nang mas mabilis palabas ng sementeryo.

Hinabol niya ito at pilit pinigilan sa pamamagitan ng paghawak sa braso.

"Don't touch me!" iwas nito sa kanya.

He'd put his arms upwards. "Hey, relax! Wala akong balak na masama sa 'yo! I just wanna talk!"

Tumigil naman sa paglalakad si Sarah at nilingon siya.

"Please?"

She walked past him at bumalik sa puntod ng nobyo nito. Nanatili lang itong nakatayo sa harap ng puntod, nakatungo, parang nagdadasal.

Alinlangang lumapit siya sa babae sa pag-aakalang tahimik itong nananalangin.

Tiningnan niya ang lapida at ang nakasulat doon.

Juan Luis "Lloydie" Cruz. Born, 02-December-1980, Died, 06-January-2013. Age 33.

January 06, 2013. The same exact date of....never mind.

"O akala ko ba gusto mong makipag-usap? Why the silence?" narinig niyang mataray na tanong ni Sarah.

He was already expecting na hindi maganda ang magiging pakikitungo ni Sarah sa kanya pagkatapos ng ginawa niya kaya hindi na siya nagtataka kung tarayan man siya ngayon ng babae.

"I'm sorry, I thought..."

"What do you want Gerald?" diretsong tanong ni Sarah.

"Your forgiveness," wala ring pasakalyeng sagot niya. "And your friendship. I want it back, if you'll allow me."

"Para ano? Para iwan mo ulit kapag gusto mo?"

"About that. I...."

"No need to explain. It's over and done with more than a decade ago."

"But how can you forgive me if you don't know the reason behind my disappearance?"

"I already forgave you that time, Gerald, so wala nang dahilan para humingi ka pa ng tawad," nanggigigil na sagot ni Sarah. "You know what?" she frustratedly continue, "I should actually thank you dahil kung hindi, hindi ko makilala ang taong mamahalin ko habang buhay."

She looked with sadness in her eyes.

"Thank you for hurting me. Because of you, I met Lloydie."

"Sarah...."

"I have to go. Marami pa akong aasikasuhin."

At iniiwan na siya ng babae sa harap ng puntod ng lalakeng mamahalin daw nito habang buhay.

Exchange of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon