L O R E L E I
"Lorelei, open the door!!" Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata nang makarinig nang sunod-sunod na pagkatok sa aking kwarto.
Tinignan ko muna ang orasan upang malaman kung anong oras na.
8:30 am. At sino namang nilalang ang mang-iistorbo sa akin nang ganitong oras gayong wala namang pasok dahil christmas vacation?
Minsan na nga lang mapahaba ang tulog na-istorbo pa.
"Lorelei please wake up!"
Nag-inat muna ako atsaka tumayo na sa higaan upang pagbuksan na si jamie nang pinto. Oh yes, tama kayo ng basa, si jamie nga.
"What do you want?" Bungad ko agad sa kanya.
"Thank goodness lori akala ko kinain ka na ng panaginip mo"
Tinignan ko si jamie from head-to-toe. Naka palda sya na skater above the knee na kulay red at naka off-shoulder blouse na kulay white.
Bakit nga ba nandito si jamie nang ganto kaaga?
"And?"
Bago sya sumagot ay nilagpasan ko na sya upang tumungo sa banyo para maligo pero napahinto ako sa sala nang maabutan si alistair at loki na naka kaswal na damit.
"Goodmorning lori!" Bati ni al at ginantihan ko naman ito nang ngiti.
Ibinaling ko naman ang atensyon ko kay loki na tila bored na bored tch. as usual, ano nga bang bago sa awrang yan huh?
"Well, since bukas ay bisperas na nang pasko naisip ko na magchristmas shopping tayong apat ngayon!"
Bigla akong napaharap kay jamie nang wala sa oras like seriously ganto kaaga christmas shopping?!
"Well, kung tinatanong mo lori kung bakit ganto kaaga ay didiretso muna tayo sa Gail's Café, pag mamay-ari iyon nang kaibigan ko at niyayaya nya ako na subukan ang mga kape nila kaya sabi ko isasama ko na rin kayo! Great idea right?"
Palihim akong napa-roll eyes. Nagtataka kase ako kung pano nya napapayag si loki nang ganto kadali—wait! Hmmm..if my deduction is right mukhang alam ko na kung paano.
Ngumisi ako nang bahagya kay jamie.
Kaya pala ang bait mo sa akin huh!
"Ano payag ka na?"
Umiling ako at nagkunwaring malungkot.
"Uh..sorry jamie pero may pupuntahan kase ako today eh"
Biglang lumungkot ang mukha nya at napatingin sa gawi nila loki.
"Sige na please lori! I-cancel mo muna yang appointment mo! Ililibre kita ng kahit ano promise!"
Halos lumuhod na sa harap ko si jamie sa pagmamakaawa samantalang ako naman ay kanina pa nagpipigil ng ngiti.
"Pasensya na jamie kayo na lang ni al at loki"
"Bakit ayaw mo ba kaming kasama?"
"Hindi naman sa ganun jami—"
Napatigil ako sa pagsasalita nang biglang sumingit sa usapan si loki.
"Dont forced her to come jamie, ang usapan ay usapan if she dont want to come then i will do the same"
Gotcha jamie! My deduction's right! masulat nga mamaya sa blog ito.
"Argh!"
Napa-face palm si jamie sa sobrang inis samantalang ako naman ay gusto nang ilabas ang tawa dahil sa mga nangyayari
![](https://img.wattpad.com/cover/90646617-288-k885956.jpg)
BINABASA MO ANG
Project LOKI: Fanfics
Mystery / ThrillerA collection of fan fiction stories written by readers of the Project LOKI series.