OMTF 3

31 1 0
                                    

OMTF 3

Dee's POV

Nakangisi?

"Manong, siya! Siya yung sinasabi kong lalaki!" sabi ko. Wala akong pakialam kung nakangisi man ang gwapong lalaking nasa--- teka, si Kuya Manyak? Gwapo?

Nabigla ako ng biglang napatawa si Manong Jimmy at Kuya Manyak sa akin. Huh?

"Ah-- Hahahaha! M-ma'am,  hindi niyo ba po nabasa yung text ko sa inyo?" sabi ni Manong Jimmy habang nagpupunas ng luha. Yung totoo? Nagpapatawa ba ako manong?

"Tss, manong, magtatanong ba ako kung alam ko? At sa tingin mo, ganong ako kawalang utak para magreact sa gantong lagay?" tinaasan ko pa ng kilay si Manong Jimmy. Aba'y! May natutulong din pala sa akin si Britt eh!

"Sabi ko nga Ma'am. Ganto kasi yun, sabi ng Mama niyo isabay daw natin si Sir Nathan. May pupuntahan pa daw kayo. Family dinner  kasama yung Mama ni Sir, okay na ba Ma'am" tumango naman ako sa sagot ni Manong Jimmy. Kinuha ko na lang ang bag ko sa loob at dinala yun.

"So, Manong, tabi tayo neh?" sabi ko ng nakangiti at binuksan yung pintuan ng katabing upuan ng driver's seat. Pero hinarang ako ni Manong Jimmy.

"Ma'am, bilin din ng Mama niyo na tumabi daw kayo kay Sir" sabi ni Manong. Tumaas naman agad ang kilay ko.

"Pero---" pinutol ni Manong ang sasabihin ko dahil tinalikuran ako?! Pumasok na siya sa kotse samantalang ako, nakatayo lang dito sa labas. Nakataas parin ang kilay ko.

"Manong, magbibiyahe na lang po ako. Pakisabi na lang po kay Mama" sabi ko at nagsimula ng maglakad papalayo. Umupo na lang muna ako sa bench malapit sa gate ng school namin at inilapag ang bag ko. 

. . .

Siguro mga 20 minutes na ang nakakalipas, wala pa ring sasakyan ang dumadaan. At hindi pa rin umaalis yung kotse namin. Biglang bumaba si Kuya Manyak kaya tumayo na ako at nagsimulang maglakad papasok ulit sa school. Wala pang ganong tao kasi hindi pa lumalabas ang mga Grade 7, 8 at 9. Maaga lang talaga kaming palabasin.

Pumunta muna ako sa caf at pumunta muna sa ref. Kumuha ako ng mineral at nagbayad  na sa counter. Umupo muna ako sa isang table at nagmuni muni. Naramdaman ko namang nagvibrate ang phone ko kaya tinignan ko.

From: 090******** (unknown number)

Asan ka??

Huh? Sino ito? Hindi ko na lang pinansin ang text at bumili na lang ulit ng burger. Grabe, ginutom ako dun sa garden kanina. Teka, bakit nga ba ang daming dayami dun? 

"Ah, Ate, bakit ang daming dayami sa garden?" tanong ko kay Ateng Counter Girl. Close kaya kami nito.

"Ah, yun ba beh? Kasi malapit na yung Binibini't Ginoong Kalikasan. Props ata nung isang Grade 12 na contestant" sagot ni Ateng Counter Girl habang kinukuha ang sukli ko. "Salamat beh, come again"

Lumabas na ako ng cafe dahil uwian na palang ng mga lower year. Kaya umupo ulit ako sa bench at naghintay ng dadating na taxi. Tumingin tingin ako sa paligid. Wala na pala ang kotse namin?

Kaya ang ginawa ko na lang, habang naghihintay, kinakalikot ko ang phone ko. Oo nga noh? May text nga si Manong. Pati rin si Mama. Pero bago ko man mabasa, teka...

"Sino ka?" tanong ko sa nagtakip sa mata ko. Naramdaman ko namang parang lumulutang ako. Ay? May powers pala ako. Humagikgik naman ako.

*POK*

"Aray!" sinapok daw ako? Ansakit ah! Eh ano? Teka, ano ba itong ginagawa sa akin? Buhat ako? Check. May nakatakip sa mata ko? Check. Naramdaman kong parang nilapag ako sa isang upuan.

KIDNAP NA ITONG GINAGAWA SA AKIN AH!

Kaya ang ginawa ko, nagwala ako. Noong natanggal ang nakatakip sa aking mata, kinagat ko agad ang kamay na nakatakip sa akin kanina.

"Aray!" teka, pamilyar sa akin ang boses na iyon ah? Nilingon ko at tama! Si Kuya Manyak! At nasa kotse kami?

"Sir! Ma'am! Okay lang kayo?" napatingin ako sa nagtatanong si Kuya Jimmy? 

OPERATION: Make Them FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon