EOH-15

784 46 28
                                    

The Day Before.......

"Ganun po ba? Sige po, pakisabi na lang po na tumawag ako. Salamat po."

Nanlulumong ibinaba ni Sarah ang awtibo ng telepono matapos makipag-usap sa kabilang linya.

Ayaw pa rin siyang kausapin ni Gerald. Buong araw na siyang nagta-try kausapin ang lalake pero sa tuwina, busy ang line nito o iba ang sumasagot sa linya. At masakit sa pakiramdam na malamang masama ang loob sa kanya ng lalake. First time na nagtampo sa kanya si Gerald, kung maituturing na tampo nga lang iyon. Pero mukhang higit pa sa pagtatampo ang nararamdaman nito sa kanya. Maski sa text kasi ay hindi rin ito nagri-reply sa kanya.

Aminado siyang kasalanan niya iyon. Hindi niya kasi napigilan ang emosyong bumadha sa mukha niya nang makita ang lugar kung saan ito nakatira. Seeing the place, lahat ng alaala nila ni Lloydie ay biglang nag-flashback sa kanya. Hindi niya naisip na nasa harapan lang niya si Gerald. Pinakaiiwasan pa man din niya ang maalala o mapuntahan man lang ang lugar kung saan naroon ang pinakamasayang alaala nila ni Lloydie dahil kapag ginawa niya iyon, bumabalik lahat. She promised her fiance she would move on. Paano niya magagawa iyon kung may mag nakakapag-paalala sa kanya sa lalake? Idagdag pa ang nalaman niyang na kay Gerald ang puso ni Lloydie. Paano siya hindi mamumutla?

"Hoy! Natutulala ka na naman dyan!" pukaw sa kanya ni Shin.

"Ha?"

"Why? Hindi ka pa rin niya kinakausap?" tanong naman ni Samuel.

Umiling siya.

Nasa opisina sila ngayon. Siya, dapat ay nasa opisina ni Gerald at inaayos ang mga papeles nito pero hindi na nga yun natuloy. Tinawagan siya kagabi ng mismong partner ng kompanya at sinabing ikinansel na ni Gerald ang kontrata nito sa kompanya nila. Hindi na raw matutuloy ang pinag-usapan nila noon sa opisina nito. Kaninang alas nuwebe, ipinatawag siya nito sa opisina nito at inulit ang sinabi kagabi. Nang tinanong niya kung bakit biglang nagbago ng desisyon ng binata, sinabi lang matandang lalake na kailangan agad bumalik ni Gerald at ang ama nito sa Amerika at walang kasiguraduhan kung babalik pa ang mag-ama dito sa Pilipinas.

Bigla siyang kinabahan sa nalaman. At hindi niya maintindihan kung bakit biglang bumigat ang kanyang pakiramdam sa kaalamang aalis na naman ang binata at iiwanan siya. She still clearly remembered that day he left her the first time, napakasakit niyon sa kanya. Her father left her and her mother when she was still very young due to sickness. And even at that very young age, naramdaman niya kung gaano kasakit ang pakiramdam na mawalan ng mahal sa buhay. At nang dumating si Gerald sa buhay niya, inakala niyang ito ang papalit sa taong nawala sa kanya and that he'd stay beside her for a very very long time, if not forever. Pero umalis ito at iniwan siya nang hindi siya handa kaya napakasakit niyon para sa kanya. But she held on to that promise of his. The promise of forever.

At nang bumalik ito, sa kaibuturan ng puso niya, napakasaya niya. Napakasaya niya dahil tinupad ng lalake ang pangako nito. Napakalalim na dahilan kung bakit ngayon lang natupad iyon at naiintindihan niya iyon. Lamang, nangingibabaw ang sama ng loob niyang naipon sa mahabang panahon at ang patuloy niyang pagdadalamhati sa namatay na nobyo. Natabunan ng mga iyon ang sayang naramdamang nasa tabi na niya ulit ang lalake.

Pero heto na ulit, mauulit na naman ang nangyari noon. Aalis na naman ito at iiwan siya. At sa pagkakataong ito, siya na mismo ang dahilan kung bakit ito aalis. Hahayaan niya bang mangyari yon?

"Mukhang ayaw niyang makipag-usap sa'yo ah," narinig niyang sambit ni Samuel.

"Hindi ko naman siya masisisi kung ayaw na niya akong makausap o makita man lang," nanghihina niyang kumpirmasyon.

"So, anong plano mo?" - Shin.

"Sa totoo lang hindi ko pa alam ang gagawin ko. Basta ang alam ko lang, sumisikip pa rin ang dibdib ko hanggang ngayon."

Exchange of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon