Path 2

28 2 0
                                    

Ally's

"HA?! ANO DEX?! Nasaan si Stella?!"

"Hindi ko nga rin alam e. Pumunta ako kanina sa condo niya pero wala siya. Tinanong ko sa guard and sa other staff ng condo, wala daw silang naaninag na Stella Jo na umuwi kagabi."

"Saan naman kaya nag susuot ang babae na yun kagabi?! Jusmeyomarimar naman talaga oh. Saan natin siya hahanapin nito Dex?!"

"Hindi ko rin alam Ally. Hindi naman yan nag gagala pag hindi tayo kasama."

Tanghaling tapat at nang bulabog tong si Dex sa aming bahay. Ang sarap ng tulog ko e. Ito naman kasi si Stella. Wala kaming kaalam alam kung saan nag punta. Hindi manlang kami nabilinan kagabi kung ano plano niya for the rest of the night. Hindi naman ma contact number niya.

Sa kalagitnaan ng pag iisip namin kung saan namin matatagpuan itong si Stella, may tumawag sakin.

Si Stella

Number ni Stella.

Dali dali kong sinagot dala ng sobrang pag aalala.

"Hello?! Stella?! Nasaan ka girl?!"

"Uhm,Hello? Are you a friend of the owner of this phone?"

Ay hala?! Bakit lumalim boses ni Stella. O.o

"Stella? Is that you????"

"Hey, I'm not her. This is Brenan. She's in my hotel room. Nakita ko siyang wasted at walang kasama kagabi sa bar. Kaysa sa pag pyestahan siya ng mga kalalakihan sa sa bar, inuwi ko nalang."

"SINO KA?! WHAT DID YOU DO TO MY BESTFRIEND?! Where is she ha?! Saan mo siya dinala?!!!"

"Take it easy girl. Wala akong ginawa. Ni hindi ko nga pinalitan ng damit. Kinumutan ko lang."

"Ally? Sino kausap mo?" Lumapit si Dex habang may dala-dalang potato chips.

Tinakpan ko saglit ang phone at sinigawan si Dexter Chua.

"Aba Dexter Fernandez Chua! Oo, kaibigan kita. Pero wag mo naman sana ubusin pag kain ko sa kitchen! " Pag bubulayaw ko sa matakaw naming kaibigan.

"Hello? So, Ano, Saan pala namin susunduin si Stella? Ha?!"

"Wait, are you with Dex? Dexter Chua? Narinig ko na sinigaw mo pangalan niya."

"Why? You know him?"

"Yeah, I do. Pwede makausap?"

Agad ko naman binigay ang phone ko sa matakaw na intsik na 'to.

Naka cross arm ako at sobrang nag tataka habang nakaupo at pinag mamasdan si Dex na nakikipag tawanan dun sa Brenan na yun. Wala akong clue kung sino yun.

"Hello?? Yuhooo?? Deeeex?!"

Hindi ako narinig. -_____-''

"Dexter Chuaaaaaaaaaaaa!"

Hindi talaga ako pinansin. Binaba nalang ang phone at inabot sakin.


Stella's

UUUGH. Ang sakit ng ulo ko.

Teka?! Nasaan ako?!

Kinusot kusot ko mata ko.

Teka?! Hotel room ito a! Hala! Hala! Hala! Hindi ko ito condo. Saan kotse ko?! Hindi naman nag iba suot ko. Naka kumot lang ako. Ang bag ko hawak ko parin. Paano ako nakarating ditoooo?!

Pag kabangon ko ng kama, may nag salita.

"Oh, Gising ka na pala."

Tama ba narinig ko?! Lalaki ang nag salita?!

"WAAAAAAAAAAAAAH! SINO KA?!"

"Miss, Kalma. Wala akong ginawang masama. Naka damit ka panga e oh!"

"Sabagay. Pero nasaan ako? Anong nangyari kagabi? ............... Brenan?! Like Brenan Kim?!"

"Oo, bakit? Do I know you?"

"Shems!"


Napatakip ako ng bibig sa lalaking kaharap ko ngayon. Si Brenan Kim ang MVP sa school namin noong grade 10 ako. At siya, grade 12. Isa siya sa seniors namin. At siya....... siya yung idol na idol kooooo! Yung ultimate crush ko nung grade 10 ako sa Halverg.

Naaalala ko pa noon, tinutulak tulak pa ako nila Ally para lang mag pa-picture sakanya o kaya mag abot ng energy drink after ng training at laro nila. Parang timang ako. Kuntodo stalk sa isang lalaking imposibleng mapasin ako sa mga panahon na yun. Sino nga ba makakapansin sa babaeng mukhang nerdy talaga. Braces. Big eyeglasses. At ang daming ko pang pimples nung panahon na yun.

Pero sabi naman nina Ally at Dex, pretty naman daw ako. Uto uto naman tong si Stella.

One time, tinangka ko mag pa picture. Nilapitan ko siya pero parang hangin lang ako na dumaan dahil hindi niya ako pinansin. Sakit diba?

Anyway, siya yung dahilan ko noong grade 11 na mag contact lens, ipatanggal ang braces dahil ayos naman na ang ngipin ko noon at nag iwas na mag puyat para hindi na dumami pa ang pimples.

Kaya siguro hindi niya ako nakikilala ngayon kahit na matino na ako tignan kasi noon palang, hindi niya na ako pinapansin.

"Ah, wala wala. Kilala kasi kita. Alumnus din ako sa Halverg." Kalmado kong pag papaliwanag.

"Aah ganun ba? Hindi naman kita napapansin noon sa school." Sagot niya.

Malamang, sino papansin sakin noon. Buti naging friends ko pa sila Ally at Dex.

"Ah, eh, tahimik kasi ako sa school." Pag sagot ko.

Hindi na kami nag kibuan pa ng ilang minuto. Nanunuod lang siya ng tv na naka upo sa coach at ako naman minimessage sila Ally na bilisan na pagsundo sakin dahil napaka baho ko na at nakakahiya na dito sa kasama ko.

Habang inaantay ko sina Ally, napaisip nanaman ako ng malalim dahil sa nangyari kahapon. Bumilis ang tibok ng puso ko pero at the same time, nadudurog. Halos pino na ata ang puso ko dahil sa sobrang sakit ng na witness ko kahapon sa mall tapos sa park pa?

Hindi ko na napansin na may tumulo nang luha sa pisngi ko habang nakadungaw sa bintana ng hotel.

"Wag mo sayangin ganda mo sa kung sino mang lalake ang nangloko sayo." Napatingin naman ako kay Brenan na nasa tabi ko na at may inabot na tissue.

"Salamat." Sagot ko sakanya sabay kuha ng tissue at punas sa luha ko na hindi maubos ubos.


*ding dong*

Si Ally na ata yun.
Nag ayos na ako at ako narin ang nag bukas ng pinto.

Nag pasalamat kami pareho ni Ally kay Brenan at tuluyan narin umalis.

"Girl, are you okay?" Ally asked me.

"I wish I could be okay." Mahina kong sagot sakanya.

Bumuntong hininga nalang siya at tahimik nalang nag drive papunta sa condo ko. Dinala na daw ni Dex ang kotse ko sa parking ng condo ko at nauna narin umuwi. Pagkahatid sakin ni Ally, nag paalam narin kaagad siya kasi mag eempake na daw siya for our vacation. Tumango nalang ako at tumuloy na sa unit ko.

Nag shower at nag ayos ng gamit dahil dalawang tulog nalang, flight na namin.

Siguro, sa Japan nalang muna ulit ako para makalimutan ko ang nangyari dito sa Pinas. Oo, isang lalake lang yun para pag ikalungkot ko at dahilan ng pag bago ko. Pero, oo, siya din kasi yung lalake na unang nag pabago sa buhay ko. Pinasaya at binigyan ng kabuluhan ang buhay ko for years nag pagiging kami na mabilis lang napalitan ng luha ang lahat ng tawa.

Ang sakit. Ang hirap hirap makalimutan. Pero kakayan ko to. Sana matanggap nila Ally at Dex ang disisyon ko na mag stay na sa Japan for good. Sana mapatawad rin nila ako dahil ma b-break ko ang promise ko sakanila na mag kakasama kami tuparin ang mga pangarap namin sa buhay at sabay mag aaral ng college sa pinapangarap naming school sa Europe.

to be continued .....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 19, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Twisted PathsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon