OMTF 2
Dee's POV (Point Of View) [Divine Irina Stevenson)
Hay salamat at recess na. Kasama ko ngayon sa caf (cafeteria) si Britt [Britanny Gianna Davidson].
"Britt, naalog ba yung utak mo sa tinuro ni Ma'am Ramos kanina?" tanong ko. Aba'y ang babae ay tinitigan lang ko.
"Tss" sagot niya sabay iwas ulit ng tingin. Hay, yung totoo, bakit ang cold ng babaitang ito? Simula kasi ng---
O______________O
Napatigil ako. S-sino itong lalaking nasa harapan ko? B-bakit magkadikit ang lips namin? Hinanap ko kung nasa si Britt, at yung babaita, hitak hitak ng isang babae?
1 sec
.
.
4 sec
.
.
.
.
.
10 sec
B-bakit ayaw pang humiwalay ng lalaking ito? A-at ako? Nakahawak kasi yung lalaki sa magkabilang balikat ko! At nakapikit pa siya! Feel na feel lang ang peg?
. . .
After, siguro mga 2 minutes pa, humiwalay lang yung lalaki at
.
.
.
Tumakbo!!
"HOY!!!!!!" sigaw ko. Aba't! Lalo pang binilisan ang takbo! Tumingin tingin ako sa paligid. Wala namang nakakita sa amin eh. Medyo nasa gilid kasi ng school itong caf namin eh! Sino ba kasi yung lalaking iyon?!
Kaya naglakad na lang ako. At habang naglalakad ako....
Ngayon lang nagprocess sa utak ko na...
FIRST KISS KO PALA YUN!!!!!
=====================
Nathan's POV [Nathaniel Seuk Jung]
Nandito kami ni Cheska sa labas ng caf at hinihintay si uhhh..... Mamaya niyo na nga lang alamin! Mababasa niyo rin naman eh.
Kasalukuyang nag-uusap kami about sa gagawin namin mamaya kapag lumabas ng si---
"Uy! Kuya Nathan, ayan na oh!" bulong sa akin ni Cheska.
"Cheska, yung plano ah? Wag mong kakalimutan ah?" bulong ko sa kanya pabalik. Tumango naman siya. Siya si Cheska, kapatid ni Maxx [Maxximus Richard Park]
As expected, may kasama siya. Sinenyasan ko naman si Cheska na hitakin na yung kaibigan niya, Britanny yata yung pangalan, yung gusto ng kaibigan ko.
Kunyaring lilingon na ako at sakto!
Pinikit ko na lang ang moment, nanamnamin ko itong first kiss ko--- lang ya! Mukha na akong bading, promise! Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at pinikit ang mata ko. Alam naman ni Lord kung gaano ko ito katagal pinangarap!
. . .
Matapos ng ilang minuto, tumakbo na ako. Hahahaha, yung mukha niya, ang laki ng mata niya! Habang tumatakbo ako, napahawak ako sa lips ko--- hay! Nababading na nga ata ako, pero---- hay! Namamanyak na naman ako. Basta, pumunta na ako sa room namin at umupo sa upuan ko. Kinalabit naman ako ng kaibigan ko.
"Ano pare? Success?" tanong ni Maxx. Sinamaan ko na lang siya ng tingin, nang aasar pa ang loko eh! Dumukmo na lang ako. Kailangan ko itong sarilihin. Hahahahaah, bawal ishare!
====================
Bea's POV [*insert Author'd name here*]
Parang zombie kung makapaglakad si Dee. Parang zombie, pero imbes na parang moan lang ang gagawin niya, "Ang first kiss ko" lang ang sinasabi niya.
Pagkarating niya sa room, wala pa naman ang teacher niya kaya nakaupo siya agad. Napatingin sa kanya si Britt. Tinitigan lang niya ang kaibigan at umiwas agad ng tingin at kinalikot ang IPad Air niya.
===___________===
____________________
Mabilis lumipas ang araw. Uwian na agad nila! sana ganto na lang din kabilis sa totoong buhay *sigh*. Anyway, labasan na ng mga junior year/ Grade 10 at kasabay nito ang labasan din ng senior year/Grade 12.
Habang naglalakad sa corridor si Dee, nakita niya si...
====================
Dee's POV
WAAAAAHH! Si Kuya Manyak! Saan ba pwedeng dumaan sa panahon ngayon?
Isip
.
Isip
.
Isip
AAAHH! Ting!
Dumaan ako sa garden. Hahahaha, may hidden gate kasi dito. Dito dumadaan ang mga nagcu-cutting eh. Habang naglalakad ako sa garden
SSSSHHHEEEEMMMMMZZZZZZZZ!
Ang kati kati! Bakit kasi ang daming dayami ngayon dito sa garden?
Kaya tumakbo na lang ako papalabas. Tumakbo lang ako ng tumakbo kahit pinagtitinginan na ako kasi sobrang pula ng legs ko. Hinanap ko muna si Manong Driver at hindi naman siya sa kalayuan nagpark kaya mabilis lang akong nakapunta. Pumasok ako agad at hinanap yung alcohol sa bag ko.
Habang naghahanap ako ng alcohol, nakarinig ako ng pagbukas ng pintuan. Siguro si Manong Driver lang yun. Si Mang Jimmy.
"Mang Jimmy, alis na po tayo. Teka, manong, meron ba po kayong alcohol diyan?" tanong ko ng hindi manlang tumitingin kay Manong Jimmy. Inabutan niya ako ng alcohol at napansin ko lang, bakit parang hindi na kulubot yung balat niya? At mas pumuti yata ang kamay niya? Hay basta! Kinuha ko ng lang ang alcohol at napatingin sa kanya para magpasalamat.
"Salamat Man---" napatigil ako at biglang lumabas sa sasakyan. Nakita ko naman si Manong Jimmy na nakikipagkwentuhan sa ibang driver ng mga service. Kaya lumapit ako sa kanya.
"Oh? Dee, hija, uwi na ba tayo? Sige sandali lang ah. Mga pare, uwi na ako, nandito na pala alaga ko eh" tapos naglakad na si Manong Jimmy. Naglakad na rin ako at nga pala...
"Manong Jimmy, bakit may sumakay na lalaki sa kotse?" nanlaki naman ang mata ni Mang Jimmy. Agad siyang lumapit sa kotse.
"Nako hija! Sino ba yung sinasabi mo!" tarantang sabi ni Manong Jimmy. Binuksan niya ang pintuan at parang umokay na ulit ang mukha niya nung nakita si Kuya Manyak.
"Hay, kayo lang pala sir! Kala ko naman kung sino!" tapos bumuntong hininga pa si Manong. Napatingin naman ako ng nagtataka kay Manong tapos kay Kuya Manyak.
Ay?
Nakangisi?