Liwanag
By: Brewed Writer
Sa mundong siyang ating ginagalawan
Kung saan tayo lang ang nakakaalam
Para kang angel na bumaba sa langit
At ang puso ko'y patuloy sa pag-awit
Di ko lubos malama't maintindihan
Kung ano nga ba iyong naging dahilan
Sa mga ngiti na taglay ng pagmamahal
Na nakaguhit sa mukha mong kay tagal
Ako'y kombinasyon ng ulan at araw
Bahagharing makukulay parang ikaw
O' diyos ko'y wag mo sanang pagalitan
Likha mo'y aming kinahuhumalingan
Lumipas na ang mga oras at panahon
Pagmamahal mo'y ngayun naging maalon
Dahila'y sangkayauhan ang may alam
Ngiti mo'y patuloy ng namamaalam
Akala ko'y matalino ka't matapang
Sa pagmamahalang di mabilang-bilang
Kuwento nati'y nagbago na ng tingin
Na ngayu'y tinangay na lamang ng hangin.
————————————————————
Vote; Comment :)
