"Potion" (Part 2) by WhiteRabbitRhea

31.2K 756 677
                                    

L O R E LE I

WHOEVER THE culprit is that's responsible for this crime, he or she is very brave, I must say.

Imagine, halos kalahating oras pa lamang kaming nagmumula sa kanilang room upang resolbahin ang poison pen letter case, heto na naman at may isa na naman kaming kinakaharap. It's either that the offender is very confident of himself or he doesn't care whether he'll be caught or not.

Either way, the Q.E.D club won't stop until we get him and make him pay.

Muli kong pinagmasdan ang room habang busy ang paramedics na inaasikaso ang walang buhay na katawan ng kanina lamang ay aming kliyente na si Angele. Kung pagbabasehan ang initial reaction ng biktima at sa paraan ng paghawak nito sa parte ng dibdib nito na kinalalagyan ng puso, madali mong mahihinuha na inatake ito. The question is, how and why did she get a heart attack?

Hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak ang babaeng nagngangalang Mai, and she's crying on the shoulders of the boy named Oliver. Ganoon siguro ka-importante si Angele kay Mai kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin ito kumakalma. Oliver on the other hand, looked impassive as ever, at tila walang pakialam sa nangyaring komosyon sa kanilang silid. Mas na matimbang pa rito ang pag-aalala sa babaeng umiiyak sa balikat niya.

Nakita ko si Jamie, at walang pinagbago na nanatili itong mistulang isang sloth na nakasabit sa isang punong nagngangalang Loki. Sa tingin ko'y nag-uumpisa nang kausapin nina Loki ang mga posibleng may kinalaman sa nangyari kay Angele.

Madaling sabihin na natural lamang ang nangyari sa kanya, na baka talagang may iniindang karamdaman sa puso ang babaeng presidente, but I have a very strong hunch that this is a murder case. I just know it is.

And that's what we're ought to solve right now.

Muli kong inalala ang bagay na nakita ko kanina noong malapitan ko ang bangkay ni Angele. It was a very minute detail but a very strong point essential in this case. May ilang bagay na lang akong kailangang siguraduhin. I'm sure Loki and Al noticed it, too. Hindi ko na lang alam kay Jamie na wala namang ibang tinitingnan kundi si Loki. I wonder why Loki doesn't push her away. 'Does he like her, too?'

The pair started wandering around the room, and I bet they're searching for more clues that might help us to solve our second case for today. We really should be careful of what we wish for. Kanina lang ay hiniling ko na sana ay may kaso kaming matanggap pero hindi ko naman akalain na isang murder case ang pinakamalalang mangyayari sa araw na ito.

Muling nagbalik ang tingin ko sa dalawang babae na katabi ni Angele sa drama-rama na katatapos lamang kanina. Medyo tumahan na ang dalawa ngunit halata pa rin ang bakas ng mga luhang tahimik na naglalandas sa kanilang mga pisngi. Nanatili silang tulala sa lugar kung saan natagpuang nakahandusay at wala nang buhay ang kawawang si Angele. Nagsimula akong humakbang upang kausapin sila sa mga nangyari. Ramdam kong nakasunod lamang si Al sa likod ko.

I'm really glad that whenever he can, Alistair would always stay beside me. Alam ko namang kaya ko at dapat kong kayanin mag-isa, but it's still different when you have someone who really understands you.

I could never ask for any other best friend in the world aside from him.

Maikli lamang ang naging pag-uusap namin ng dalawang babae, at kung isa-summarize ang mga nakuha naming impormasyon sa kanila, wala namang kakaiba. Though they would still remain as one of our primary suspects dahil malapit sila kay Angele. Kung tutuusin ay mahihirapan siguro kaming tapusin ang kasong ito dahil buong klase ang listahan ng mga maaaring paghinalaan, but I'm confident in Loki's deductions and in no time, we would be able to narrow down the list.

Project LOKI: FanficsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon