Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

P. 21 Pag-Ibig na walang hanggan ay may katotohanan

842 9 0
                                        

"Pag-Ibig na walang hanggan ay may katotohanan"
By: Namelessgurl & Brewed Writer

Sabi nila pag ika'y nagmahal kaakibat ay masaktan
Nagsimula sa asaran hanggang sa nagkadebelopan
Yung dating ngiting pang-asar, ngayon ay ngiting nagmamahalan
Naglalakad tayo sa buhanginan
Magkahawak kamay na tila'y nagkakasiyahan
Bakasyong ika'y kasama ay hinding hindi malilimutan

Dumaan ang araw, linggo, buwan at taon na tayo'y magkasama
Nagkakaproblema man, pinipilit parin magkaisa
Masolusyonan lang ito at para di umabot sa salitang "ayoko na"
Dalawang salita na kung magdanas ng sakit ay sobra sobra
Pinangakong hindi susuko at magpapakatatag tayong dalawa
Nang mapanatili ang relasyong iningatan ng isa't isa

Oo nagpakatatag tayo at nadagdagan na naman ang taon na tayo'y magkasama
Walang mintis dahil sa di malamang dahilan ako'y napapangiti mo ng sobra
yakap at halik mo tila ako'y madadala
pintig ng puso ko'y tila nag iba
parang isang kotse na kung tumakbo ay nakikipagkarera

Habang lumilipas ang minuto, oras at araw na hindi tayo magkasama,
Pakiramdam ko, napakatagal na panahon tayong hindi nagkita
Siguro ganon nga talaga kapag mahal niyo ang isa't isa
Na kahit isang araw lang tayo nagkalayo,
parang napakatagal nun at na miss kita ng sobra.

Madalang ko man sabihin ang katagang "mahal kita"
Yun ay dahil ang pagmamahal ko sayo ay hindi nakabase sa pagsabi ng mahal kita
Nakabase ito sa pagpaparamdam sayo na mahal kita,
Tahakin ko man ang mahabang kalsada
Abutin man ako ng bagong umaga
Humarap man ako sa maraming problema
Lahat ng 'yon ay kakayanin at lalagpasan para sating dalawa
Maparamdam lang sayo na mahal kita, Kahit na ito na ang huli kong hininga.

Kaya't mahal kung nasaktan man kita
Ako'y patawarin mo sana
Dahil masakit din sakin na nasasaktan ka
Kaya't sana ako'y iyong pakinggan
Pagibig ko'y muling pagbigyan
At sabay nating papatunayan 
Pagibig na walang hanggan ay may katotohanan.

-------------------------------------------------
Vote, Comment 😊😊

Different PoemsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon