EOH-11

1K 49 42
                                    

"Kumusta po siya, tita?"

"He's stable hija, dont worry about him. Umepekto na sa kanya ang gamot kaya nakatulog siya."

"Is he always like that? Will he be okay after that?"

"Oo naman, he'll be fine. And no, actually ngayon lang ulit nangyari yan after the transplant. Siguro masyado lang siya na-depress kaya sumakit ang dibdib niya. May alam ka bang dahilan na ikasasama ng loob niya?"

Meron nga ba?

She knew sumama ang loob nito kagabi nung nag-usap sila. At kahit masayang nakikipagkuwentuhan ito sa kanyang ina, halata na ang mga ngiti nito ay hindi umabot sa mga mata nito.

"Ahm, w...wala po akong alam tita eh," sagot niya kay tita Aida, doktor ni Gerald, at mommy ni Lloydie.

Nang tuluyang mawalan ng malay si Gerald, nablangko ang utak niya kung sino ang tatawagan. For a while, nakatingin lang siya dito, hindi makapaniwalang nangyari sa harap niya ang hindi dapat mangyari. Looking at Gerald was like looking at dead person. Maputla ito, parang himbing na himbing sa pagtulog. Kung hindi niya napapansin ang pagtaas-baba ng hininga nito, aakalain niyang patay na ang lalake. She didn't even realize she was crying while looking at him, naramdaman na lang niya iyon ng pumatak ang mga luha niya sa braso niya.

"Ge.....Gerald, gising. Hoy gising!" yugyog niya sa balikat ng lalake habang patuloy siya sa pag-iyak. "Bebe, gising ka naman oh! Huwag mo naman akong biruin ng ganito! Sige na, hindi na ako galit sa'yo bati na tayo, wag mo lang akong bibiruin ng ganito!" patuloy niyang paggising sa lalake.

Tok, tok tok!

Napalingon siya sa may bintana sa may driver's seat nang may kumatok na isang traffic aide. Binuksan niya ang bintana. "Miss, may problema po ba?" tanong ng lalake sa kanya.

"Ku..kuya, in...inatake po kasi siya at nawalan ng malay," sagot niya sa nangangatal na boses.

"Tumawag na po ba kayo sa emergency?"

Umiling siya.

"Sige po, tatawag na ako ng ambulansya, sandali lang," alertong sagot sa kanya ng lalake saka nito kinuha ang telepono nito at dumayal ng numero.

Nang makita niyang may kausap ito, saka nag-sink in sa utak niya na kailangan din niyang tumawag ng tulong. She dialed her mother's number pero busy ang linya nito. She dialed Shin's and Sam's number, parehong voicemail ang sumagot. Kapag ganun, ibig sabihin, nasa meeting ang mga ito. She started to scroll down for names that she could seek help when she saw tita Aida's number. Then she suddenly remembered that the old woman was Gerald's doctor. Agad niyang dinayal ang numero nito. Hindi pa man ito nakaka-hello sa kabilang linya, nagsalita na agad siya. "Tita, si Gerald po!" After that, wala na siyang masyadong naintindihan. Oo at hindi lang ang isinasagot niya hanggang ibigay niya ang linya sa lalakeng tumutulong sa kanila. Hanggang sa makarating ang ambulansya at dalhin sila sa ospital, umiiyak pa rin siya at magulo pa rin ang utak niya. Mabuti na lang at ang pinakamalapit na hospital ay siya ring lugar kung saan naroon si tita Aida. Agad naasikaso nito si Gerald hanggang naging stable ang kondisyon nito. Naroon ito ngayon sa isang private room, mahimbing pa rin ang tulog pero wala namang aparatong nakadikit dito.

"Eversince his last transplant, hindi pa siya nagkakaroon ng pag-atake, ngayon lang," pukaw ng doktora sa pagbabalik-tanaw niya. "We're still waiting for his test results pero sa tingin ko wala namang magiging problema doon. What happened ba hija before his attack?"

"We were going to his office po kanina. Medyo na-late nga siya ng pagsundo sa akin dahil naipit siya sa traffic. Hindi po kaya dahil doon kaya....?"

"O baka naman na-excite lang siya masyado, sagot nito habang nakatingin sa chart nito. Birthday nya pala ngayon o."

"Tita?"

Exchange of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon