OMTF 6: Dee's Advantage
Dee's POV
Mga Apo,
Gusto kong gawin niyo ang sumusunod para sa akin. Para makapaghiganti ako.
1. Kilalanin niyo ang mga nasa bio data
2. Pukawin niyo ang puso nila
3. Magpanggap na mahalin sila
4. Paasahin sila
5. Saktan sila/ Gawing sawi ang puso nila
Dapat niyong gawin ang mga nakalista sa taas, kapalit ng magarang buhay na natatamasa niyo ngayon. Icu-cut ko ang mga credit card niyo. Yung family money na natatanggap niyo [Hindi kasama ang sa mga kapatid at magulang] ay pansamantalang matitigil sa inyong pagtanggap. Kapag hindi niyo nagawa ito, hindi kayo mamumuhay sa matiwasay na paraan. Mamamatay kayong naghihirap
Hindi na kami nagulat sa laman ng sulat. Nagulat lang kami kasi mga kilala namin ang mga nakalista
"OMO" sabi ni Ai
"Bakit sila pa? Bakit siya pa?" sabi ni Cat
"H-hindi... Hindi ko magagawa" sabi ni Ell
"I know him, shit!" sabi ko.
"Hahaha, this will be fun" napatingin kami kay Britt. Nakatingin lang siya sa picture na hawak niya. At unti unting nilulukot ito. Kung tutuusin, nakakatako siya ngayon. Binato niya ang picture at tumayo na at lumabas sa cafebar. Kinuha ko naman ang picture at nakita kung sino
"Patay" sabi ko noong nakita ko ang picture. Si Kuya Quiel, ex crush ni Bea. Dati naman kasing hindi cold si Britt eh, kung hindi lang sana---
"Fuck!" napatayo kami agad. Si Britt yun. Pumunta kami kung nasan siya, nasa parking lot at naabutan naming meron ng nanghihila sa kotse niya
"Stop! What the hell do you think your doing?" sigaw niya habang lumalapit sa nanghihila sa kotse niya. Napatigil naman ang nanghihila at parang nawalan ng kulay ang mukha. Takot siya kay Britt? Sabagay, katakot takot naman siya, kapag kilala mo talaga siya, isang brutal na member ng Mafia? Hindi ka ba matatakot?
"A-ahh, utos l-lang po sa amin Ma'am" sabi nung lalaki. May kinuha si Britt sa bulsa niya at binato sa nanghihila.
"Take that money, just don't show your face to me again" sabay pinuntahan ang kotse niya. May nagtanggal naman ng kadenang nakakabit doon. Sumakay na siya at pinaandar. Tumingin siya sa amin.
"Tss, will you just stand there and let me drive over you or will you just hop in and we'll leave?" sabi niya. Sabi nga namin, sasakay na kami. Pagkasakay pa lang namin, pinaharurot na niya ang kotse. Nga pala, lahat kami may student's driver license na at si Britt lang ang may dalang kotse kaya siya ang nagdrive ng Lambhorgini niya.
"Can you do it?" sabi niya bigla. Napatingin kami kay Britt. Nakatingin lang siya sa daan.
"Ewan" sagot ni Ai
"Baka" sagot ko
"Siguro" sagot ni Cat
"Bahala na" sagot naman ni Ell
Binilisan lang niya ang pagpapaandar sa kotse at hinatid na kami sa bahay. Naabutan ko doon ang target ko, si Nathan.
"Bakit ngayon ka lang?" salubong niya sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay
"At kelan pa kita naging kuya?" tanong ko ng nakataas pa rin ang kilay.
"Ouch naman, nag aalala lang naman" sabi niya sabay ngiti. Inirapan ko na lang siya at tumuloy na sa bahay.
Lolo, kung ano mang iniisip mo, magagawa ko naman eh, basta't para sa iyo. Ayokong mawalan ng yaman, ang hirap kayang mabuhay ng normal. Pumasok na ako sa bahay namin at nagulat ako.
"Bakit nandito ang mga gamit ko?" tanong ko sa isa sa mga maid namin. Paano ba naman kasi, meron sigurong 2 maleta at 2 box dito sa baba. Yung 1 box at 1 maleta nakabukas pa at kita ko, mga gamit ko!
"Ahh, tanong niyo na lang po sa Mama niyo" sabi ng isang maid namin at pumunta na sa kusina. Lumabas ako at pumunta sa patio namin. Nandon si Mama at yung babae kanina sa restobar, si Tita Thalia, ay mali, Thalia lang pala.
"Ma! Bakit nakalabas yung gamit ko?" tanong ko sa kanya.
"Kasi, you will live with Nathan from now on" sabi ni Mama na parang wala lang kung ipamigay ako--- t-teka? I will live with Kuya Manyak?
"Ma! Baki---" naputol ang sasabihin ko ng may sumingit na manyak
"Ah tita, ipapasok ko na po ba sa kotse ko yung mga gamit niya?" nakangiti niyang sabi
"Ah oo, isabay mo na rin siya. Salamat ah Nathan, umalis kasi si Manong Jimmy eh" hindi man ako pinansin ni Mama? Grabe yun! Nanay ko ba talaga ito?
Wala na akong nagawa at umakyat muna sa kwarto ko at laking gulat ko, anlinis ng kwarto ko! Nawala kasi mga gamit ko. Ang natira na lang doon ay ang desktop computer, kama, cabinet, table, sofa, plasma tv, mini fridge, at yung isang upuan. As in, ang linis ng kwarto ko. Eh paano magkakasya sa 2 maleta at 2 box lang yung mga gamit ko?
Dali dali naman akong bumaba at sinugod si Nathan.
"Hoy! Nathan Manyak---" aba'y pinutol na naman ako?
"Anong Nathan Manyak? Mas matanda pa rin ako sa iyo kaya respeto naman" sabi niya at tinuloy ang paglalagay ng mga gamit ko sa kotse. Infairness ang gara ng kotse niya. Hmm, pwede na ito.
"Fine fine, whatever, so, KUYA Nathan, asan yung iba kong gamit?" tanong ko.
"Ah, nasa condo ko na, nakaayos na yun, bale ang mga nasa 1 maleta ay ang mga gadget mo. Ang dami mo palang gadget, isang maleta" naku! Kung marami akong gadget, what more kung si Britt na?
Sumakay na ako sa passenger's seat sa tabi ng drivers seat at hindi na lang umimik. Naisip ko kasi, tutal, sa kanya nakalaan ang mission ko, I'll just consider this as an advantage, pwede ko siyang maakit--- teka. Akit agad? Di ba pwede kilalanin muna? Ang weird ko ngayon, swear.