Kinabukasan
Janelle POV
"Angela gising na." Tinapik tapik ko ito pero umungol lang ito.
"Gela gising na tanghali na." Dumilat naman ito at nag tanggal ng morning star nya.
"Happy Birthday anak." Bati ko dito.
"Thank you Ma." Sabay halik nito.
"Tara na kumilos ka na jan at mag almusal." Tumango naman ito.
"Sige na baby mamamalengke lang ako alam mo naman kung nasaan yung pera mi. Yung baon mo ha." Paalala ko dito.
"Opo." Sagot naman nito.
Ngayong umaga ako mamamalengke dahil kung mamayang tanghali pa hindi na fresh ang mga gulay o anumang rekado ang fresh dahil alam naman nating lahat na iba talaga ang dulot ng pag ka sariwa ng isang gulay kaysa sa lanta o lanat na ito. At higit sa lahat healthy ito sa ating mga kalusugan. Oh ayan binigyan ko na kayo ng mga tip para maging healthy ang body.
Pumara na ako ng tricycle.
"Kuya sa palengke po."
"Sige po." At umalis na nga kami ni manong drive at nag tungo kami sa palengke.
Aaron POV
Maaga na akong nagising. Dito na ako natulog sa Office ko. Napangiti ako ng napa tingin ako sa Calendar ko. Ngayon nga pala yung birthday ni Angela.
Kinuha ko yung phone ko at tinawagan ko ang isa sa mga professional na nag gagawa ng cake para sa anak ko.
"Yes " tanong agad nung nasa kabilang linya.
"Ressy Ann?" I asked.
"Yes its me what can i help you Sir?"
"Gawa mo ako ng cake 5 layers yung pang bata ASAP."
"Okay."
"Thanks." Then I hang up.
Naligo na ako dahil may meeting pa ako. Kailangan kong matapos ng maaga yung meeting ko para makapunta ako sa birthday ng anak ko.
Janelle POV
My God malapit na umuwi yung anak ko at kasama na niya ang mga classmate niya mabuti nalang at katulong ko si Ate Mylene sa pag luluto ng handa ng anak ko.
"Mama" tawag sa akin ng anak ko.
"Oh andiyan kana pala, yung mga classmate mo nasaan?" Pag tatanong ko.
"Nasa labas po."
"Oh sige labas ko lang tong mga pag kain."
"Tulungan ko na po kayo." Pag peprisinta ng anak ko
"Oh sige dalhin mo yang pansit."
"Sige po."
Habang nag sasaya ang lahat may humintong itim na kotse sa harap ng apartment namin. Tiningnan ko yung plate number MI 0827 bigla akong kinabahan.
Lumabas ang matangkad na lalaki papunta sa likod ng kanyang sasakyan nya at may kinuha itong kahon. Malaki ang kahon na iyon.
"Hi." Bati nito.
Syempre nag bulungbulungan na naman ang mga tsismosa sa tabi tabi 'na ko daw yun, iyan daw ba ang tatay ng anak ko, at kung ano ano pa.'
"H-hello." Bati ko rin dito.
"Si Angela?" Tanong nito
"Mama" tawag sa akin nga anak ko.
Tiningnan lang ito ni Aaron.
"Ikaw ba si Angela?" Tanong nito. Tumango lang naman ang anak ko.
"Happy Birthday." Sabay yakap nito kay Angela.
"Alam mo ba na may regalo ako sayo. Ito oh." At nilagay na niya sa lamesa ang dalang kahon ng cake at binuksan ito malaking cake na 5 layer na kulay pink. Tuwang tuwa ang anak ko at napayakap ito kay Janelle. Alam kong nahihiya pa ang anak at alam kong makukuha ko din ang kiliti nyan.
Janelle POV
Matapos ibigay ni Aaron ang regalo nya kay Angela nag simula na ulit ang kasiyahan. May nag iinom sa labas yung asawa ni Ate Mylene na si kuya Jaime. Kuya Jaime din ang nag painom kung sa totoo lang ayoko ng may nag iinom dahil mat trauma ako diyan kada may nalalasing kasi may nag wawala may nag hahabulan ng gulok kaya ayoko ko ng may nag iinom kaso nakakahiya kay ate Mylene kaya pumayag na ko.
Lumabas na ko para tignan ang anak ko.
"Pare tagay ka muna." Sabi ni kuya Jaime
Umiling naman si Aaron.
"Ah kuya di pa po kumakain yan ih." Sabi ko at nabaling yung tingin ko kay Aaron "Kain ka muna sa loob." Tumango naman ito.
"Ano ba gusto mo?" Tanong ko.
Hindi naman ito sumagot. Palingalinga ito tila sinusuri ang aking inuupahan na bahay. Alam kong medyo maliit ito. Eh anong magagawa ko ih 2 lang naman kami ng anak ko dito.
"Ah. Hindi na."
"Ah sige. Kung may gusto ka tawagin mo lang ako sa labas."
"Hinde lalabas narin ako gusto kong makasama ang Anak ko."
"Mama?"
"Oh Bakit?" Tanong nito
Hindi ito sumagot bagkus naka tingin lang ito kay Aaron.
"Tara nga dito kay Daddy." Sabi ni Aaron.
Lumapit naman yung anak ko sa kanya at niyakap siya nito.
"Gusto ko pumunta sa bahay ni Daddy?" Tanong nito.
Tumango naman ang anak ko.
"Paalam ka muna kay Mama mo baka di ka payagan." Sabi nito at tumingin sa akin.
Lumapit naman si Angela
"Ma?" Alam ko na ang ibig sabihin nyan. Alam kong gusto nyang pumunta sa bahay ng Ama nito.
"Sige basta uuwi ka din ng hapon ha?"
"Yahey! Opo Mama" at nag tatatalon ito sa tuwa.
Lumabas na ako at yung mag Ama ay nasa loob. Nililigpit ko ang ibang mga kalat tulad ng mga paper plate at kung ano ano pa.
"Oh naka kain ka na ba? Shot ka muna dito." Sabi ni Mang Jaime. Palibhasang sanay sa alak matagal malasing.
Ngumiti lang naman si Aaron dito.
"Sige na isa lang." Pag mamakulit ni Mang Jaime.
At alam naman natin na ang isang Shot na yun ay hanggang sa malasing na si Aaron.
8:30 na ng gabi pero hindi parin umuuwi si Aaron.
"Jane." Tawag nito sakin habang ako ay nag huhugas ng mga pinggan na pinag gamitan kanina.
"Oh?" Tanong ko dito. "Lasing kana ah." Dugtong ko dito.
"Hindi matino pa ako." Sabi nito.
"Baka hinahanap kana ni Aiko." Sabi ko.
"Wala akong pakialam sa babaeng iyon."
"Pero asawa mo sya." Hindi na sya umimik
"Matulog kana jan sa sala." Sabi ko dito. Ngunit hinatak ako nito papalapit sa kanya at nagulat ako ng bigla nya akong hinalikan. Muling bumalik ang mga ala-alang masasakit at masalimuot sa pakiramdam.
Isang malakas na Sampal ang ibinigay ko dito.
"Umalis kana Aaron kung ayaw mong tumawag pa ako nh Brgy. Tanod at ipakaladkad ka palabas." Mahina lang ang boses ko para hindi magising si Angela. Agad naman siyang umalis at pumunta natin ako sa kuwarto namin. Napa buntong hininga nalang ako. Tumabi na ako sa Anak ko hindi muna inisip ang nangyari kanina. At hindi ko namalayan naka tulog na pala ako
--------
Aaron POV
Nagulat ako sa inasta ni Janelle talagang nag bago na ito. Dumeretso na ako sa Opisina at doo na nag palipas ng gabi.
KINABUKASAN
Medyo maaga akong nagising sabihin na nating hindi ako naka tulog. Naligo muna ako bago pumunta sa aking trabaho. Tinext ko si Nathan na pumunta sa Office ko. Nag hintay lang ako ng ilang oras at dumating na nga si Nathan.
"Oh Pare anong masamang hangin ang pumasok diyan sa utak mo at pinapunta mo ako dito?" Bungad nito.
"Nag iba na sya."
"Ah yung dati mong asawa? Syempre talagang mag babago yun pinalit mo naman ba sa babaeng hindi ka mabigyan ng anak dahil sa kapabayaan at puros luho lang sa sarili ang inuuna. Malayong malayo sa mala Maria Clara ay mali mala Venus mong ex-Wife."
"Venus? What do you mean?" Medyo naguluhan ako.
"Venus, Aphrodite, Dyosa ng kagandahan at ng pag ibig."
"By the way nakita ko narin ang anak ko."
"Oh anong itsura?"
"Syempre may mata, ilong, bibig, buhok."
"Oo pare para kang tanga." Sabi nito natawa nalang ako.
"Ano nga ih?" Tanobg nito
"Haha syempre maganda." Nakakamiss tuloy mamaya ulit pupunta ako doon
"Gusto mo sumama sakin mamaya?" Tanong ko
"Oo naman."
"Mga 7:00 pm pumunta ka dito." Tumango naman ito.
"Sige, alis na ako may trabaho pa akong dapat atupagin."
"Trabaho? Ulol baka babae." Tinaas nito ang middle finger nito.
Tinaas ko din ang akin at dalawa pa.
Matulin kong ginawa ang mga trabahong naiwan ko kagabi ng hindi ako matambakan. Pupunta pa akong mall para bilhin ng laruan si Angela at ng groceries narin ng kahit papano may imbak silang pag kain.
Malapit na. Malapit ka nang mapasakin ulit Janelle Gervacio.
Vote and Comment
--------
Unedited
TUneditedpo sa mga sumusuporta yung mga nag memessage po sakin na mag update na thankyou po talaga. Love you😙😙
