P. 6 Munting Pangarap

1.4K 20 1
                                    

MUNTING PANGARAP
By: Brewed Writer

Dati ako'y Isang bata,
Nabighani sa aking kapwa.
Isipan ko'y sa iba nakalathala,
Pero tiyak ko na kayo'y mamamangha.

Habang ako'y lumalaki maraming tanong saking isipan,
Pero ni isa'y walang kasagutan.
Tanong ng bayan,
Gusto kung malaman.

Ako'y nag-aaral sa isang pribadong paaralan,
Para mahasa ang aking kaalaman.
Upang makatulong sa mga nangangailangn,
Tulad ng mga bata sa lansangan.

Aanhin ang mga mayayaman,
Kung may mahihirap na gustong mabiyayaan.
Halina't ako'y inyong tulungan,
Bigyan sila ng magandang kinabukasan.

Hindi mahalaga ang sinasabi ng iba,
Wag mong sayangin ang oras na meron ka.
Bigyan halaga ang biyaya niya,
Basta't sa atin ay magpapasaya.

----------------------------------------------------------------------------------------------

Vote; Comment
Thank you 😊

Different PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon