LORELEI
Malamig na simoy ng hangin ang bumalatay sa aking katawan matapos kong makalabas ng dormitoryo. It was past 1:00 o'clock in the morning and my fellow dorm mates are in their sweetest dreams right now, I think so-or not. Bisperas ng Pasko na pala bukas ngunit parang hindi ko maramdaman ang diwa ng kapaskuhan.
Hanggang 12 midnight lamang nakabukas ang mga poste ng ilaw kaya dinala ko ang aking cellphone upang ipang-flash light. Napakalamig. Tumataas ang aking balahibo sa tuwing humahampas ang malakas na simoy ng hangin sa aking balat. Also, the soothing feeling of this peaceful surrounding is somehow eerie to me.
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin nitong mga paa ko but I know that something thrilling is waiting for me.
Hinayaan kong dalhin ako ng mga paa ko kung saan nito gusto. Wala naman sigurong makakakita sa akin dahil mahimbing na natutulog ang lahat.
I was walking with deep thoughts throughout the whole time. Biglang bumugso ang malakas na simoy ng hangin dahilan para mapahalukipkip ako. Lumalangitngit ang mga dahon na aking natatapakan. Ito lang ang tangi mong maririnig bukod sa huni ng mga insekto at ibon sa paligid. I didn't know I would end up in this forest. I roamed my eyes around and thoughts starts engulfing my sanity.
This forest was put in restriction due to the incident happened a year ago. I don't know the whole story, but since napaka-bilis lumipad ng tsismis, malamang ay nakarating sa akin ang ilang impormasyon patungkol sa pagkawala ng isang Grade 10 student na babae. Sabi ng iba ay baka kinain raw ng mababangis na hayop ang estudyanteng 'yon. Mayro'n namang nagsabi na baka nahulog raw ito sa isang trap o butas at hindi na naka-ahon pa. That was a lame conclusions for me though.
Anyway, ayon sa imbestigasyon ng mga pulis-maaaring nakikipag-kita ang estudyanteng 'yon sa isang tao-particularly sa isang lalaki dahil napabalitang may boyfriend raw ito na taga-ibang school na sa kasamaang palad ay hindi pabor sa magulang ng babae. Patago ang bawat pagkikita ng dalawa at sa forest nga na 'to ang palaging meeting place. The police come up with the thought na baka nagtanan ang dalawa. Maaaring sinabi na lamang nila na ang duguang uniporme na nakita nila sa forest ay kagagawan ng mabangis na hayop.
This boarding school was all-girls-school, that's why it is understood that boys are prohibited to enter inside the school's jurisdiction, except for the forest ofcourse-it's not under the school's surveillance anymore. I know I will sound ridiculous if I'll say that even the security personnel, teachers, and any other staffs here are all girls. But still, my dad-which happened to be not my real dad enrolled me in this weird boarding school and I didn't have the guts and courage to complaint. Even though I have found out na hindi siya ang tunay kong ama hindi nabawasan ang respeto na mayro'n ako para sa kaniya. He was still the one who provided my needs throughout and I thanks him for that.
Well, moving forward. The lost student was considered as dead by the police because of the bloodstained uniform they have found in the forest. Hindi na nag-pagawa ng search ang head ng school para hanapin ang bangkay at hinayaan na lamang na maglaho ang issue sa paglipas ng mga araw. Maybe gusto na nitong matapos ang issue upang hindi na makalabas pa at baka ika-sira ng image ng school.
But as for my abatements, it's either his boyfriend planned the murder and leave the bloodstained and wrecked uniform of the student so it will look like na inatake ng mabangis na hayop ang dalaga, but what could be the possible motives of him doing that? Knowing that girlfriend niya 'yong babae. Maaaring nalaman niyang tinu-two time siya nito kaya naisipan niyang patayin na lamang ito para hindi na mapunta sa iba. It was a lame conclusions pero tinitignan ko pa rin ang side na 'yon. Even the small things counts sabi nga nila, so I wouldn't set aside that probability.
BINABASA MO ANG
Project LOKI: Fanfics
Mystery / ThrillerA collection of fan fiction stories written by readers of the Project LOKI series.