"MENDEZ" by DeadAndBreathing

47.5K 1.6K 2K
                                    


LORELEI

HABANG NASA banyo ako't nagsisipilyo ay nagulat ako. Pinihit ko ang faucet pero walang lumalabas na tubig. Anong nangyayari?

'Di ako makapagsalita nang ayos. Puno ng bula ng toothpaste ang bunganga ko, napaka anghang pa! Nakatapis lang ako dahil kakatapos ko pa lang maligo! Isa nalang ang naisip ko.

Kinatok ko yung pintuan nang pagkala-lakas. Tatlong maiikling katok, tatlong mahahabang katok na sinundan ng tatlong maiikling katok. Please, Loki! Maintindihan mo sana!

"LORI? Is there any problem?" Narinig kong kumatok si Loki sa may pintuan. "Hey, Lorelei!"

"NO WATER!" Iyon na lang ang lumabas sa bibig ko. Alam kong nainitindihan niya kaya't kumatok siyang muli, pero nag-abot siya ng dalawang baso ng mineral water.

Pagmumog at pagkalinis ko sa sipilyo ko ay lumabas na ako.

"Thank you, Loki," ini-tap ko ang kamay ko sa balikat niya. "Buti naintindihan mo ang punto ko"

Isinarado niya ang libro niya. "Matapos mong ipadaan ang distress signal na SOS gamit ang pintuan at katok, akala ko may nag-murder na sa'yo sa loob o nilason ka na. But when you said there's no water with such a non-understandable way, nalaman ko na nawalan ng tubig habang nagsisipilyo ka. I felt sorry for the mineral water, naipang-mumog mo"

I rolled my eyes. Sa mineral water pa siya nag-alala huh?

Miya-miya'y may kumatok sa pintuan nang tatlong beses, si Tita Martha. "Sorry, Loki at Lorelei. Nasira ng sunog ang ilan sa mga tubo ng tubig. Masisira na rin sana ang kable ng kuryente kaya pinutol na muna namin," napakamot siya sa batok niya. "Kaya for the mean time, hindi ko muna ipapagamit ang unit sa kahit na sino. Ayaw ko kayong mapahamak kaya sorry. Babayaran ko na lang muna kayo–"

"No need, tita. Keep the money para may maipanggastos kayo sa pagpapaayos sa building. Ayos lang sa amin, right Loki?" Pagputol ko sa sinabi ni Tita Martha. Alam kong ang laki na ng pasakit na nangyari sa kaniya. Napatingin sa amin si Loki.

"Yes, my dear landlady. It's just fine. That Brake-guy's the one who's at fault and not you so don't be sad" Kahit na ganoon ang tono ni Loki ay alam kong concerned siya. Kahit na Brake ang sinabi niya't hindi Bruno.

"Thank you talaga. Huwag kayong mag-alala. Gagawin namin ang lahat para mapaaga ang pagpapaayos" Nagwave na kami kay Tita matapos ko siyang yakapin.

Umupo ako sa couch, iniisip kung ano na ang mangyayari. Saan kami titira?

Maghihiwalay ba kami ni Loki kung sakali? Manirahan kaya kami sa ibang apartment? Kung sa hotel kaya– hahaha that's a good joke, Lori. Really funny, I want to wring my neck.

"Why are you blushing? Let me guess. You're thinking about what will happen to us after this. Where we'll live for the mean time, right?" Ayan na naman siya sa pagde-deduce niya. "Cause that's the same thing I am thinking about"

Napailing ako. Bigla na lamang tumunog ang phone niya. Si Inspector Estrada ang naisip kong tatawag pero napatigil siya bigla. Mukhang nagulat siya sa tumawag.

"Who's that, Loki? Is that Inspector Estrada?" He just shook his head after sighing.

On the third ring, he finally answered the call. "Hello?.. Oh.. Yes.. Yes I know.. Okay.. We're going.. Bye" Napakunot ang noo ko. Iba ang paraan ng pagsagot niya. Namamawis ang noo niya na parang kinakabahan. This is new to me.

"Hey Loki, who's that?" Tanong kong muli pero hindi niya ako sinagot, ulit. Tumayo siya at binuksan ang pintuan ng kwarto niya.

"Get yourself dressed. Mag-empake ka na rin. We're going somewhere"

Project LOKI: FanficsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon