Untitled
By: hzlnnlgndMinsan, napakasaya palang balikan,
Ang mga alaala ng nakaraan,
Ang mga masasayang araw na nagdaan,
Ang mga panahong nagkukulitan.
-
Marami na tayong memorya sa isa't isa,
Tuwa ang nadarama t'wing kasama ka,
Noon nga'y walang mapaglagyan ang saya,
Umaapaw kasi ang tuwang aking nadarama.
-
Napakamasiyahing tao ko pala noon?
Bakit parang hindi na masyado ngayon?
Dahil ba sa pagbabago ng panahon?
O dahil sa paglipas ng mga taon?
-
Noon, luha ko'y iyong pinapawi,
Ngunit bakit ngayon, ikaw na ang sanhi?
Sa dami ng tao, bakit ikaw pa ang napili,
Yan tuloy, gabi-gabi na lang akong humihikbi,
-
May pag-asa bang maulit pa ang dati?
O dapat sanayin ko na ang aking sarili?
Na ika'y wala na sa aking tabi,
Na wala nang magbibigay ngiti saaking labi,
-
Ngunit hanggang ngayon ako'y umaasa pa rin,
Na ikaw ay babalik saakin.
Ngunit ngayon sarili ko'y akin munang aaliwin,
Para makalimutan ang sakit sa aking damdamin.
-
Lumipas man ang panahon, ay wag kang mag alala,
Dahil paniguradong may babalikan ka,
Ayos lang saakin kahit ako'y masaktan pa,
Ang mahalaga saakin, ikaw ay masaya.—————————————————
Vote; Comment
Thank you 😘
