KOMPLIKADO
By: jnlAkala mo may KAYO,
Maraming tanong ang gumugulo,
Mahal mo sya, mahal ka ba?
Sige asa pa, puso mo'y kumusta na?Buong atensyon ang binibigay mo,
Lahat ng pagpapapansin ay ginagawa mo,
Ang haba ng reply mo, pero ang dry ng convo nyo,
Wala kasing KAYO, friendly lang sayo!Lahat ng message mo may emoji at puso,
Yung sa kanya, puro 'hindi' lang at 'oo',
Naks! Para lang kayong naglalaro ng Pinoy Henyo,
Sanay kana diba? Hindi nayan bago!Bakit kaba nagpupuyat?
Hayan kana naman na pasulyap-sulyap,
Nagchat ka kase 'active now',
Tapos naseen ka, kawawa naman IKAW.Hindi ka ba napapagod?
Para kang nasa giyera na sugod ng sugod,
Nakikipaglaban kahit wala namang pinaglalaban,
Sige lang ng sige kahit na nasasaktan."Babe" ang tawag mo sa kanya,
Pero "bes" ka lang pala,
Ang itinuturing mong "hon",
Tinatawag kalang na "fan"!Hangang kailan ka mangangarap?
Malakas ka? kaya ba never give up?
Huwag mo naman kalimutan na magpahinga,
Ngumiti ka at matutong maging masaya!-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Vote; Comment
Thank you 😘
