L O R E L E I
"Lorelei, wake up. Nandito na tayo."
Naalimpungatan ako sa mahihinang tapik sa aking balikat. Pagmulat ko ng aking mga mata ay nakita ko ang childhood friend kong si Alistair na bahagyang nakangiti sa akin. I gave back a small smile at iginala ko ang aking paningin. Nakita kong nasa tapat kami ng isang napakatayog na gate, all made of brass and steel. Gawa sa purong adobe ang mga pader na pumapalibot sa buong villa. Mula sa malayo ay natatanaw ko na ang isang malaking bahay-- halos kasinlaki na ng aming mansyon. Mas tamang sabihin na tila iyon isang kastilyo. It was situated at the top of the hill, maybe 2 to 3 kilometers away from the gates. Nagmistulang walled city ang lugar.
Halos hindi ko namalayan ang byahe, pero laking pasalamat ko pa rin na naging mabilis ito at hindi kami masyadong inabutan ng traffic dahil sa Christmas rush.
Muli akong luminga sa paligid at napagtanto kong kami lamang pala ni Al ang naiwan sa sasakyan. Gamit namin ang asul niyang Subaru sa pagpunta sa isang liblib na lugar dito sa Cavite.
Isang jacket ang bahagyang dumausdos mula sa pagkakatakip sa akin. My eyebrows creased as I wonder whose jacket is this. Hindi ko natatandaang nag-empake ako ng ganito. At sino namang naglagay nito sa akin?
"That was Loki's." Al answered. He must've seen the confusion in my face. "You were beginning to feel cold earlier. Hihinaan ko na sana ang aircon but then he's made his action." Isang tango na lang ang isinagot ko sa kanya. I should say thanks to Loki kapag ibinalik ko na ito sa kanya.
"This is going to be fun!" Tili ng isang boses babaeng pamilyar sa akin. Binuksan ko na ang pinto sa passenger side at bumaba na ako, gayundin naman si Alistair. As usual, parang koalang nakakapit si Jamie sa aming walang kabuhay-buhay at mukhang bored na bored na club president na si Loki. May bago pa ba doon?
The cold December air was crisp and cruel, especially in the morning. Kinipkip kong mabuti ang jacket ni Loki na isinuot ko muna. Might as well use it since he sort of lent it to me. Nilingon kami ng dalawa. "Good morning, Lori!" Bati ni Jamie sa amin ni Al. "Good morning." Iwinaksi na nila agad ang kanilang tingin sa amin, but not fast enough as I was able to see the ghost of a smirk pulling against Loki's lips. It was very slight, but I'm sure of it.
Bakit pa kami bumaba? Iyon ay dahil sa kailangan naming magpakilala isa-isa at magbigay ng password bago kami makapasok nang tuluyan. Hindi ko rin alam kung anong pakulo ang naisip ng nag-imbita sa amin.
Nakasaad lahat ng detalye sa isang mensaheng natanggap namin sa apartment namin ni Loki noong nakaraang Linggo.
FLASHBACK
Maaga akong nagising nang araw na iyon kahit na halos hindi pa ako nakakatulog. The sudden revelation about my real relationship with Dad still bugged me even after weeks. Ang daming tanong na nabubuo sa isip ko and yet I don't how or where to find the answers.
Ipinilig ko ang aking ulo at lumabas na sa aking kwarto. Wala pang tao sa sala, marahil ay tulog pa si Loki. I made my way to the kitchen and began heating water. Maybe I could use a cup of coffee before I proceed to work. Balak ko kasing maglinis ng unit. I need to keep my mind busy dahil sasakit lang ang ulo ko thinking about the matters on hand.
"Lorelei? Loki? Gising na ba kayo?" Boses ni Tita Martha ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. I didn't realize I was spacing out. Kaagad kong pinagbuksan ng pinto ang tiyahin ko.
"Good morning, tita." Isang ngiti ang isinagot sa akin ni Tita Martha bago iabot sa akin ang isang maliit na kahon ng regalo The box was wrapped with Christmas wrappers of green and red. "Nakita ko ito sa may mailbox kanina, eh napansin kong sa inyo naka-address, kaya dinala ko na. Urgent daw eh." Indeed, written on the card in bright red and bold letters was the said word.
BINABASA MO ANG
Project LOKI: Fanfics
Mistero / ThrillerA collection of fan fiction stories written by readers of the Project LOKI series.
