LORELEI
*KRIIIIIIIIIING*
*KRIIIIIIIIIING*
Pinindot ko ang off button ng alarm clock na nakapatong sa side table ng kama ko.
Nag inat na ako't bumangon ng kama. Inayos ko ang nagusot na kumot at isinalansan ang mga unan.
Paglabas ko ng aking kwarto ay nakita ko si Loki na nakaupo sa couch at nagbabasa ng dyaryo habang umiinom ng kape.
Ito ang unang araw ng school summer vacation.
"Ang aga mo ata nagising ngayon" bati ko sa kanya. Hindi talaga uso sa amin ang 'good morning'
Parang walang narinig at tuloy lang siya sa pagbabasa.
Dumiretso na ako sa banyo upang maghilamos at pagkatapos ay pumunta naman ako sa kusina upang gumawa din ng kape. Pagkatapos ko maisalin sa tasa ang kape mula sa coffeemaker, umupo ako sa katapat na couch. Tahimik lang kaming dalawa na nakaupo. Walang nagsasalita. Maya-maya ay narinig kong tumunog ang message alert ko. Dahil sa katahimikan naming dalawa ay rinig na rinig ko ito mula sa aking kwarto kung saan nandoon ang cellphone ko. Agad ko itong pinuntahan at inopen ang message.
(Today, 7:00am)
From: Ashanti Collins
Hi Lori! Don't forget my cousin's birthday tonight. Expecting to see 'ya there!
Oo nga pala. Iniinvite nga pala ako ni Ashanti, classmate ko, sa birthday ng kanyang pinsan. Pinakaclose na pinsan daw niya ito. Nagtataka nga ako kung bakit siya ang nag iimbita eh hindi naman niya birthday yun.
"Wala kasing kaibigan ang pinsan ko na yun. Dati, noong nag aaral pa siya sa school, isa lang sinasamahan niya- ang boyfriend niya. Nang malaman iyon ni tita, pinag home school na lang siya. Iyon ay dahil hindi gusto ng mommy niya na magboyfriend siya hangga't hindi pa siya nakakatapos ng pag aaral.
At ngayon, gusto ni tita na magkaroon ng party para sa kanyang 18th birthday dahil minsan lang naman daw sa buhay ng isang babae ang magdebut at para makabawi sa ginawa niya. Kaya ako na lang ang nag invite ng friends para magkaroon siya ng bisita" Naalala kong sinabi niya nang tanungin ko iyon.
At ininvite nga niya lahat ng classmates niya kasama na ako.
Wala talaga akong balak na pumunta dahil una, hindi naman kami close na close ni Ash. At pangalawa, mas lalong hindi ko naman ka-close ang pinsan niya.
Ilang saglit lang ay nagring ang cellphone ko at nakaregister ang pangalan ni Ashanti.
Nagdadalawang isip pa ako kung sasagutin ko ba o hindi pero mas pinili ko ang una.
"Hello Ash. Napatawag ka?"
"Hi Lori. Nabasa mo ba ang text ko? Gusto ko lang sana iconfirm kung pupunta ka. Mind you, magtatampo ako kapag hindi ka pumunta."
"A-ah...ehh... A-ano kasi Ash--"
"Ah basta, hihintayin kita tonight ha? Bye. See you later"
*call ended*
Okay? Akala ko ba tatanungin niya ako. Bakit siya na din ang sumagot sa tanong niya?
"Hayyyyyy... " napabagsak na lang ang balikat ko at napabuntong hininga.
Mukhang wala na akong magagawa kundi pagbigyan na lang ang classmate ko. Naalala ko na may hiningi nga pala akong pabor sa kanya dati - ang humingi ng extra pads dahil bigla ako nagkaroon. No joke! I really lost track of my monthly period.
Wala naman akong gagawin sa araw na 'to dahil wala namang pasok sa school. Teka... may naisip ako.
Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa sala. Tumayo ako sa tapat ng kinauupuan ng boardmate ko. Busy pa din siya sa kanyang binabasa.
BINABASA MO ANG
Project LOKI: Fanfics
Mystery / ThrillerA collection of fan fiction stories written by readers of the Project LOKI series.