EOH-09

1.1K 49 24
                                    

"I died.....I almost died...."


"Totoo? He almost died?" gulat na tanong ni Shin sa kabilang linya.

"Yes. Ipinakita pa nga niya yong peklat niya sa dibdib."

Ikinukuwento niya dito sa telepono ang pinag-usapan nila ni Gerald kanina.


"A....an.....anong sinabi mo?"

She was sure she heard it right but she didn't want to accept it. Death is no more acceptable in her system.

And what does he mean he died?

When?

How?

Why?

And Gerald answered those nagging questions in her head.

"I had a congenital heart disease since I was born. Namana ko kay mommy. She died while giving birth to me. They were able to fix it pero nagkaroon ng complication when I was a teen. Yon ang panahong bigla kitang iniwan at bumalik kami ni daddy sa Amerika."

"Bakit hindi mo sinabi sa akin yon? Bakit kailangang ilihim mo sa akin ang sakit mo? Di ba lagi kitang tinutukso noon na hikain at lampa? Bakit hindi mo ako ikinorek noon?" tuluy-tuloy ang tanong niya dito.

"Dahil unang-una, maski ako walang alam na lumala na pala ang sakit ko. Maski ako, hindi ko alam kung bakit kailangan naming bumalik ni daddy doon. Oo, alam ko na maysakit ako pero ayokong isipin na maysakit ako, na mahina ako, lalo na sa harap mo. Kuya mo ako, Bebe mo ako, dapat malakas ako sa harap mo. I'm your superman, remember? How can Superman fly and save the world if he has a weak heart?"

"Umiral na naman ang kayabangan mo," irap niya dito. "Ni hindi mo inisip ang mararamdaman ko."

"I did, that's why I left you that letter. I promised on that letter na babalik ako, di ba? I promised I will find you no matter what. And here I am, in front of you. I willed myself to live for you Bebe. Ikaw lang ang dahilan bakit buhay pa ako."

"Gerald...."

"Nung panahong halos wala na tayong kontak, my life was hanging on a thread. Wala nang ibang option but to have a transplant. Unfortunately, wala agad silang nakitang donor noon. I was in the ICU for years."

Yon ang panahong masamang-masama ang loob niya sa lalake dahil hindi na ito nakikipag-communicate sa kanya. Bigla na lang tumigil ang mga tawag nito. Pati pakikipag-chat at email, biglang naglaho.

Bigla siyang na-guilty sa ginawa. All the while na isinusumpa niya ito dahil sa sama ng loob, nag-aagaw-buhay pala ito sa hospital.

"They found a donor but it was not fully matching with my system, but we had no choice then but to put it on me. For a while it worked, I was able to breathe properly. Pero hindi natapos ang taon, bumalik ako sa ICU, and my breathing was supported by a machine. Until they found another donor. It was okay, or so we thought."

Bigla siyang nanghina sa narinig.

How could she?

Sa buong panahon pala na kinumuhian niya ito, araw-araw na nag-aagaw-buhay ang lalake. Sa lahat ng oras na umiiyak siya at isinusumpa si Gerald, ito naman ay nanghihiram ng buhay sa makina, walang kasiguraduhan sa magiging buhay sa mga susunod na oras.

Anong klase siyang kaibigan? Higit sa lahat, anong klase siyang tao para mag-isip ng ganoon sa kapwa?

Bigla siyang napaiyak sa kahihiyan.

Exchange of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon