Dedicated to:chinponciano,its_bluemagic,lookathisgirl,saraos06
Third Person POV
Isang linggo na bago ma aksidente si Aiko at ngayon ang labas nya sa Hospital.
Dala dala ni Aaron ni ang mga gamit ni Aiko at yung iba ay dala ng mga katulong nila.
----------
Hanggang ngayon ay di maka move on si Jane kahit isang linggo na ang nakakalipas.
"Mama kain ako." Sabi ni Angela. Nag handa ng pagkain si Jane dahil mag tatanghalian narin naman.
Alam nyang ngayon ang uwi nila Aiko at Aaron. Kaya medyo kinakabahan siya, ewan nya kung ano na nanaman ang mangyayari ng dahil sa kanya muntikan na mawala ang anak nila Aaron at Aiko.
May side na natutuwa siya at may side na nakokonsensya sya.
Natapos na ang pag luluto ni Jane at saktong may huminto na sasakyan sa bahay nila.
Biglang bumilis ang tibok ng puso nya. Nakita nya ang pag pasok ni Aiko at nasa likod naman nito si Aaron. Tinapunan lang ni Aiko ng malamig na tingin si Jane. At mamaya na ang gagawin nyang plano para ma paalis ito.
-------------
"Aaron" sabi ni Aiko
"Yes, may gusto kabang kainin or what?" Sabi nito.
"Ayaw kong nandito si Jane ang anak nya."
"Bakit ?" Tanong ni Aaron.
"Baka matuluyan ako pag nakikita ko yung dalawang yun."
"Pero anak ko din si Angela."
"Mamili ka yang anak mong dukha o kami ng anak mo?" Agad naman na pag isipan ni Aaron yung tanong ni Aiko.
"Syempre kayo."-----------
"Janelle mag usap tayo ." Malamig na tugon ni Aaron
"Ha" sabi ni Jane.
First time kasi ni Jane na kausapin sya ni Aalle
"IDIOT. Sabi ko mag usap tayo."Napa Yuko naman si Jane at at sabay tumango bilang pag tugon nito.
Nasa kwarto ngayon silang dalawa.
"Lumayas na kayo ng Anak mo."
"Ha-hah?" Parang nabingi sya sa narinig nya.
"Hindi makakabuti kay Aiko at sa baby kung palagi kayong nakikita ni Aiko."
"Pero anak mo din si Angela"
"Oo anak ko sya at alam ko yun tutustusan ko nalang ang pangangailangan nyo."Sumeryoso ang mukha ni Jane
"Hindi ko kailangan ng pera mo kaya kong pag aralin ng mag isa ang anak ko anak mo. Pero ito ang tandaan mo Aaron wala kanang babalikan."
" ANO MAY PAG MAMAYABANG KANA? SIGE WALA NA AKONG PAKEALAM SA INYONG DALAWA LUMAYAS NA KAYO." sigaw nito
------------
Mag gagabi na nung umalis sila sa bahay nila Aaron bumalik dila sa dati nilang tinitirhan bunti nalang wala pang nangungupahan dito. At bukas na bukas mag hahanap sya ng trabaho at kakapalan nya ang mukha nya para mangutang. Wala kasi syang pera. At iiwan nya muna si Angela kay ate Mylene isa sa mabait na kapit bahay nya.
------------
UneditedAko naman po may request
Need ko po ng 50 votes then pag na goal na po yun mag a-update po ako ng 2 chapter. 😁😁😁