OMTF 7: Ell The Good Girl

32 1 0
                                    

OMTF 7: Ell The Good Girl

Ell's POV

Nakatunganga lang ako sa kwarto ko ng biglang may narinig akong sigawan.

"I hate you! I hate you! I hate you!" sigaw ng isang babae. Nag- aaway na naman sila Mama? 

Biglang pumasok sa isip ko yung bilin ni Kuya bago umalis para sa studies niya sa US

^^^^^^^^^^^^^^^^^^^

"Princess, remember, kapag nag- aaway sila Mama, remember to put these on okay?" sabay labas ni Kuya ng earphones niya.

"P-pero, favorite mo ito Wuya [Kuya]" sabi ko. Nginitiam lang ako ni Kuya sabay gulo ng buhok niya.

"Meron pa naman ako eh, princess" natigilan si Kuya ng biglang bumusina ang driver namin.

"Si Manong talaga oh, basta tandaan mo Princess, yung earphones, isaksak mo lang sa phone mo at makinig ka na lang sa music. I- full volume mo neh? Sige na, bye! Wuya's gotta go!" tapos kinuha na ni Kuya backpack niya at nagsimula ng maglakad. Papasok na siya sa kotse pero lumingon muna siya sa akin at kinawayan ako. Nginitian rin niya ako at dahil sa ngiti niya, I felt safe.

^^^^^^^^^^^^^^^^^^^

Kaya kinuha ko ang earphones ni Kuya at nakinig na lang sa music. Naka- shuffle ang music at saktong Safe and Sound by Taylor Swift. Kapag naririnig ko ang kantang ito, si Kuya agad ang pumapasok sa utak ko.

Kaya yung ginawa ko, kinuha ko na lang ang wallet ko at lumabas na sa kwarto ko. May pupuntahan lang ako. Isang importanteng tao sa buhay ko. Dahan dahan akong bumaba ng hagdan at hangga't maaari, walang sound. Tumakas ako at pumara ng taxi. 

"Manong, sa ****** Medical Center nga po" sabi ko. Nakinig ulit ako sa music at pinlay ulit ang kanina kong pinapakinggan.

===================

Nasa ospital na ako at tumuloy na ako sa elevator. Pinindot ko ang floor at patuloy pa rin ang pag- play ng music na iyon. Kasi ni-repeat ko. Hindi naman katagalan at nag stop rin sa floor ***. Hindi naman mahirap hanapin ang room na iyon dahil may dalawang malalaking lalaking bodyguard ang nagbabantay doon. Noong nakita nila ako, nagkatinginan muna sila at binuksan ang pinto. Maraming pintuan ang nandoon sa loob pero hindi naman mahirap hanapina ng tamang pinto, kulay Peach, favorite niya.

May dala dala akong Tulip, dumaan kasi ako sa Flowershop sa tabi ng ospital lang, ang favorite niya. Lumapit na ako sa table sa gilid ng kama niya at tinanggal ang lantang bulaklak at pinalit ang Tulip. Lumapit na ako sa kanya at umupo sa tabing upuan ng kamay. Hinawakan ko ang kamay niya at kinausap siya.

"Ang daya mo naman, Ate. Bakit hanggang ngayon tulog ka pa rin? Di ba sabi mo, ikaw yung magbabawal sa pag aaway nila Mama? Pero bakit ganon? Hindi man kita nakitang ginawa yun? Alam mo ba, Ate, nag- aaway na naman sila?" tanong ko sa kausap ko. Pero tulad ng dati, wala pa rin akong natatanggap na sagot.

"Ate, gumising ka na please? Nakakasawa na kasi yung war sa bahay eh" sabi ko ulit. Tinitigan ko muna siya at bumuntong hininga. Gaano katagal ka na nga pala dito Ate? 2? 3 taon? Hay, binitiwan ko na ang kamay niya at tumayo na. Inayos ko muna ang kumot niya at lumabas na. 

Habang nakatungo ako habang naglalakad sa ospital, may nakabunggo ako. At dahil siguro sa lakas ng impact, napaupo ako. Tinitigan lang ako ng lalaki at nagpatuloy na sa paglalakad. Tumungo na lang ako at ngumiti. Sabi kasi ni Ate, dapat daw Good Girl.

Kaya tumayo na ako at lumabas na sa ospital. Pumara ulit ako ng taxi at umuwi na. Doon ko naabutan ang papaalis na kotse ni Papa. Siguro magpapalamig lang ng ulo yun. Sana bumalik pa siya, sana hindi siya magaya kay Ate, na sabi niya, aalis lang daw siya sandali at babalik daw siya bago ko man masabi ang word na 'Saan ka na?'

"Saan ka na?" mahina kong bigkas noong nakababa ako ng taxi. Pero bakit ganon? Hindi pa bumabalik si Ate? Nga pala, nasa ospital siya at nasa state of comma. Ate, kelan ka ba gigising? Miss na kita, kayo ni Kuya, miss ko na kayo, sobra.

=======================

Iver's POV

Tss, stupid girl. Banggain daw ba ako? Hay, nako. Pero tinalikuran ko lang siya. Noong lilingunin ko siya, wala na? Pero napatingin ako sa sahig kung saan siya nahulog, earphones?

Stupid na nga, burara pa? Babae ba talaga yun?

Pinulot ko na lang at nakita ang nakasulat na pangalan.

Ell <3

OPERATION: Make Them FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon