L O R E L E I
"Lori, Lori! We're here," nakaramdam ako na iniyuyugyog ako. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata.
Nandito na naman pala kami ulit. Nga lang, ngayon, kasama na namin si Loki at Jamie. Iginala ko ang paningin ko. Nasa loob kami ng isang kotse at ako na lang pala at 'yong gumising sa akin, si Jamie, ang nandito na agad din namang bumaba.
"They all went down already. Tayo na lamang ang hinihintay," sabi niya. Agad-agad naman akong umupo ng maayos at inayos ng konti ang buhok ko pati na rin ang damit ko at pagkatapos ay bumaba na.
Namataan ko ang pangalan ng eskwelahan na kaharap kong muli. SHERRINFORD HIGH. Nakaukit ang malalaking letra nito sa entrance ng paaralan.
Hindi ko sigurado kung tama nga ba na bumalik muli dito- kasama pa si Loki at Jamie. Inimbitahan ako ni Al na sumama sa kanya at dahil wala rin naman akong gagawin, sumama na lang din ako. Hindi naman sa gustong-gusto kong pumunta. At dahil na rin sa walang pasok, niyaya na lang din namin si Loki. Pahirapan pa nga eh.
"Ano ba ang gagawin doon?"
"Mabubusog ba 'ko kapag sumama ako?"
"Ikauunlad ba ng ekonomiya ng Pilipinas kung sakaling pumayag ako?"
"Mawawala na ba lahat ng paasa sa mundo kung ganoon?"
Pero sa huli, wala siyang magawa kundi sumama dahil wala talagang tao kina Tita ngayon at kinakailangang umalis ng lahat dahil magpapageneral cleaning siya at dahil parang buntot na ni Loki si Jamie, sumama na rin siya.
I tied my hair and fixed myself to look and act the same as before- Lorraine. Pagkababa ko naman, nagulat si Jamie.
"Lori, anong nangyari sa'yo?" Nagtatakang tanong niya.
"Uh, wag mo na lang pansinin."
Tumango na lang siya kahit may pag-aalinlangan at naglakad upang masabayan sina Al at Loki. Nakita ako ni Al kaya bumalik siya upang masabayan ako. Patuloy kaming naglakad hanggang sa makapunta kami sa gate ng paaralan at agad din naman kaming pinapasok.
Ngayong araw na ito, tumatanggap ng mga bisita at outsiders ang Sherrinford dahil na rin siguro sa event nila ngayon.
SHERRINFORD HIGH'S FIRST EVER HALLOWEEN FESTIVAL. OCTOBER 30 TO 31.
So basically, kaya kami naririto ngayon ay dahil inanyayahan si Alistair na inimbitahan ako na inimbitahan si Loki na sinamahan ni Jamie na makilahok sa Zombie Run nila para sa Halloween Special Festival nila.
Hindi naman ako ganoon ka interesado sa pakulo nila, sadyang gusto ko lang talaga lumabas at no choice din ako.
"O, Alistair!" sigaw ng isang pamilyar na tinig. Napaatras naman ako ng konti. "Lorraine!"
"Adel," bati ni Al pabalik. Tumango na lamang ako bilang 'pagbati'.
"Anong pakay niyo dito?" tanong niya.
"Ah, wala naman. Binigyan ako ng letter upang pumunta at makilahok mamaya rito," sagot ni Al. Nilingon naman kami ni Adel ng may pagtataka. "Siya nga pala. Ito ang mga bago kong kaklase na sina Loki at Jam-"
"Hi! I'm Jamie Santiago!" putol ni Jamie.
"Kilala mo na rin naman na si Lori- Lorraine at sembreak na rin naman kaya niyaya ko na rin sila. Hindi naman masama, diba?" Alistair said.
"Siyempre, siyempre! Welcome na welcome kayo rito," sagot ni Adel.
"Salamat."
"Mag-enjoy sana kayo," wika niya sa amin at saka hinarap muli si Al. "May gagawin pa 'ko kaya maiwan ko muna kayo, pasensiya."
BINABASA MO ANG
Project LOKI: Fanfics
Mystery / ThrillerA collection of fan fiction stories written by readers of the Project LOKI series.