Tanga
By: Namelessgurl & Brewed WriterIsa karin bang tanga gaya ko?
Umaasa sa mga pangakong napako
Na pilit ikinukubli ang sakit sa dibdib mo
Umaasang sana di nalang nangyari toTanga..
T-ila isang melodrama ang relasyon nating dalawa
A-ng sakit na pero lumalaban pa
N-a sa bawat patak ng oras umaasa na ikaw nalang ang kasama
G-aya ng bulaklak na habang tumatagal ay nalalanta
A-asang magbabago ang ihip ng hangin at ako'y mahal mo naTanga bang maituturing kung naniniwala't umaasa parin ako?
Sa bawat letra ng mga salitang binitiwan mo
Sa iyong mga pangako nung ako pa ang kapiling mo
At sa mga ala-alang ibinigay at ipinaranas moTanga nga ba ako o sadyang martyr lang?
Na kahit nasa harap ko na ang katotohanan
Pilit parin pinipikit ang mga mata't umaasang ito'y ilusyon lamang
Umaasa na darating ang panahong ika'y babalik sa'kin at ako'y iyong mamahalin._______________________________
Vote; Comment :)
Thank you!!!