Bakit Pa Ang Isang Tulad Ko
By: Ella_23Ako'y masaya sa piling mo sinta
Wala nang mas sasaya kapag ika'y aking kasama
Bawat oras,araw,minuto na andyan ka
Wala na yata akong hihilingin paNgunit sabi nga nila sa sayang dulot
May kapalit na kirot
Parang bagyong hahagupit
Sa sakit ika'y mamimilipitBulong-bulungan aking narinig
Pagtingin mo sakin biglang lumamig
Pagmamahalan natin ay nanlamig
Mga sabi-sabi tenga ko'y nagpintigAko'y iniwan mo dahil sa iba
Biglang lumisan na lang bigla
Walang paalam sa iyong nobya
Ako'y natulala sa iyong inastaMga sabi -sabi aking pinansin
Kesyo di mo daw ako mahal yan ang sabi sakin
Sa aking narinig puso ko'y sumakit
Sa katotohanang ako'y iyong ipinagpalitBakit ang isang tulad ko ay yong iniwan
Wala akong kaalam-alam sa iyong tinuran
Nais kung malaman ang iyong dahilan
Kung bakit sinaktan mo ko ng lubusan
Masakit isipin
Na ikaw lang din ang mananakit sakin
Di ko akalain magagawa mo to sa akin
Nagkamali ba ako ng ika'y mahalin ?Hiling ko lang sana na ika'y sumaya
Sa piling ng bago mong kasama
Nais ko sanang mangako ka
Na mamahalin mo syang sobra.-------------------------------------------------
Vote; Comment 😊