The Fall

85 2 0
                                    

Hay salamat at pumayag dina ng taga student council na ako ang reader. Pag ganun eh bawal ako isali sa love jail. Iwas sakit sa ulo. Naalala ko pa nga ang usapan namin ng President sa Student Council.

*flashback*

"Eh Elie naman baka magtampo sa akin yung mga ibang officers." alanganing tugon ni Mara, the Student Council President.

"Friendship naman, kahit wala nang talent fee."

"Eh kasi naman eh...mababawasan kita namin sa fund kasi wala ka. Di ka pwede i love jail."

"Naks naman mare. Pinagkikita-an mo ako. Heto ka nagbibilang ng pera samantalang ako nahihirapana sa pagharap sa bawat taong mapareha sa akin." kunwari tampo ko.

Ang totoo kasi niyan eh naa-awa lang ako sa bumabayad ng fifty peros sa 3minute lovejail. Okay lang sila?

"Sige na nga. Total malaki-laki rin yung naiambag mo." at ako pa talaga ang may utang na loob diba?

*end of flashback*

Dear Han-ji-lin Balgos,

Hello, ako Budoy. Biro lang. Gusto ko lang naman malaman mo na crush na crush kita. Sana malovejail tayo ngayon.

Love and Kisses,

Shenjie M.

Eeeh—ano ba to. Sobrang nakakakilig naman ang mga love letters. Kahit na 30 pesos ang bayad sa isang love note at kahit na 20 words lang ang dapat ilagay ay sulit parin para sa mga umiibig. Pustahan tayo binasa mo ulit ang letter no? weeeee?

Nakakataba ng puso pero ang mas nakakataba ng puso sa akin ngayon ay ang pakiramdam na hindi ka malalagay sa isang sitwasyon na ayaw mo gaya sa lovejail. Narinig ko kanina pa na reklamo ng reklamo ang Han-ji-lin  na ito dahil sa suki na siya ng lovejail. Akalain mo nagsasayang ng 50 pesos ang isang lalake para lamang sa 3-minute lovejail. Bitin na kung bitin pero nakakatuwang isipin na naiirita na rin pala si Han-ji-lin. Palibhasa kasi may dugong koreana kaya patok sa masa. For sure hindi na malulugi ang funds ng Student Council.

At siyempre hindi magsisisi si Mara na inexcempted niya ako dito.

Dear Yonela,

Hey there! How---------------

Suddenly a brown out came. No it wasn’t brown out, it is a f**** handkerchief na nakatakip sa mga mata ko.

“Wait yung contact lens ko.” Arrrgg! Wala to sa usapan diba? “Hoy, alam mo ba na I am part of the staff and you’re not allowed to love-jailed me?!”

“Elie isang beses lang daw. Tsaka alam naman ni Mara to eh.” Sabi ng baritonong boses.

“Oh come on. You can’t force-------hey wait!” naputol ang sasabihin ko kasi binuhat na niya ako. Para akong batang pina-uwi ng ama. Pasan na pasan sa likod dahil may naka-away ako. Shakespeare naman o, for sure ang daming nakatingin sa akin.

“Sino ba kasing nagsuhol sayo ng limpak na limpak na salapi? At ibenenta pa ako ni Mara ha..” pagpapatuloy ko sa pagdaldal.

“Eh, no choice kaming lahat eh. Special request ka kasi.” Sabi niya. Wait, medyo familiar sa akin ang boses niya ah.

“Don’t tell me DOM yan. Naku may taste ako no.”

“Nope, he is handsome.”nakikilala ko na talaga siya.

“Edd? Kaw to diba? Maawa ka naman o, spare me.”pagmamaka-awa ko. Si Edd ay higante kong kaibigan. Kidding aside. Sobrang taas ng taong ito kaya no wonder siya pinabuhat sa akin. 6”4 o ansabee no YAO MING dito?

“Elie naman eh. Tumahimik ka na nga lang diyan.”

“Please?” nag pouty pa ako para effective syempre.

“Here we are.”binaba na niya ako at kinuha ang right hand ko. Tinali niya ang right hand ko at nabunggo sa kamay ko ang isa pang kamay. Parang tinali nila pareho ang kamay ng sino mang lalaki ang nasa tabi ko. Fairness mabango siya. Hmmmm. Ay ano ba.! ELie naman.

“In count of three remove the hankie.” Edd instructed.

“one

Two

Three!” as we remove the hankies a flash of camera clicked. And at the same time---

“Happy Valentines!”

O_O

O-0

O_T

SINGLE forever eh.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon