Aaron POV
Namili ako ng mga manika at kung ano ano pang laruan pang babae. alam kong magugustuhan to ni Angela.
syempre kailangan kong bumili ng panunuyo kay Janelle.
hindi naman ako nahirapan doon dahil wala naming arte sa katawan yun. iyun din ang gusto ko sa kanya ang pagiging simple nya.
ngunit ang lahat ng iyun pinag sisihan ko. pinag sisihan ko kung paano ko sya itulak palayo sakin. ang mga pananakit na ginawa ko sa kanya. na kahit kailanman hindi maalis sa puso at isipan nya.
nag madali ako paara maaga akong makapunta sa bahay nila at makapag tagal tagal man kahit papano, bonding time ba.
balak ko rin sila ilabas ng bansa, pero hindi ko alam kunng papaya ba si Janelle.
nag bayad na ako sa counter at dumeretso sa parking lot. at nag drive na papunta sa mag ina ko.
Janelle POV
"O, anak ano yang gianagawa mo?" tanong ko rito habang nag hahanda ako ng hapunan naming mag ina. daing at yung natirang sinigang lang ang ulam namin.
"Wala lang po to Mama." sabi nito at tinabi yung ginagawa nyang ewan.
"O sya, tara na at kumain na mag kakamay ka ba o mag kukutsara at tinidor?" tanong ko.
"nag kakamay nalang po ako Mama."
"maghugas ka na don sa lababo." utos ko rito.
tok tok tok
" Anak tignan mo nga yubn kung sino yung kumakatok." utos ko. agad naman syang nag tungo sa pintuan at binuksan iyon.
"Sino yan Anak?" tanong ko
"Si Papa po." napatigil ako sa ginagawa ko ano naman kaya ginaawa ng lalaking yan dito?
"Hi!" bati nya
" Anong ginagawa mo dito?" tanong ko, ee parang kahapon nandirito lang sya.
"bumisita lang, eto nga pala para sayo sana magustuhan mo." inabot nya sakin yung isang paper bag at mukhang mamahalin.
"Diko matatanggap yan mukhang mahal e." sabi ko
" Para sayo talaga yan, binili ko talaga sayo yan. At ito naman para kay Angela." sabi niya at inabot yung mga paper bag
"Kumain ka na ba?" tanong ko
umiling naman ito. napatingin ako sa ulam na hinanda ko alam ko sa sarili ko na hindi sya kumakain ng ganyang uri ng pagkain. Hindi ko naman alam na dadating siya kaya iyan lang yung nahanda ko tutal dalawa lang kami ng anak ko.
"Teka lang mag luluto muna ako ng pagkain" sabi ko
"Huwag na, kung gusto nyo kumain nalang tayo sa labas." sabi nya at naka ngiti pa ito
"wag na, saying naman yung pagkaing nakahanda." sabi ko
"No, ako ng bahala." sabi nito
"wait lang, magbibihis lang ako pati na rin si Angela. Nakakahiya kasi kung ganto lang ang suot naming mag ina." sabi ko at dumerertso sa kwarto. Napag isipan kong maligo nalang total masyado pang maaga para sa hapunan. Ganun din si Angela pinauna ko na itong maligo bago ako. binihisan ko ito ng leggings na pambata na kulay itim at blouse na puti. Mamaya ko na sya iipitan pag ka tapos kong maligo.
pumunta na ako sa CR at ginawa ko na ang dapat gawin. Nag suot lang din ako ng leggings at T-Shirt na white na may bulsa sa may kaliwang dib-dib.
Tapos ko naman ng ipitan si Angela tinirintas ko lang ang buhok nitong hanggang baywang.