HALOS LUMIPAD na ang kotse sa sobrang bilis. Bakas sa mukha ng tatlong lulan ng sasakyan ang pag-aalala at matinding tensyon dahil sa kanilang natanggap na mensahe.
Can you make it faster Alistair?!
Napasuntok na lang si Loki sa upuan. Imbis na magalit ang kasama ay hindi niya ito ginawa dahil ramdam niya ang tensyon ni Loki. Kung maaaring magteleport sila ay gagawin niya masagip lamang si Lorelei.
15 minutes na lang bago matapos ang binigay na oras na 30 minutes, nasa sementeryo sila ngayon kung saan nakaratay din ang labi ni Rhea. Agad pumasok sa isip ni Loki ito kaya't agad siyang pumunta sa kinatitirikan ng puntod ng yumao niyang kaibigan at di nga siya nagkakamali, may bagong hukay malapit sa labi nito.
Kumuha agad ng pala sila Loki at Alistair habang si Jaimie ay bitbit ang inihanda nilang first aid kit kung sakaling kailanganin.
Lori, just hang on.
Bakas man sa mukha ni Loki ang di kasanayan sa physical activities ay pinipilit pa rin niyang maghukay.
Damn Lorelei! Don't you dare give up!!! Not yet, not this time and not here!
His two companions startled as he yelled those words. Sa wakas ay nakita na ang kahoy na kabaong at agad pinukpok ni Alistair ito para makalas ang mga pako.
Agad binuhat ni Loki ang dalagang nasa loob na basa sa pawis, namamalat ang labi at tila namumuti na dahil sa kawalan ng hangin sa loob.
Lorelei! Call an emergency, Jaimie! She needs an immediate treatment.
Ginawa ni Loki lahat ng first aid na nalalaman niya ngunit wala pa rin.
Loki, try mouth to mouth resusitation.
Jaimie dropped the endearment 'Loki dear' means she's serious at this very moment. Mahahalata din sa mukha nito ang pag-aalala kay Lorelei kahit na minsan ay sinusupladahan niya ito.
Lumunok ito ng bahagya at tinititigan ang naka-kunot-noong mukha ni Lorelei. Unti-unti itong yumuko at nakahanda ng lumapat ang labi nito sa dalaga.
One inch away ay mahahagkan na niya ito.
Sir, excuse me po.
Agad inilagay sa stretcher si Lorelei.
CLEAR!
Ilang beses sinubukan ng medical team ito sa dalaga. Kumbaga sa kwento ay nasa climax na ang kanilang mga nararamdaman para sa dalaga, takot, tensyon, nerbiyos at pag-aalala.
Hinawakan ng binata ang kamay nito.
Lorelei, please don't give up. Not today...
Nanginginig ang mga kamay nito. Loki is breaking down again. Mas hinigpitan ang mga kamay ng dalaga at bahagya itong pinisil.
Naalala ang mga panahong nawalan siya ng kaibigan ngunit dumating si Lorelei, ang nagparealize sa kanya na muling buksan ang pagkatao sa mga maaring maging kaibigan. Mga panahon na nag-aaway sila at hindi man lang manalo-nalo ang dalaga dahil sa daming rason ng kanyang presidente. Mga panahon na nasa bingit na sila ng kamatayan ngunit nakakaligtas pa rin. At dahil dun ay itinuring ng kaibigan ni Loki ang dalaga kahit hindi man niya sabihin ay halata sa kanyang kilos at gawi.
Lorelei, c'mon wake up.
Unti-unting dumilat ang mga mata nito. Tumingin sa paligid. Napangiti silang lahat at sa wakas gising na rin ito at tumitibok na ulit ang puso nito.
/Lorelei/
Surprise Lorelei!
Iginala ko ang paningin sa paligid. A dusty room filled with boxes, cobwebs on the ceiling and flickering bulb that makes the room more dim and creepy.
BINABASA MO ANG
Project LOKI: Fanfics
Mystery / ThrillerA collection of fan fiction stories written by readers of the Project LOKI series.