OMTF 4

34 1 0
                                    

OMTF 4

Dee's POV

Nakakainis! Nakakainis talaga! Uggh! 

Padabog akong pumasok dito sa restobar na ito. As I remember, ito ang favorite tambayan ng mga magulang naming magpipinsan, eh bakit kasi dito pa kami magfafamily dinner! Eh puro business lang naman ang pag-uusap namin--- nila eh!

Habang yung lalaki namang nakasunod sa akin, tumatawa! Aba'y! Kahit mahina naririnig ko pa rin! Tama bang pagtawanan ako kanina! Kesyo kinagat ko daw yung kamay niya! Kesyo mabigat daw ako! Di ba nga? Binuhat niya ako papasok! Eh parang kidnap na rin yun!

At eto pa yung matindi! Pinagnanasaan ko daw siya! Paano ba naman kasi, kaya daw ako bumubungisngis kanina habang buhat niya ako, eh minamanyak ko na daw siya! If I know, siya ang nag-chansing sa akin! Urgh!

Hindi naman nagtagal, nakita ko rin sila Mama, kaya tumuloy na ako doon at umupo agad habang salubong ang kilay ko! Napansin ko namang nakatayo ang babaeng kaharap ni Mama pati na rin si Mama! Isama na rin si Kuya Manyak!

"EHEM… Sugarplum, please stand up and introduce yourself to Mama's….. friend" tinuro ni Mama yung babaeng nasa harapan niya. Tinitigan ko lang young babae at yung babae na young nag-introduce sa sarili niya

"Hello, hija. Ako nga pala si Nathalia Jung, call me Tita Thalia [Talya]" tinanguan ko lang ang babae. Naramdaman ko namang sinipa ako ni Mama sa ilalim ng table at tinitigan ko lang siya. Makuha naman niya bad trip ang panganay niya! Aba!

"Sweetheart, nagpakilala ka na ba sa kanya?" tanong nung babae, ayoko siyang tawaging Tita Thalia kasi hindi naman kami close! So tumingin nga siya kay Kuya Manyak. Oo nga noh, hindi ko pa siya kilala.

"Ah, hindi pa po Ma. Nga pala, ako si Nathaniel Seuk Jung, call me Nathan" tapos inabot niya kamay niya. Tinitigan ko lang. Naramdaman ko namang sinisiko ako ni Mama kaya wala akong nagawa kundi ang tanggapin ang kamay niya. Remind me later na mag-alcohol ah?

"Umm, nga pala, siya si Divine Irina Stevenson, Dee yung nickname niya. Pagpasensyahan niya na ah, medyo harsh lang siya, alam mo na" tapos tumawa si Mama, parang baliw lang? Nakitawa na rin yung babae. Samantalang si Nathan, ayun, no reaction.

"Anyway, upo na tayo" aya ni Mama. Buti naman at naisip niyang umupo na sila kundi magmumukha lang silang baliw na nakatayo doon.

Kinalikot ko na lang ang phone ko ng magsimula silang magkwentuhan. Naramdaman ko namang nakatingin silang 3 sa akin.

"Umm, Dee, hija, ano gusto mo?" buti na lang at hindi ako lutang kaya nagets ko na nandito na pala ang waiter at kinukuha na ang order namin. 

"Just give me the usual. Don't forget my mango smoothie okay?" sabi ko na lang ang tinuloy ang pagkalikot ko sa phone ko. Well, nagsimula na naman slang magkwentuhan at hindi na naman ako nakinig. Hindi rin naman nagtagal at dumating na run ang food namin. Binilisan ko talagang kumain dahil kanina pa nangangati ditto! Kasi naman eh! I hate you, dayami! Kahit naman nakapag-alcohol na ako, medyo makati pa rin eh.

"Oh, sugarplum, you're finish already? Well that's new. Eh you're slow pa naman kung kumain. Diet ka ba hija?" tanong sa akin ni Mama. Gusto kong tumawa! Ako? Diet? Parang hindi yata tugma sa isang sentence yun ah? Narinig ko namang napatawa si Nathan. Sinamaan ko siya ng tingin at tumayo na sa table namin habang nagpupunas ng bibig. 

"Ma, una na po ako" maikli kong saad at lumabas na sa restobar. Nakita ko naman agad si Manong Jimmy at naglakad na papunta sa kanya. Habang papunta ako, naramdaman kong nagvibrate ang phone ko. 

Huminto muna ako sa paglalakad at kinuha ang phone ko sa bulsa ng palda ko. Remember? Hindi pa ako nakakapagpalit ng damit. 

Calling: 091******** (Lolo)

|Accept|          |Decline|

Si Lolo? Tumatawag sa akin? Aba'y! Himala! Ano kayang kailangan ng huklubang ito? 

{A/N: Huwag niyo pong pansinin ang sadyang nakababastos na salita. Huwag din gagayahin}

"OH! Huklu----" pero bago ko man maituloy ang sasabihin ko, pinutol na niya ang sasabihin ko.

"M-ma'am Divine, yung L-lolo niyo p-po" teka? Di ba ito yung personal nurse ni Lolo?

"Anong nangyari sa kanya?" kahit naman nanginginig na ang boses ng nurse ng huklubang iyon, hindi naman dapat akong magpanic, di ba? Wala namang nangyari sa kanyang masama di ba?

"Y-yung L-lolo niyo po, nandito sa ********** Medical Center" napatakbo ako ng wala sa oras. Binaba ko na rin ang phone. Lumapit agad ako kay Manong Jimmy

"Manong, sa ********** Medical Center nga po, pakibilisan lang po" ewan ko ba, pero parang kinakabahan ako. Parang may hindi magandang mangyayari. Na hindi ko magugustuhan.

OPERATION: Make Them FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon