Ala-ala
By: Namelessgurl
Sa mundong ating ginagalawan
Mga nangyayari'y di natin mamalayan
Oras at pahano'y tumatakbo na parang nakikipag-unahan
Sa buhay na ating pinahahalagahan
Sa bawat yapak ng ating mga paa
Iba't ibang ala-ala sating buha'y nailathala
Nabuo ang pinaghalong lungkot at saya
Na sati'y nagdala ng kakaibang ligaya
Ligayang nakikita sa bawat guhit ng ating mukha
Mataas, mababa o matang lumuluha
Mga ala-ala, dulot ay ngiti sa aking mga labi
Napakasarap balikan ng bawat sandali
Kay bilis nga naman ng paglipas ng taon,
Oras at panahon sumabay sa alon
Mga pangyayaring kay sarap balikan
Pagsasama kailanma'y hindi mawawakasan
Hindi kita makakalimutan aking kaibigan
—————————————————
Vote; Comment 😘
