OMTF 11: Move Give Way

7 0 0
                                        

Papunta na ngayon si Britt sa condo nila ni Ell. Sa totoo naman talaga eh, siya lang naman talaga ang titira dapat doon kaya lang walang maisip na tuluyan si Ell kasi nga, pinalayas rin siya sa bahay nila dahil sa deal na ginawa ng lolo nila.

Pagpasok pa lang ni Britt, alam na niyang pinagtitinginan na naman siya. Sanay na rin naman siya kaya hindi na siya nagbigay pa ng pansin sa mga nakatingin sa kanya. Tumuloy na lang siya sa may elevator at tumuloy tuloy doon. Pinindot na niya kung anong floor siya pupunta at hindi naman nagtagal at nakarating rin siya doon.

Bubuksan na sana niya ang pinto ng unit nila ng may humarang sa kanyang bagong empleyado. Isa siyang parang mga nasa early 20's na lalaki at hindi mapagkakailang may itsura.

"Ah, Ma'am, this area is now prohibited for this area belongs to the daughter of the owner of this hotel" nakangiting saad ng binata. Tinitigan lang siya ni Britt at nilampasan lamang niya ang lalaki. Hahawakan na sana niya ang door knob ng may isang nagtangkang hawakan ang kanyang braso. Tinignan niya ang lalaki at kusang bumitaw ito sa pagkakahawak kay Britt.

"Ma'am, just as I said a while ago, bawal po kayo sa lugar na ito. Pagmamay- ari na po kasi ng anak ng may ari ng hotel na ito" nakayukong saad ng lalaki at kinakamot ang batok niya dulot ng hiya sa dalaga.

Saktong bumukas ang elevator at doon nakatayo ang isang hinihingal na binata. Pawis na pawis ito at halatang tumakbo. Napatingin siya sa lalaking nakayuko at si Britt na nakatingin lang sa lalaki gamit ang kanyang malalamig na mata.

Naramdaman ni Britt ang presensiya ng isang lalaki kaya sa sulok ng mata niya nakita ang isang lalaking ayaw na niyang makita sa buong buhay niya. Kaya tinalikuran na lamang niya ang lalaking nakayuko at binuksan ang pintuan ng unit niya. Binagsak niya talaga ang pintuan. Doon lang naramdaman ng lalaki na umalis na ang babaeng kausap kanina at nagtaka siya. Napakamot na lang ulit sya sa batok niya.

"Haisst, lagot ako nito. Sino ba kasi yung babaeng iyon?" kinakausap ng lalaki ang sarili niya. Tumalikod na lang siya at doon lang niya napansin ang presensiya ng isang lalaki. Kilala ang lalaking iyon sa condo na iyon dahil siya ang residente doon sa kaparehong floor ng anak ng may ari ng building.

"Uhh, sir, magandang hapon po. Pwede pong magtanong? Kilala niyo po ba yung babaeng nakasalubong ko po? Yung maganda?" tanong nung lalaki. Hindi siya pinansin nung lalaki.

"Sir Quiel! Sir Quiel!" tawag sa kanya ng lalaki pero hindi pa rin siya pinapansin nung lalaki. Pumunta na lamang siya doon sa unit niya at sinarado ang pintuan. Noong nagsarado na ang pintuan, napailing na lang ang lalaki sa inasal ni Quiel, oo si Quiel ang lalaking hindi namamansin. Ngunit sanay na rin ang mga empleyado.

Tumuloy na lang sa elevator ang lalaki at itatanong na lang niya sa manager niya kung sino ang babaeng iyon, yung pumasok sa unit ng anak ng may ari ng condo. Hindi naman kasi posibleng siyang ang anak ng may ari dahil kanina pa may pumasok na babae doon sa unit. Baka kaibigan lang ng may ari iyon.

====================

Kanina pa may inaayos si Britt sa kwarto niya, sanay kasi siyang malinis ang paligid niya. Hindi naman sa isa siyang palaasang tao pero nakukuntento na siya sa simpleng ayos lang. Habang nag- aayos siya, may kumatok sa pintuan ng kwarto niya. She didn't even bother to pay attention to whoever is behind the knocking, she just continued what she's doing.

"Britt, may gusto ka bang kainin?" It was Ell, and alam ni Britt yun kaya di na lang niya pinag-aksayahan pa ng attention. The girl on the other side sighed. "Then I'll just cook pasta, I'll leave it na lang sa table. Kain ka ah." It was then followed by some shuffling before the retreating steps were heard.

====================

Elle

Sanay na akong hindi nagsasalita si Britt, her just being there is enough. And her letting me stay with her is more than I could ever ask. She's kind, aloof, yes, but kind.

So with the necessary ingredients in mind, I went to the pantry para makuha na ang mga ito. Buti na lang at may stock dito sa condo niya at hindi na namin kailangang mamili pa. I got what I needed and went back to the kitchen counter.

Habang hinihintay ang tuluyang pagkaluto ng sauce at ang paglamig ng pasta, I heard my phone ring. When I got it, nakita kong tumatawag si Cat, so I went ahead and answered.

"Hello?" I greeted. There was no quick response, kaya nagsalita ulit ako. "Cat?"

"E-elle..." there's something in her voice, and I don't like it.

"B-bakit? A-anong nangyari? Okay ka l-lang?" I stuttered. Hindi ganito si Cat, may nangyari.

"Can you pick me up? I'm in God knows where and I'm broke" at humagulgol siya

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 04, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

OPERATION: Make Them FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon