OMTF 5
Dee's POV
Pagtungtong ko palang sa room ng ospital, nabigla na ako. Kasi kumpleto kaming magpipinsan. Mamaya ko na sila papakilala. Lahat sila, nakaupo sa sala ng pinaka kwarto ni Lolo.
"Couz" tawag sa akin ni Ai [Ailene Fatima Wilson]. Lumapit naman ako.
"Oh, Ai, kamusta?" tanong ko. Tinaasan naman niya ako ng kilay. Nginitian na rin naman niya ako. Ganyan lang talaga yan, wag kayong magugugulat kung kasing taas na ng Mt. Everest kilay niyan, automatic na yun eh.
"Eto, maganda pa rin" sabi niya. Tumango na lang ako. Wala ako sa mood para makipagtarayan sa malditang yan. Tahimik lang kaming naghihintay hanggang sa biglang bumukas ang pinto at pumasok ang personal nurse ni Lolo.
"Umm, pinapatawag po kayo ng Lolo niyo" sabi niya sabay bow. Pumunta pa siya sa pinakagitnang room ng mga kwarto dito at binuksan yung pintuan. Doon namin nakita si Lolo, na nakahiga sa King Size Bed niya. May nakadikit sa kanyang something na hindi ko alam ang tawag (dextrose) at may parang mask siya (oxygen mask).
"Uhh, sir, nandito na po ang mga apo niyo" bigla namang napadilat si Lolo. Dahan dahan niyang tinanggal ang oxygen mask, na tila ba nanghihina. Tinitigan niya kami mula ulo hanggang paa, tapos tumingin sa personal nurse niya.
Tinanguan niya ito at yumuko muna ang nurse at lumabas muna sa room ni Lolo. Bumalik din siya agad at may inabot sa aming mga folder.
"Lolo, ano na naman ito? Mga pang mafia works?" napanganga ako. Si Britt na minsan lang magsalita, nagsalita? Woah! Pero sabagay kung mafia work nga itong gagawin namin, aba'y! Hihingin pa ni Britt ang mga nakaassign na mission sa amin at siya mismo ang gagawa. Brutal kasi tong babaeng ito eh.
"Hindi" ngumiti ang hukluban at biglang nahimatay? Papalapit na sana kami ng harangin kami ng nurse niya.
"Bawal pong lumapit. Ang bilin po niya ay basahin niyo na lang daw po ang mga nandyan sa folder na yan, at yan na lang daw po ang dying wish niya" mahinahong sabi ng nurse ni Lolo.
"Huh? Dying wish? Don't tell me----" napatakip sa bibig si Ai.
"Uh? Ah! H-hindi pa naman po siya mamamatay, incase lang daw po. B-basta, nandyan na daw po ang lahat ng gusto niya sabihin sa inyo. Ayun lang po kasi ang binilin niya. Makakaalis na po kayo" sabay bukas niya ng pinto. Yun na lang yun?
====================
Nandito kami ngayon sa isang cafebar, kapapagawa lang ito sa private resort nila Britt. Well, confidential na siya kaya kaming magpipinsan lang ang may alam na may resort pala sila Britt dito sa Subic. Miski nga mga magulang niya hindi alam eh.
Sinabi na ba ni author na si Britt ang pinakamayaman sa amin? Basta, meron silang Entertainment chuchu, Clothing Line, at mga private resorts. Siguro nakalimutan na ni Author noh? Meron rin silang bar. Kung tutuusin nga eh, kaya niyang bilin ang mga business namin, gamit lang ang perang nakalaan para sa kanya sa isa sa mga bank accounts niya eh. Isa lang yun, what more kung buong family money nila?
"Ano kaya ito?" tanong ni Ai [Ailene Fatima Wilson], ang bunso namin. Ang pinakamataray pero pikon sa amin.
"Tignan mo, wag puro bibig. Tss" sagot ni Britt [Britanny Gianna Davidson], ang pinakarich, pinakacold, at pinakatahimik sa amin.
"Oo na. Tara buksan na natin, I can't wait!" energetic na sabi ni Cat [Catherine Hilary Stinson], ang pinakamakulit at ang neutral sa amin.
"Oo nga, Ate Dee, buksan na natin" sabi ng anghel sa aming 5. Siya si Ell, ang anghel, at pinakasanto sa aming 5.
"Wag mo nga akong ate-atehin! 1 month lang tanda ko sa yo" syempre ako yan, ang pinakamatanda sa grupo
Binuksan na namin ang mga folder at nanlaki ang mata namin sa laman nito.
SERYOSO?!?